"Alyssa? Asawa ko? Nasaan ka na?" Paulit-ulit kong naririnig sa labas ng aming kwarto. Dahan-dahan kong minulat ang mata ko, at napagtanto na napatagal pala ang tuloy ko sa kwarto ni Brix. Malalim na gabi, kaya nagmadali akong tumayo at akma na sanang aalis, nang marinig ko na naman ang boses na tinatawag ang pangalan ko. "Alyssa? Asawa ko!" pag-uulit ni Brix, kaya mabilis akong lumabas ng kwarto at napatingin sa ibaba, kung saan nandoon si Brix at nakaluhod. Sa itsura niyang 'to, halatang lasing na lasing siya. Mabilis akong bumaba ng hagdan at kaagad siyang sinalubong. "Anong nangyari sa'yo? Jusko Brix! Buti nakauwi ka pa!" Sinalo ko siya na akmang pahiga na sa sahig. Pinipilit niyang imulat ang mata niya nang makita ako. Ngumiti lang siya. Bakit parang may kakaiba kay Brix?

