Three months later... Alyssa POV NANGINGINIG kong binuksan ang door knob ng banyo. Pagpasok ko, kaagad kong sinarado 'yon at tumingin sa salamin. Hindi pa humihilom ang bugbog na natamo ko kahapon, nadagdagan na naman ngayon. Hindi ko mapigilang mapaluha, kaya binuksan ko kaagad ang gripo upang hindi marinig ang paghikbi ko. Paano, nasampal na naman kasi ako ni Brix kanina habang nagluluto. Nagulat na lamang ako nang biglang dumampi ang mabigat niyang kamay sa mukha ko. Ang dahilan? Nalagyan ko ng asukal ang kape niya. Kasalanan ko naman din kasi, paulit-ulit niyang sinasabi sa akin na huwag lalagyan, pero ayun, nakalimutan ko pa rin. Pagkatapos kong malabas ang mainit na likido sa mata ko, naghilamos ako. Pinatago muna ako ni Brix dito sa banyo, dahil may darating daw na maglilinis

