MAHIGPIT ang yakap ni Martina kay Adriano habang nananatili pa rin siyang nasa ibabaw nito sa loob ng madilim na sasakyan. Tanging mahihinang paghinga nilang dalawa at tunog ng ulan sa labas ang maririnig. Nakapikit si Martina habang nakasandal ang noo niya sa dibdib ng asawa, tila gusto niyang namnamin ang kakaunting sandaling ito na nagiging kanya si Adriano nang buo.
Dahan-dahang hinaplos ni Adriano ang likod ng babae. Kahit sanay na siya sa mga ganitong s*x escapades at mga mapanganib na “adventures” sa loob ng sasakyan, kakaiba pa rin ang pakiramdam kapag si Martina ang kaharap niya. Hindi nawawala ang init, ang excitement, at higit sa lahat… ang guilt na pilit niyang ibinabaon sa sarili.
Alam ni Martina na gusto rin iyon ni Adriano. Iyong thrill. Iyong bawal sa paningin ng ibang tao. Ngunit sa kabila ng lahat, alam niyang hindi lang iyon simpleng pagnanasa para sa lalaki. May pagmamahal pa ring nakahalo roon.
Bahagyang umangat si Martina at tiningnan ang asawa. Magulo ang buhok ni Adriano at bahagyang nakabukas ang polo nito, pero nananatili pa rin ang awtoridad sa mukha ng mayor. Isang lalaking hinahangaan ng marami, ngunit sa likod ng imahe nito ay isang asawang hindi marunong makuntento sa iisang babae.
“Magagaling ba talaga ang mga babae mo?” mahina ngunit diretso niyang tanong. “Nahihigitan ba nila ang ginagawa ko sa’yo?”
Sandaling natahimik si Adriano bago bahagyang ngumiti. Hindi iyong mayabang na ngiti niya sa harap ng mga tao, kundi iyong tipong may halong lambing at pagod.
“You’re still different, Martina,” bulong niya habang hinihimas ang pisngi ng babae. “Wala ni isa sa kanila ang kayang pantayan ka.”
Napailing si Martina at pilit na ngumiti, pero bakas pa rin ang sakit sa kanyang mga mata.
“Pero marami pa rin sila,” mahinang saad niya sa wikang halos pabulong na lamang. “And I know hindi mo sila kayang iwan.”
Napabuntong-hininga si Adriano bago siya muling hinila palapit.
“Sinabi ko naman sa’yo,” seryoso niyang tugon. “Ikaw ang asawa ko. Ikaw ang mahal ko. Maraming babae ang dumaan sa buhay ko, yes… but the happiness you give me is different. Sa’yo lang ako nakakaramdam ng tahanan.”
Bahagyang kumirot ang dibdib ni Martina sa narinig. Dahil kahit paulit-ulit niya iyong marinig, alam niyang hindi sapat ang pagmamahal para baguhin si Adriano.
Isa siyang mayor. Makapangyarihan. Hinahabol ng maraming babae. At siya namang si Martina… isang asawang hindi maibigay ang bagay na pinakagusto niya—isang tagapagmana.
“Sinasabi ko naman sa’yo…” muling sambit ni Adriano habang diretso siyang tinitigan. “Bigyan mo lang ako ng anak, and I swear… hindi na ako mabababae pa.”
Parang tinuhog ang puso ni Martina sa sinabi nito. Dahil alam niyang iyon ang isang bagay na hindi niya maipangako. Maraming beses na silang sumubok. Maraming doktor na rin ang nagsabi ng posibilidad na mahirapan siyang magbuntis. Ngunit kahit kailan ay hindi siya iniwan ni Adriano bilang asawa—kahit na unti-unti naman siyang sinasaktan nito sa ibang paraan. Kaya natutunan na lamang niyang tanggapin ang katotohanan. Na kahit gaano siya kamahal ng asawa, hindi mawawala ang pagiging babaero nito.
Tahimik na lamang siyang yumakap muli kay Adriano. Hindi na siya sumagot pa. Dahil alam niyang kapag nagsalita siya, baka tuluyan nang mabasag ang natitira niyang pride bilang asawa.
Hinaplos ni Adriano ang buhok niya at hinalikan ang noo nito.
“I love you, Martina.”
Napapikit si Martina habang pinipigilan ang sariling maiyak.
“I know,” mahina niyang sagot. “Kahit minsan… ang hirap paniwalaan.”
Tahimik ang loob ng sasakyan habang binabaybay nila ang daan pauwi sa mansyon ng Morello..Tanging tunog lamang ng makina at mahinang jazz music mula sa stereo ang pumupuno sa katahimikan.
Nakasandal si Martina sa bintana habang pinagmamasdan ang ilaw ng siyudad. Samantalang si Adriano naman ay seryosong nakatutok sa pagmamaneho, hawak pa rin ng isang kamay ang manibela habang ang isa ay paminsang humahaplos sa hita ng asawa.
“Why are you so quiet?” tanong ni Adriano nang hindi inaalis ang tingin sa kalsada.
Bahagyang ngumiti si Martina pero hindi iyon umabot sa kanyang mga mata.
“Napapagod na siguro ako.”
“Sa akin?” diretsong tanong ng mayor.
Hindi agad sumagot si Martina. Dahil ang totoo, pagod na siyang mahalin ang isang lalaking alam niyang hinding-hindi magiging sapat sa kanya lamang pero mahal niya ito. Hindi niya hahayaan na mawala si Adriano sa kanya..Ngunit bago pa siya makapagsalita, biglang nag-ring ang cellphone ni Adriano.
Sumulyap ito sa screen at agad na nag-iba ang ekspresyon ng mukha nito.
Napansin iyon ni Martina.
“Hindi mo sasagutin?” tanong niya.
Nanatiling tahimik si Adriano ng ilang segundo bago pinatay ang tawag.
“It’s nothing.”
Pero muling tumunog ang cellphone. At sa pagkakataong iyon, malinaw na nakita ni Martina ang pangalan sa screen.
CLAIRE.
Isa na namang babae.
Bahagyang kumirot ang dibdib ni Martina ngunit sanay na siya. Sanay na siyang lunukin ang sakit.
“You should answer it,” malamig niyang saad.
“No need.”
“Baka importante.”
Napabuntong-hininga si Adriano bago tuluyang isinagot ang tawag gamit ang bluetooth ng sasakyan.
“Anong kailangan mo?” malamig nitong tanong.
Ngunit kasunod niyon ay isang umiiyak na boses ng babae.
“Adriano… please… nasa hospital ako…”
Biglang nagsalubong ang kilay ng mayor.
“What happened?”
“I’m pregnant…”
Parang biglang tumigil ang mundo ni Martina. Nawalan ng kulay ang mukha niya habang dahan-dahang napalingon kay Adriano.
Tahimik ang lalaki. Halatang hindi rin nito inaasahan ang narinig.
“At… ikaw ang ama.”
Mahigpit na napahawak si Martina sa kanyang damit.
Pakiramdam niya ay may mabigat na bagay na dumagan sa dibdib niya. Ilang segundo ng katahimikan ang namagitan sa loob ng sasakyan bago tuluyang magsalita si Adriano.
“Nasaan ka?” tanong ni Adriano.
Napapikit si Martina sa narinig.
Doon niya tuluyang naramdaman ang sakit ng katotohanang kahit kailan ay hindi niya maibibigay kay Adriano ang bagay na kayang ibigay ng ibang babae.
Isang anak.
At sa unang pagkakataon matapos ang maraming taon, naramdaman niyang baka hindi lang pagiging babae ni Adriano ang kailangan niyang tanggapin… Kundi pati ang posibilidad na may ibang babaeng tuluyang papalit sa pwesto niya bilang tunay na pamilya ng mayor.
Nanatiling tahimik si Martina habang mahigpit na nakakapit sa kanyang bag. Ramdam niya ang malakas na t***k ng puso niya habang malinaw na naririnig ang bawat salita mula sa kabilang linya.
“Adriano… please, huwag mo akong iwan,” umiiyak na pagsusumamo ni Claire. “Anak mo ito…”
Biglang tumigas ang ekspresyon ng mayor. Nawala ang anumang gulat sa mukha nito at napalitan ng malamig na tingin.
“Parang hindi mo ako kilala, Claire,” malamig ngunit kontroladong sagot ni Adriano. “Alam mong imposibleng mabuntis kita.”
Natigilan maging si Martina sa narinig.
“Adriano—”
“Everytime na may nangyayari sa atin, gumagamit ako ng condom,” putol nito. “I’m careful with those things. Kaya tigilan mo ako sa drama mo.”
Natahimik ang kabilang linya bago muling umiyak si Claire.
“Baka may pagkakataon na—”
“There’s no chance,” madiing sagot niya. “At kung may dinadala ka man, hindi akin iyon.”
Unti-unting napalingon si Martina sa asawa. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman.
Relief ba?
O mas lalong sakit dahil kitang-kita niyang gaano kaingat si Adriano sa ibang babae… samantalang sa kanya lamang ito hindi nag-iingat noon dahil umaasa itong magkakaanak sila.
“Mayor ako, Claire. Hindi ako tanga,” malamig na dagdag ni Adriano. “Kung pera ang kailangan mo, sabihin mo agad. Huwag mo nang gamitin ang bata para itali ako sa’yo.”
Tuluyang napaiyak si Claire sa kabilang linya.
“So iyon lang pala ang tingin mo sa akin?”
“I already told you before,” sagot ni Adriano. “Hindi kita kayang mahalin. May asawa ako.”
At walang pag-aalinlangan nitong pinatay ang tawag.
Muling binalot ng katahimikan ang sasakyan. Hindi nagsalita si Martina. Tahimik lamang siyang nakatingin sa daan habang pilit inaayos ang magulong emosyon sa dibdib niya.
Napansin iyon ni Adriano kaya bahagya nitong hinawakan ang kamay niya.
“Martina…”
Ngunit marahan niyang inalis ang kamay nito.
“Ang sakit palang marinig,” mahina niyang saad habang nakatingin pa rin sa bintana.
Nagsalubong ang kilay ni Adriano.
“Anong ibig mong sabihin?”
Humugot ng mabigat na buntong-hininga si Martina bago siya tuluyang humarap dito.
“You were so careful with them,” nanginginig niyang sabi. “Pero sa akin… you desperately wanted a child.”
Parang may biglang kumurot sa dibdib ni Adriano.
“Martina—”
“Alam kong gusto mo maging ama,” putol niya habang pilit na ngumumingiti kahit naiipon na ang luha sa kanyang mga mata. “At bawat beses na hindi ako nabubuntis… pakiramdam ko lalo kitang binibigo bilang asawa.”
Agad na huminto si Adriano sa gilid ng kalsada.
Walang pag-aalinlangan nitong hinawakan ang mukha ng babae.
“Look at me.”
Dahan-dahang napatingin si Martina rito.
“Hindi mo kasalanan iyon,” mahina ngunit seryosong saad ni Adriano. “And stop thinking na kaya ako nagkakaganyan dahil wala tayong anak.”
Napatawa ng mapait si Martina.
“Pero iyon naman talaga ang kulang sa atin, Adriano.”
Hindi agad nakasagot ang mayor. Limang taon na silang mag asawa pero wala pa rin silang anak at naiinip na rin siya.