MAHIGPIT pa rin ang hawak ni Adriano sa manibela habang nakahinto ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Mabigat ang katahimikang namamagitan sa kanilang mag-asawa matapos ang tawag ni Claire. Ngunit hindi umiiyak si Martina. Hindi rin siya mukhang masaktan. Sa halip ay tahimik lamang siyang nakaupo roon, matalim ang tingin sa madilim na daan habang tila isa-isang inaayos ang emosyon sa isip niya.
Kilalang matapang si Martina. Kahit sa mga social events ng mga pulitiko at negosyante, never siyang nagpakita ng kahinaan. Alam ng lahat na kahit ilang beses nang nasasangkot sa babae ang mayor, nananatili siyang matikas sa tabi ng asawa nito.
Hindi dahil bulag siya. Kundi dahil matalino siyang babae. Alam niyang hindi niya kontrolado ang kahinaan ni Adriano bilang lalaki. Ngunit hinding-hindi niya hahayaang sirain siya nito bilang babae.
Humugot ng mabigat na buntong-hininga si Adriano bago muling nagsalita.
“Kung magkakaanak man ako,” mababa nitong saad, “sisiguraduhin kong mahal ko ang ina ng anak ko.”
Dahan-dahang napalingon si Martina sa kanya.
“At ang tulad ni Claire…” malamig na dagdag niya, “alam ko kung anong klaseng babae siya.”
Bahagyang natawa si Martina. Hindi dahil masaya siya kundi dahil alam niyang totoo ang sinasabi nito.
Claire was desperate.
Masyado nitong gustong maging legal sa buhay ni Adriano kaya handa itong magsinungaling mabuntis lamang kunwari at itali ang mayor sa kanya.
“Then stop entertaining women like her,” kalmado ngunit matalim na sagot ni Martina.
Napatitig si Adriano sa asawa.
Walang bakas ng insecurity sa mukha nito. Walang pagmamakaawa. Walang drama. At iyon ang isa sa mga bagay na kinatatakutan niya kay Martina. Because she was strong enough to walk away kapag napuno na siya.
“You’re not angry?” tanong niya.
Tumaas ang isang kilay ni Martina bago siya sumandal sa upuan.
“Galit?” bahagya siyang ngumiti. “Adriano, matagal ko nang alam kung anong klaseng lalaki ang pinakasalan ko.”
Mas lalong sumeryoso ang mukha ng mayor.
“But I’m not stupid either,” dagdag ni Martina. “Tinatanggap ko ang kahinaan mo bilang asawa ko. Pero huwag mong aabusuhin ang katotohanang mahal kita.”
Parang biglang nanikip ang dibdib ni Adriano. Dahil sa unang pagkakataon, ramdam niyang hindi takot si Martina na mawala siya. At iyon ang bagay na hindi niya kayang kontrolin. Because unlike other women, Martina never begged for his attention.
Biglang tumunog muli ang cellphone ng mayor. Napatingin si Adriano rito at agad nagsalubong ang kilay niya nang makita ang pangalan sa screen.
SENATOR DELA VEGA
Agad niya iyong sinagot.
“Senator,” nakangiti niyang sagot.. Ngunit ilang segundo pa lamang ay biglang tumigas ang panga ni Adriano. “Who told the media?” malamig niyang tanong.
Napakunot-noo si Martina habang pinagmamasdan ang asawa. Halatang pinipigilan nito ang galit.
“Yes, I understand,” maikli nitong sagot bago pinatay ang tawag.
“What happened?” kalmadong tanong ni Martina.
Hindi agad nagsalita si Adriano. Mariin muna niyang napahawak ang manibela bago tumingin sa asawa.
“May kumakalat na pictures.”
“Pictures?”
Dahan-dahang napalingon si Adriano sa kanya.
“Oo.”
Bahagyang kumunot ang noo ni Martina.
“At first akala ko simpleng date shots lang,” dagdag nito. “Pero may kuha sa loob ng sasakyan.”
Biglang natahimik si Martina. Dahil alam niyang hindi ordinaryong litrato iyon. Someone was watching them.
“Who sent it?” malamig niyang tanong.
“I don’t know yet.”
Maya-maya’y muling nag-vibrate ang cellphone ni Adriano. This time, anonymous number.
Nang buksan niya ang mensahe, tuluyang tumalim ang tingin niya.
“Putangina…” mura niya.
Agad kinuha ni Martina ang cellphone mula sa kamay nito. At doon siya bahagyang natigilan. Makikita sa litrato ang isang babae na nakaupo sa kandungan ni Adriano sa loob ng sasakyan. Kita ang hubad nitong likod at ang kamay ng mayor sa beywang nito.
Ngunit walang mukha ang babae. Madilim ang kuha. Sadyang tinago kung sino iyon. Ang kasunod na mensahe ay lalo pang nagpabigat sa hangin sa loob ng sasakyan.
“Mayor Adriano Morello. Tomorrow morning, nasa headlines ka na.”
Nanlamig ang paligid. Dahil alam nilang mag-asawa kung gaano kalaking eskandalo iyon para sa isang mayor na naghahanda tumakbo bilang gobernador. Ngunit sa halip na mataranta, dahan-dahang ibinaba ni Martina ang cellphone bago malamig na ngumiti.
“Interesting.”
Napatingin si Adriano sa kanya.
“You’re not scared?”
Tumaas ang isang kilay ni Martina.
“Scared?” bahagya siyang natawa. “Adriano, your enemies are stupid.”
“What do you mean?”
Dahan-dahang inayos ni Martina ang kanyang buhok bago tumingin diretso sa asawa.
“They’re trying to destroy you using s*x?” mapakla siyang ngumiti. “As if hindi alam ng buong siyudad na babaero ka.”
Hindi napigilang mapangiti ni Adriano sa sinabi ng asawa.. Kilala niya si Martina. Hindi ito iyong tipong iiyak sa sulok dahil sa eskandalo. Mas lalo lamang itong nagiging mapanganib kapag sinusubukang gipitin.
Ngunit maya-maya’y muling tumalim ang tingin ng mayor habang nakatitig sa litrato.
“I know who did this.”
Napatingin si Martina sa kanya.
“Claire.”
Hindi man kita ang mukha ng babae sa litrato, sigurado si Adriano. Kilalang-kilala niya ang katawan nito. Ang buhok. Ang manipulative nitong ugali.
“She’s desperate,” malamig niyang saad. “Akala niya matatakot ako.”
Bahagyang natawa si Martina.
“She wants your attention,” sabi nito habang ibinabalik ang cellphone sa asawa. “At mukhang hindi niya matanggap na kahit ilang beses mo siyang hinigaan… hanggang kabit lang siya.”
Napabuntong-hininga si Adriano bago sumandal sa upuan.
“She crossed the line.”
Ngunit mas lalo siyang natigilan sa sumunod na sinabi ng asawa.
“But if they want war…” malamig at matapang na saad ni Martina, “then let’s give them a better scandal.”
Napakunot-noo si Adriano. “What are you planning?”
Dahan-dahang lumapit si Martina. Marahan niyang inayos ang kwelyo ng polo ng asawa habang diretso itong tinitigan.
“Tomorrow,” bulong niya, “sasamahan kita sa campaign event mo.”
“And then?”
Ngumiti si Martina. Iyong ngiting alam ni Adriano na may binabalak na naman itong delikado.
“I’ll stand beside you like the perfect wife…” mahina niyang saad. “Habang pinapakita natin kay Claire na kahit anong gawin niya… ako pa rin ang Mrs. Morello.”
Sandaling natahimik si Adriano bago siya tuluyang matawa nang mahina. At doon niya muling naalala kung bakit kahit ilang babae ang dumaan sa buhay niya…
Si Martina pa rin ang babaeng hindi niya kayang bitawan. Lahat lang naman ng problema niya ay ito ang umaayos.
Napangiti si Adriano habang nakatitig kay Martina. Sa kabila ng eskandalo, sa kabila ng galit at tensyon, nananatili pa ring kalmado ang asawa niya, elegante, matalino, at hindi kailanman nagpapaapekto sa simpleng paninira.
At iyon ang dahilan kung bakit mas lalo niya itong hindi kayang pakawalan. Dahan-dahan niyang hinawakan ang baba ni Martina at marahang inilapit ang mukha rito.
“Kaya nga hindi ko na kailangan ng campaign manager,” mababa at puno ng paghanga niyang saad. “Dahil sa’yo pa lang, maayos na ang lahat.”
Bahagyang tumaas ang kilay ni Martina.
“Oh?” mapaglaro nitong sagot.
Napangiti si Adriano bago marahang hinaplos ang labi ng asawa gamit ang hinlalaki niya at ipinasok iyon sa bibig ng asawa na bahagya namang sinipsip ni Martina.
“That’s why mahal na mahal kita.”
Sandaling natahimik si Martina. Dahil kahit alam niyang babaero ang asawa niya… alam din niyang totoo ang pagmamahal nito sa kanya.
Magulo.
Makasarili.
Pero totoo.
“You’re unbelievable,” mahina ngunit may halong amusement na saad ni Martina.
“And yet, you still stay.”
Bahagyang ngumiti si Martina bago sumandal sa upuan. “Because unlike your women,” malamig ngunit elegante niyang sagot, “I don’t compete for your attention.”
Napabuntong-hininga si Adriano at napailing habang nakatitig sa asawa. Doon niya lalong naramdaman ang malaking pagkakaiba ni Martina sa lahat ng babaeng naging parte ng buhay niya.
Hindi ito clingy. Hindi desperada. Hindi rin ito iyong tipong sisira ng buhay niya kapag hindi nakuha ang gusto.
Martina knew her place..At higit sa lahat, alam nito ang halaga niya bilang Mrs. Morello.
Biglang hinila ni Adriano ang beywang ng asawa palapit sa kanya dahilan para bahagyang mapasandal si Martina sa dibdib nito.
“Careful, Mayor,” bulong ni Martina habang nakataas ang isang kilay. “Baka may makakita rin sa atin.”
Ngunit sa halip na bumitaw, mas lalo lamang humigpit ang hawak ni Adriano sa kanya.
“Let them watch.”
Napatingin si Martina rito. Madilim ang tingin ng mayor habang marahang hinihimas ang hita niya.
“Para maintindihan nilang walang kahit sinong babae ang kayang pumalit sa’yo.”
Bahagyang natawa si Martina bago niya marahang inayos ang kurbata ng asawa.
“You say that now,” mapakla ngunit kalmadong saad niya. “Pero bukas may bago ka na namang babae.”
Hindi nakasagot agad si Adriano. Dahil kahit anong deny ang gawin niya, pareho nilang alam na totoo iyon. Ngunit sa halip na magalit, marahan lamang siyang yumuko at hinalikan ang leeg ng asawa.
“At the end of the day,” bulong niya laban sa balat nito, “sa’yo pa rin ako umuuwi.”
Napapikit si Martina sandali bago marahang napangiti. At marahil iyon ang pinakamalaking kahinaan nilang dalawa. Alam nilang pareho na hindi perpekto ang relasyon nila.
Pero sa kabila ng lahat ng kasalanan, eskandalo, at sakit…Sila pa rin ang pinipiling balikan ng isa’t isa.