“Ano ka ba ‘pin baka makita tayo ni kuya.” ako na pinandidilatan si pinsan.
“Nako nahilik pa ‘yon puyat si kuya may ka-video call kagabi chicks yata niya.” Hindi na ako nagtaka na kuya ang tawag niya sa kuya ko dahil talaga naman na ‘yon na ang tawag niya since. Pangagay kasi ang tatay namin sa tatay ni pinsan.
Napatakip ako ng aking bibig nang maalala ko na hindi pa pala ako nagsesipilyo.
“D’yan ka nga” sabi ko at nagtuloy na sa banyo. Nakasarado na ang banyo ay nadidinig ko pa rin ang pinsan kong tatawa-tawa. Habang nasa banyo ako na ginagawa ang morning routine ko ‘di ko mapigilang kiligin. Kahapon lang ay hinahanap ko siya ‘di ako makapaniwala na nandito siya ngayon sa aming bahay at magkaratig pa kami kagabi. Tanging halikan lang naganap sa'min at yakap. Baka kung ano na iniisip 'nyo ha? Hindi namin napag-usapan ang tungkol sa ganoong bagay hanggang sa nakatulog na kami.
Isang katok ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyang sitwasyon.
“’San tagal mo naman gutom na ako eh” basta itong pinsan ko lagi na lang nag dudumali.
“Wait lang po matatapos na.” ako na ang totoo naman ay nasa tapat lang ako nang pinto. Nahihiya kasi ako lumabas hindi ko alam kung paano ako kikilos. Nang buksan ko na ang pinto ay wala na si pinsan sa tapat nito. Naroon na siya sa lamesa kasama ang kuya ko na nagtitimpla nang kape niya.
“O bunso ‘di ko alam dito pala natulog itong si Arvin.”
Si kuya na nakatingin sa akin habang ako’y papalapit sa hapag
“Oo kuya nakatulog ‘yan sa bubong.” nang ako'y makaupo na. Sinipa-sipa ko si Arvin ng paa ko sa ilalim nang lamesa para humingi nang tulong sa isasagot sa kuya ko.
Napaubo na lang si pinsan pagkatapos ‘non.
“Ayan kasi sabi ko ‘dun na sa salas matulog ‘di kasi nakikinig eh tigas nang ulo.” ako na pinagagalitan kuno si pinsan.
“Ayos lang naman sanay na ako matulog sa bubongan n'yo. Ganda nga e kita ko ang mga nag-gagandahang stars. Ehem. “ napatikhim si pinsan
“Maiba ako kuya panalo ang Cavs kagabi ah. Dito na ako nakapanood ‘di na ako nakauwi sa’min” si Arvin pa rin na pilit iniiba ang topic pero si kuya naman ay pansin kong walang nahalata na kahit ano.
“Oo nga nakita ko na sa news kaninang gising ko. ‘Di na ko nakapanood pa’no ang kulit ni Beverly sa phone walang ubos ang chat niya.” si kuya na sumasandok nang kaning sinangag.
“Infairness ‘pin sarap ng luto mo ah” ako na walang maimik. Wala lang masabi.
“Hotdog at itlog lang yan ‘san huwag kang ano. Wala naman iba sa ref n’yo dito. Pasensya na nga pala nakialam ako sa kusina n'yo. Nagugutom na kasi ako. Ikaw kasi ‘san tagal mo gumising dapat ikaw nagawa ng mga gawaing pang kusina.” Mahabang paliwanag ni pinsan. Tanging ngiti lang aking nai-tugon.
Dahil ang totoo’y gutom na rin ako. Hangang sa natapos na ang aming agahan. Nagpaalam si kuya na aalis pupunta daw siya kay ate Beverly. Si Beverly Hernaez ay classmate ni kuya. Jowa ni kuya ‘yon. Pero ang alam ko hindi nanligaw si kuya Kent. Kasi si kuya Kent ang niligawan ni ate Bevs. May pagka-tisoy ang aking kuya hindi nalalayo sa hitsura ni Alden Richards ‘yong artistang sumikat kasama si Maine Mendoza. Oo artistahin ang aking kuya pati na sa kutis niya. Kutis yayamanin 'di naman. Dahil narin siguro kasi hindi siya pala-labas ng bahay namin. Tapos mahusay din s’ya pag-dating sa pag-aaral na hindi ko namana kay kuya ako kasi tamang pasang-awa lang.
Narito na ako ngayon sa aking kwarto. Ewan ko ba parang gusto ko na lang magtago dito. Hinayaan ko na lang si pinsan sa baba kaya na n’ya maghugas doon ng pinag-kainan. Dapat lang dahil s'ya nagluto s’ya rin maghugas.
“Kailangan ko na pala mag-gayak nang ilang gamit ko” naalala kong bukas nga pala ang alis namin ng madaling araw. Iniisip ko kung nasa baba pa si pinsan. Nahihiya naman ako bumaba. Saktong bubuksan ko na ang pintuan nang aking kwarto ng may kumatok.
“’San uwi na ako. Nagtext si mommy eh aalis na pala kami.
“‘San”
“‘San”
Bigla akong kinabahan. Natuod na lang ako sa aking kinatatayuan. Nagdadalawang-isip kung bubuksan ko ang pintuan o magpapanggap na lang na hindi ko narinig. Lumipas ang ilang segundo wala na akong narinig na kahit na anong ingay sa labas ng aking kwarto. Kaya napagdesisyonan ko nang buksan ang pintuan nang aking kwarto.
Laking gulat ko nang…
“‘San.” si pinsan na nakatayo lang sa aking harapan na may malawak na ngiti.
“’pin akala ko umalis ka na.” ako na kung nagulat na nasa harapan ko si pinsan ay mas ikinagulat ko ang sunod niyang ginawa.
Hinawakan nya ako sa aking dalawang braso gamit ang dalawang kamay niya. Napaatras na lang ako sa loob ng aking kwarto at dagli ni pinsan isinara ang pintuan gamit ang kanyang isang paa. At sa pangatlong pagkakataon ako’y nagulat nang halikan ni pinsan ang mga labi kong nakaawang sa gulat. Napaatras ako habang magkalapat pa rin ang aming mga labi na tinugunan ko sapagkat para akong nasasabik sa bawat segundong lumilipas na kami’y magkalapat ang mga labi. Naramdaman ko na lang ang malambot kong kama sa aking likuran. Nai-higa na ako ni pinsan at siya naman ay nasa ibabaw ko.
Naramdaman ko ang bigat niya sa aking ibabaw. Habol ang aming mga hinga ng maghiwalay ang aming labi.
“’San mahal kita, mahal na mahal.”
“Mahal na mahal din kita ‘pin” tugon ko
Naka-dagan pa rin sa ibabaw ko si pinsan at panaka-nakang hinahagkan ang kabuuan ng aking mukha. Nagtagal ang kukuntil na halik niya sa aking noo. Pag-kuwa’y nagsalita siya.