Chapter 12

1569 Words
Chapter 12 - Paul's POV - Nng magising ako ay medyo maingay sa labas. Masarap parin ang tulog ni Stella sa tabi ko. Tumayo ako para tignan kung ano ang pinagmumulan ng kaingayan nila. Nang tignan ko sila ay nasa beach na sila sa likod ng bahay nila Lola. Naliligo na silang lahat doon habang ang iba ay nagbabantay lang ng ibang mga naliligo katulad ng bata. Gustohin ko mang maligo kasama nila ngayon pero hindi ko naman pwedeng iwanan nalang basta si Stella. Tyaka, hindi din sya makakaligo kaya hindi nalang siguro ako maliligo katulad nya. Bumalik ako ng higa sa tabi ni Stella at napatitig ako sa muhkang nya habang natutulog sya. Napakapayapa ng muhka nya at parang napakasarap nitong titigan nalang buong magdamag. Maya-maya pa ay bigla itong nagmulat ng mata. "Bakit?" Natatawa nyang tanong. "Wala naman. Ang sarap mo lang titigan." Sabi ko at nginitian sya. Ngumiti lang din sya sa akin at napatingin sa bintana. "Ano yon?" Tanong nya. "Naliligo sila sa beach." Sabi ko. Tumayo na sya at agad naman akong sumunod sa kanya. Tumingin sya sa mga taong naroon at biglang ngumuso. "Sayang, bawal ako maligo." Sabi nya na parang batang hindi pinayagan maligo sa beach. "Ok lang yan. May next year pa naman." Sabi ko at hinawakan ang balikat nya. "Next year pa?" Tanong nya na parang bata parin. "Oo. Wag kang mag-alala. Pwede naman tayong dito mag-celebrate ng birthday ko. Ok lang yan. May next time pa naman." Sabi ko sa kanya at hinalikan sya sa noo. "Baba na tayo." Sabi nya. "Tara." Nakngiti kong sabi at inlalayan sya. Nang bumaba kami ay naroon na silang lahat. Nagpabili daw ng cake si Lola kanina at ibinigay nya ito lahat kay Stella. Shempre, agad namang kinain ni Stella ang cake at may kasama pa itong kanin. - Third Person's POV - Habang nagtatampisaw ang lahat, nakaupo si Alberto at Claire sa ilalim ng isang payong. Napatingin si Alberto sa anak nyang si Paul at mahinang natawa. "Babe, tignan mo ang anak natin." Sabi ni Alberto. "Pwede ba, wag mo na akong tinatawag na babe. Hindi na tayo mga bata." Reklamo ni Claire bago lingunin ang sinasabi ng asawa. "Sa totoo lang, parang nakikita ko ang sarili ko kay Paul." Sabi ni Alberto. "Oo nga. Parang ikaw sya noong ipinagbubuntis ko palang si Marco. Naalala ko pa dati kung paano ka hinimatay noong nalaman natin yung gender ni Marco." Sabi ni Calire at mahinang natatawa habang ang asawa nya naman ay napangiwi. "Mahal naman, ang tagal-tagal na non." Reklamo ni Alberto. "E, bakit? Nakakatawa ka naman talaga noong hinimatay ka, e." Sabi ni Claire at nagsisimula na nyang asarin ang asawa. "Tama na." Sabi ni Alberto at nagtakip na ng tainga nya. "Nakakatawa nga." Pangungulit pa ni Claire. "Hindi nga. Tama na." Reklamo pa ni Alberto pero tinatawanan lang sya ng asawa. - Paul's POV - Pagkatapos nyang kumain ay niyaya nya akong maglakad-lakad sa tabing dagat. Masarap ang hangin sa tabing dagat dahil hapon na din ngayon. Tingin ko ay naghihintay sya sa paglubog ng araw. "Kailan tayo uuwi?" Tanongnya bigla. Napalingon ako sa kanya ay at ngumiti. "Bukas. Hindi kasi makakapag-drive si Daddy ngayon dahil muhkang mag-iinom sila." Sabi ko at ngumiti sa kanya. "Gusto mo na bang pumasok?" Tanong nya pa. "Ok lang ako. Ikaw ba?" Tanong ko sa kanya. Napaisip naman sya saglit at bago sya tumango sa akin. Doon ko na sya inakay papasok at dinala ko sya sa kwarto namin. Hindi ko alam kung ilang oras kami doon hanggang sa may biglang kumatok. "Sino yan?" Tanong ko tapos binuksana ng pinto. "Kuya, kakain na daw." Sabi ni Adrian. "Ikaw pala yan, hindi kita napansin kanina, Adrian." Sabi ko. "Sandali lang. Susunod na kami ni Stella sa baba." Sabi ko. Tumango naman ito at umalis na. "Ano yon, Paul?" Tanong ni Stella sa akin. "Halika na. Kakain na daw tayo ng hapunan." Sabi ko. Agad naman itong tumayo habang ako ay inalalayan lang sya sa bawat hakbang nya. "Nandito na pala sila, ehh." Biglang sabi ni Tita Aubrey. "Hello po, Tita." Sabi ni Stella at ngumiti kay Tita Aubrey. Nginitian naman sya pabalik ni Tita. "Mabuti at nakapagpahinga kayo kanina ni Paul. Paniguradong napagod ka kanina." Sabi ni Tita. "Medyo lang naman po. Malamig lang po talaga ang simoy ng hangin sa kwarto kaya nakatulog po kami agad ni Paul." Nakangiting sabi ni Stella. Kumain na kaming lahat at makalipas pa ang ilang oras ay umakyat ulit kami ni Stella. Makalipas lang din ng ilang oras matapos naming umakyat ay nakatulog na din si Stella. Ako naman ay hindi pa inaantok kaya bumaba muna ako para sana uminom ng tubig pero pagbaba ko ay may tumawag sa akin. "Paul!" Tawag sa akin ni Tito. Agad akong lumapit sa kanila at nakita kong nag-iinom na sila. "Tagay ka muna, anak." Sabi nito at inbot sa akin ang isang baso ng alak. "SIge po, pero isa lang aakyat din ako agad dahil baka hanapin ako ni Stella." Sabi ko at agad ininom ang alak na ibinigay sa akin ni Tito. "Dito ka nalang muna. Ohh, ito pa isa pa." Sabi pa ni Tito. Dahil minsan lang ito magyaya ay hindi ko nalang tinanggihan. Hindi ko alam kung nakailan na akong baso pero ang alam ko ay hindi pa ako lasing. Nagku-kwento na nga din si Daddy ng kung ano-anong hindi ko maintindihan tapos sabay silang tatawa ni Daddy. Kasama na din namin ang ilan kong mga pinsan at si Kuya. Bali, puro lalaki kami ngayong nandito. Sa sobrang kalasingan na nga nila Daddy ay pinainom din nila si Jack at wala na ito ngayon dahil nalasing na agad sa isang tagay lang. "Dad, tama na yan. Ang dmi mo nang nainom." Pigil ko sa kanya ay pilit na inaagaw ang baso ng alak na hawak nya. "Hindi. Inumin mo nalang to." Sabi nya at ibinigay sa akin ang alak na hawak nya kanina. Agad ko namang ininom ang alak at inilagay sa lamesa ang baso. "Ayan na, Dad. Ok na. Tara na, matulog ka na." Sabi ko. Tinawanan lang nya ako at sinundan pa ng malakas na tawa ni Tito na parang nagbibiro ako kanina. Napailing ako at naupo nalang ulit. "Hayaan mo n-na si D-Dad. Minsan lang yan m-mag-inom." Sabi ni Kuya at nauutal ba dahil sa kalasingan. Halos lahat ng tao sa lamesang kinauupuan namin ngayon ay lasing na. Habng ako ay parang hindi parin tinatamaan pero nahihilo na din ako. - Stella's POV - Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako kanina. Nang magising pa ako ay wala si Paul sa tabi ko. Lumabas ako ng guest room at doon tumambad sa akin si ate Yuri at si Tita. Nakatingin ito sa kung saan at nagtatawanan silang dalawa hanggang napansin ko din bigla si Rylee doon, tumatawa din. "Anong nangyayari? Nakita nyo po ba si Paul?" Tanong ko. Sinenyasan naman akong ni Ate Yuri na lumapit sa kanila at itinapat nila ako sa may railing. Doon ko nakita ang mga kalalakihan na nakaupo sa iisang mesa at may kanya-kanyang mundo. Doon ko nakita si Paul na nakatayo at nakatalikod sa mga kasama nya. Nagtataka ako kung bakit ganon ang posisyon nya. Maya-maya pa ay bigla itong humarap at kinuha kay Tito ang inumin na hawak nito at mabilis nyang tinongga. "Anong ginagawa nya?" Naguguluhan kong tanong sa sarili ko. "Hindi ko alam. May pinipigilan sya doon. Siguro yung dagat?" Natatawang sabi ni Ate Yuri. Muli akong tumingin sa nobyo ko at doon na ako nagsimulang magpigil ng tawa dahil ginagawa nito. Sobrang nakakatawa kasi talaga ng ginagawa nya. Nagpatuloy lang kami sa panonood at sa pagtawa namin sa kanila. Hanggang sa nagdesisyon nang bumaba si Tita at dinala na si Tito sa kwarto nila. Ganon na din ang ginawa ni Ate Yuri sa asawa nya at si Rylee sa nakababata nyang kapatid. Dinala ko na din si Paul sa taas at pagkalagay ko palang sa kanya sa kama ay agad syang nakatulog. ______________________________ - Paul's POV - Paalis na kami ngayon ng bahay nila Lola at aaminin kong masakit ang ulo ko. Hindi ko din alam kung anong nangyari kagabi. Basta ang alam ko ay isinali ako nila Daddy sa inuman nila kagabi. Si Mommy din ang magmamaneho dahil muhkang masakit din ang ulo ni Daddy. "Alam nyo ba kung anong nangyari kagabi?" Seryosong tanong ni Mommy. Sa muhka nya, paniguradong may nagawa kaming hindi maganda. Nang lingunin ko si Ate Yuri ay masama din ang muhka nito. Pati na rin si Stella. "Ano bang nangyari kagabi?" Tanong ko kay Stella. "Rylee, ilabas mo yung footage ng mga pinaggagagawa nila kagabi." Seryoso paring sbai ni Mommy. Agad namang sumunod si Rylle at inilabas nya ang cellphone nya. Kami nang apat ay agad itinutok ang atensyon namin sa footage na sinasabi ni Mommy. Sa una ay natatakot at kinakabahan ako, pero habang tumatagal ng tumatagal ang video ay parang gusto ko nalang lumubog ngayon at kainin nalangng inuupuan ko. Doon na din nagsimulang magtawanan sila Mommy, as in kailangan pang ihinto ni Mommy ang sasakyan sa sobrang tawa nya. Habang ako ay parang gusto ko na talaga lumubog. Pati kasi si Stella ay sobrang lakas din ng tawa. Masasabi ko kasing nakakatawa nga talaga ang ginagawa ko kagabi. Parang may tinatawag ako na multo dahil sa itsura ko. - To Be Continued - (Thu, February 10, 2022)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD