Chapter 6
- Stella's POV -
Nandito ako ngayon sa harap ng mga pagkain. Pinapakuha ako ni Paul ng mga pagkain na gusto kong kainin habang kumukuha sya ng kanin sa kitchen. Habang panay ang kuha at pagpili ko ng pagkain ay nararamdaman ko din ang mga matang nakatingin sa akin.
Parang binabantayan ng mga matang iyon ang mga ginagawa ko. Parang kailangan nilang makita lahat ng ginagawa ko. Nang lingunin ko ang mga matang iyon ay nakita ko ang mga lalaking nabugbog namin kanina ni Paul. May iba na itong ksama ngayon.
"Muhkang nakita mo na kami, ahh?" Biglang sulpot nila sa tabi ko. Nalihis lang naman ang paningin ko sa kanila.
"Ano nanamang kailangan nyo? Nandito ba kayo para magpabugbog ulit?" Tanong ko sa kanila. "Lumayo kayo, wala ako sa mood." Sabi ko at humarap na ulit sa mga pagkain.
"Ang yabang mo talagang babae ka, no? Pasalamat ka, buntis ka na. Kung hindi, sisirain ko ang buhay mo." Sabi ng kasama nila na parang lider ng mga gangster.
"Pwede ba? Wala akong oras makipag-away sa inyo." Walang pakialam kong sabi. "Nasaan na ba kasi si Paul, nasaan na ba kasi ang kanin ko?" Inis ko pang sabi.
"Kanin?" Naguguluhan nilang tanong.
"Mamaya pa ang main dinner. Excited ka ata, miss." Sabi ni Cousin 3.
"Babe." Biglang sulpot ni Paul. "Ito na kanin mo, ohh." Sabi nya at may ibinigay sa aking mangkok.
"Bakit ang tagal mo? At bakit ito lang? Kulang to sa akin, Paul." Reklamo ko habang nakatingin sa mangkok na ibinigay nya sa akin.
"Tara na. Bumlik na tayo sa table natin." Sabi ni Paul at inakay na ako papunta sa lamesa namin. "Anong kailangan syo ng mga yon?" Tanong sa akin ni Paul.
"Ewan ko sa mga yon. Nakakainis sila. Nakakawala sila ng hinhin." Inis kong sabi at nagsimula nang kumain. Si Paul naman ay tumayo para kuhanan ako ng inumin.
- Paul's POV -
Tumayo ako para kuhanan nang maiinom si Stella. Masyado na itong gumalaw ngayong araw dahil sa mga pinsan kong hindi ko maintindihan kung bakit ganon ang ugali. Hindi ko pa nakikita si Lola dahil busy pa kami ni Stella sa mga pinsan ko.
Nakita ko na may juice na naa lamesa kaya kukuha na sana ako kaso may humawak sa kamay ko. Nang lingunin ko ang taong iyon, nakita ko si Lola. Biglang lumiwanag ang paligid ko at napangiti ako ng makita ko sya.
"Lola." Sabi ko at agad na lumakap sa kanya.
"Naku, palagi ka talagang nagpapababy sa akin. Simula bata ka pa, ganyan ka na talaga." Sabi nya na mahina kong ikinatawa. Bumitaw na ako sa yakap ko sa kanya.
"Lola, dati pa yon. Wag na natin yon pag-usapan." Natatawang sabi ko. Mahina din syang natawa. Maya-maya pa ay hinawakan nya ang muhka ko at ngumiti.
"Binatang-binata ka na. Mag-kakaanak ka na din." Sabi nito. Tumango naman ako sa kanya. Inalis na nya ang kamay nya s akin at nginitian ako. "Nasaan nya pala ang asawa mo?" Tanong nito sa akin.
"Nasa table po namin. Nandito lang po ako para kumuh ang juice." Sabi ko at akmang kukuh ulit ng juice na nasa harap ko ay pinigilan ako ni Lola.
"May alak iyan." Sabi nito. Napatingin naman ako sa juice na nasa harap ko at ng amuyin ko ito ay naamoy ko ang alak dito. "Ito, ohh." Sabi nya at may itinuro sa aking lagayan na may kulay yellow na laman.
"Anong flavor nito, lola?" Tanong ko sa kanya.
"Mango." Maikli nitong sagot. Dahil iinumin naman ni Stella ang mango flavor ay kumuha ako.
"Mauna na po ako." Sabi ko at umalis na. Nang makabalik ako sa upuan namin ni Stella ay kumakain parin nya hanggang ngayon. Naupo ako sa tabi nya at inilapag ang inuming kinuha ko sa kanya.
"Salamat." Sabi nito at ininom na ng juice na kinuha ko. "Bakit nga pala ang tagal mo?" Tanong nito sa akin. Bumabalik nanaman ang pagiging mahinhin nya.
"Nakausap ko pa siーーー Lola?!" Gulat kong tanong at napatayo pa ako dahil nakaupo na s tabi namin si Lola at hindi man lang namin sya napansin.
"Happy Birthday po." Sabi ni Stella.
"Wag ka nang tumayo, hija. Ok na." Nakangiting sabi nito. "Ano nga ulit ang pangalan mo?" Tanong nya pa.
"Stella po." Sabay naming sagot ni Stella.
"Ilang buwan na ang dinadala mo?" Tanong nya pa ulit kay Stella.
"Apat na po." Sagot ni Stella at napahawak pa sya sa tyan nya. Nagpatuloy ang pag-uusap nilang dalawa at hindi manlang ako makasingit. Hanggang sa tawagin na si Lola ay parang ayaw pa nitong iwanan si Stella dahil isinama nya pa ito sa mga pinupuntahan nila.
At as usually, ayon nanaman ang ugaling engetera ng mga kamag-anak namin. Hindi ko alam kung bakit ganiyan sila kung tumingin sa amin. Hindi ko din alam kung anong meron at parang galit na galit sila sa amin.
Maya-maya pa ay naupo na kami ni Stella dahil napagod na sya habang si Lola ay kinakausap pa ang mga bisita nya. Binigyan ko sya ng tubig at hinilot ko ang balakang nya dahil muhkang sumasakit nanaman.
"Saan ang masakit?" Tanong ko sa kanya habang nasa likod nya ako.
"Dito, ohh." Mahina nyang sabi at inabot ang ligod nyang masakit. Agad ko namang hinawakan ito at dahan-dahang hinawakan at hinilot.
"Ok na?" Tanong ko makalipas ang ilang minuto.
"Ok na." Sabi nya kaya umayos na ako ng upo sa tabi nya.
"Napagod ka ba masyado?" Tanong ko.
"Ayos lang naman ako. Hindi din ako masyadong napagod. Pero parang inaantok na ako." Sabi nya.
"Maya-maya na. Malapit na ang tanghalian." Sabi ko. Tumango nalang sya sa akin.
Maya-maya pa ay tinawag na din kami ni Stella dahil magtatanghalian na daw kami. Katabi namin ang pamilya namin at napakadaming lamesa dito. May limang malalaki at mahahabang lamesa na naroon sa hall.
Nasa lamesa kami kung nsaan si Lola. Tahimik lang ako dahil hindi naman nila ako kinakausap habang si Stella ay kausap si Lola at nag-kwe-kwentuhan sila tungkol sa pagbubuntis nya. Tahimik din ang paligid namin dahil tila nakikinig ang lahat sa kanila.
"Ehh, si Paul? Nagpapababy din ba sayo?" Tanong ni Lola.
"La..." Reklamo ko dahil nakarinig ako ng mga tumatawa.
"Hindi naman po. Palagi po kasi syang mature." Sabi ni Stella habang nakangiti.
"Mabuti nalang." Sabi ni Lola na parang nang-aasar pa. Maya-maya pa ay sumabat na si Daddy at nagkwentuhan na sila tungkol sa amin nung maliliit pa. Shempre, ako ang kawawa dahil ako yung maraming nakakahiyang experience.
Habang si Stella naman ay busy'ing-busy lang sa kakatawa. Masyado syang natutuwa sa pang-aasar nila sa akin at binibigyan nya din ako ng nang-aasar na tingin. Wala naman akong magawa kung hindi hayaan sila.
Hanggang sa natapos na ang tanghalian, nagpaalam muna kami sa lahat na kailangan nang magpahinga ni Stella dahil muhkang inaantok na din ito. Agad namab kaming pinapunta ni Lola sa guest room sa bahay nila.
Pagpasok namin ni Stella sa guest room ay tinulungan ko syang magpalit ng damit nya at sabay kaming nahiga sa kama. Binuksan ko ang bintana at agad pumasok sa kwarto namin ang malamig at preskong simoy ng hangin.
Mapuno din kasi sa paligid at medyo probinsya na din itong lugar nila dito. Hindi ko alam pero parang napakasarap matulog. Kahit na sobrang init sa labas, ang sarap namab ng simoy ng hangin, lalo pa't nasa pangalawang palapag kami ng bahay.
Ang balak ko ay patulugin lang si Stella at lalabas na ako kaagad dahil kakausapin ko pa si Lola. Pero habang tumatagal at nakahiga ako ay parang sobrang sarap talaga matulog doon at muhkang nauna pa akong makatulog kay Stella.
- Third Person's POV -
Tanghali na pero nasa ibaba parin ang lahat. Mamaya ay binabalak nilang magtampisaw sa dagat na nasa likod ng bahay ng lola nila. Habang natutulog sila Stella ay hinahanap naman sila nila Jack.
"Nandoon. Natutulog sila ni Stella sa guest room." Sabi ng Lola nila. Dahil parang may tupak sila ay umakyat talaga sila sa guest room at kakausapin sana nila ang kuya nila.
Pero pagbukas nila ng pinto ay tumambad sa kanila ang dalawa na masarap na ang tulog at magkayakap pa talaga. Agad din naman silang lumabas dahil baka mabulabog pa nila ang tulog ng kuya nila at ng asawa nito. Dahil wala na silang magagawa, kaya bumaba nalang sila ulit.
"O, nasaan ang kuya ninyo?" Tanong ng Mommy nila a kanilang dalawa.
"Natutulog sila ni Ate Stella, mom." Sabi ni Jack.
"Sabi sa inyo, natutulog ang dalawang iyon." Sabat ng lola nila at tumawa pa na parang inaasar silang dalawa. Kay nila hinahanap ang kuya nila ay dahil papapiliin nila ang mga ito ng isusuot para mamaya kapag naligo sila ng dagat.
Pero dahil tulog nga ang mga ito at masarap pa ang tulog ay wala silang magagawa kung hindi hayaan nalang silang dalawa. Marami naman silang pwedeng pagpilian dahil marami namang damit na binili ang lola nila para lang makaligo sila.
Maya-maya pa ay nagsimula na silang magtampisaw sa dagat. Kahit na medyo masakit ang araw sa katawan nila ay masaya parin silang naghahabulan sa gitna ng araw. Ang iba naman ay naglalagay palang ng sunblock.
Habang nagpapakasaya sila doon ay ang dalawa naman ay masarap parin ang tulog sa kwarto. Dahil sa malakas na simoy ng hangin na pumapasok sa kwarto nilang mag-asawa. Hindi lang din nagtagal ay nagising na si Paul.
- To Be Continued -