Chapter 10
- Stella's POV -
Kakagising lang naming dalawa at tinutulungan kong maghanda sa pagpasok si Paul. Sya at ang Daddy nya kasi ang mag-aayos ng mga papeles ko sa paglipat ko sa home-school. Mabuti nalang at maraming kakilalang tao ang Daddy ni Paul.
"Basta, kapag may ginawa sayo sila Mommy o si Rylee, tawagan mo ako agad." Paalala nito ng mga sampung beses na.
"Paul, hindi nga ako sasaktan nang family mo. Dala ko ang baby mo. Hindi nila sasaktan ang baby mo." Sabi ko at nginitian sya. Bumuntong-hininga naman ito at yumakap sa akin.
"Basta, kapagーーー"
"Oo nga. Sige na. Mag-iingat ka, ha?" Sabi ko at ngumiti ulit sa kanya.
"I love you, Stella." Sabi nito sa akin habang nakangiti. Ngimiti din ako sa kanya at tumango. "Wala ka bang sagot?" Tanong nya sa akin. Mahina akong natawa at hinalikan sya.
"Ayos na ba yan?" Tanong ko sa kanya na pinalitan nya ng maganda nyang ngiti bago tumango. Bumaba na kami at adatnan namin doon ang buong pamilya nila. Muli akong niyakap ni Paul bago sya sumakay ng kotse ng Daddy nya.
Ako naman ay nakangiting kumaway sa kanya, sa kanila, hanggang sa mawala na sila at makaalis na. Nang hindi ko na makita ang kahit anong bakas nila ay tumalikod na ako at doon ko nakita ang Mommy ni Paul.
"Mauna na po ako." Magalang kong sabi dito at akmang aalis na ako nang hawakan nya ang braso ko.
"Stella, can we talk?" Tanong nito. Dinala nya ako sa garden at doon ay masarap ang ihip ng hangin. Binabalot din kami ng katahimikan habang umiinom kami ng tsaa. Binaba ko ang iniinom kong tsaa at pinutol ang katahimikan namin.
"Ano po bang gusto nyong pag-usapan?" Magalang kong tanong. Ibinaba nya din ang tsaang hawak nya.
"Anong meron sa inyo ng anak ko?" Tanong nito. Ilang segundo ko muna iyon pinag-isapan pero hindi ko maintindihan ang tanong nya.
"Ano... po?" Naguguluhan kong tanong.
"Mahal mo ba ang anak ko?" Tanong nya pa. "Kung hindi, makipaghiwalay ka na sa kanya at kami nang bahala sa batang nasa tyan mo." Sabi nito.
"M-Mahal ko po si Paul." Napipilitan kong sagot.
'Ayokong malayo sa anak ko.'
"Sigurado ka?" Tanong nito na parang naninigurado pa. Agad naman akong tumango. Tumayo na ito at nagsalita pa ulit. "Gusto kong magpakasal kayo kaagad ni Paul pagkatapos mong manganak." Sabi nito at iniwan na akong nakaupo sa garden.
________________________________
- Paul's POV -
Lumipas na ang ilang mga araw at apat na buwan na ngayon ang bata sa tyan ni Stella. Mabilis din naging healthy ang anak namin dahil lahat kami ay inaalalayan sya. Kahit na alam kong hindi parin nawawala ang tampo nila Mommy sa akin, halata naman ang pag-aalala nila sa anak namin ni Stella.
Napansin ko din ang pagiging close ni Ate sa girlfriend ko. Palagi silang magkausap at kapag wala kaming pasok ay tinuturuan nya kami ni Stella kung paano ang pag-aalaga sa bagong silang na sanggol.
Kasabay din nang paglaki ng anak namin sa tyan ni Stella, mas nagiging weird sya. Hindi ko maiintindihan ang cravings nya sa pagkain ngayon. Lahat ng pagkain ay pinaparesan nya ng kanin. Ice cream at kanin, cake at kanin, kahit mga inumin katulad ng juice, palaging may kanin.
Mas nakakagulat din dahil kahit anong dami nyang kumain ng kanin ay napakasexy parin nito. Parang walang pinagbabago ang katawan nya at lumalaki lang ang tyan nya. Papunta kami ngayon sa isang party dahil birthday ng lola ko.
"Lahat ba ng kailangan nyo nadala nyo?" Tanong ni Daddy sa amin.
"May kanin ba don?" Tanong ni Stella.
"Of course." Magiliw na sagot ni Dad.
"Babe, party naman ang pupuntahan natin, maraming kanin doon." Bulong ko sa kanya. Mahinay naman itong tumango at nilagay ang ulo nya sa balikat ko.
"Ok, here we are." Sabi ni Daddy. Pumarada pa ito sandali bago kami bumaba lahat.
- Third Person's POV -
Pagdating palang ng kotse nila ay agad nang kumalat ang balita. Lahat kasi ng mga kamag-anak nila ay nabalitaan ang nangyari sa bahay nila Paul kaya agad kumalat ang balita. Lalo na si Paul, dahil iniisip nga nilang hindi tunay na lalaki ito.
Marami ang hindi naniniwala sa mga bali-balitang ito. Pero may iilan din namang naniniwala, katulad ng lolo at lola nila, ang kapatid ng Daddy nila, at ang asawa nito. Sila lang kasi ang nakakaalam na mabait si Paul at naniniwala silang tunay na lalaki ito.
Samantalang ang iba naman ay hindi naniniwala dito. Pero, hindi din alam ng pamilya ni Paul na kumalat na ito. Hindi na din kasi sumasama sa mga amegas nya si Claire. Lalo na at alam nyang hindi naman magaganda ang ugali ng mga ito.
"Claire!" Bati ni Aubrey, isa sa mga kapatid ng Daddy nila.
"Aubrey!" Bati din ng Mommy nila dito.
"Kumusta na kayo. Tara, pasok na kayo." Sabi nito. "Ohh, Marco, kasama mo ba ang asawa't anak mo? Hahanapin sila ng Lola mo, panigurado." Sabi nito. Napalingon naman ito kay Jack at Rylee. "Naku, ang lalaki nyo na. Kumusta na kayong dalawa?"
"Ayos lang po, tita." Sagot nilang dalawa.
"Mabuti naman, nasaan ang kuya Paul ninyo?" Tanong pa nito.
"He's with his wife." Sabi ni Jack. Lumaki naman ang ngiti ni Aubrey.
"Ganon ba? Nasaan na sila?"
"We're here, tita." Sabat ni Paul. Agad naman silang nilingon ng Tita nila.
"Paul!" Sigaw nito at lumapit kay Paul saka yumakap. "Naku, ang laki-laki mo na. Ito na ba ang asawa mo?" Tanong nito at napatingin kay Stella saka sya niyakap.
"Hindi pa po kami mag-asawa. Hindi pa po kami kasal." Sabi ni Stella ng bumitaw ang tita nila.
"Ganon na din iyon, hija. Basta may anak kayo, at hindi pa kasal, mag-asawa na din kayo non." Sabi ng tita nila. Nagkatinginan naman sila Paul at Stella.
"They're here!" Sigaw ni Aubrey, tawagin nalang natin syang tita no. 1.
- Paul's Mom's POV -
"Claire!" Tawag sa akin ng makapasok kami.
"Hi!" Bati ko pabalik at yumakap at bumeso sa kanila. Dahil once a year lang ito nagaganap, talagang ganito kaming lahat sa isa't isa. Matapos ang mahabang batian sa mga kamag-anak ni Alberto ay nakita ko din sa wakas ng mother-in-law ko.
"Claire, hija." Sabi nito at yumakap sa akin. "Mabuti at nakapunta kayo? Nasaan na ang mga apo ko?" Tanong nito.
"Naku, hindi ko po alam. But, for sure, nandyaan lang sila." Sabi ko.
"Where's my gift?" Tanong nito at agad ko namang binigay ang regalong binili namin ni Alberto.
"Here, ma." Sabi ko. "Yung sa mga bata, may sarili silang gift sayo." Sabi ko at nginitian. Nagpaalam na sya dahil may dumadating pang ibang bisita. Ako naman ay naupo sa tabi ng mga babae.
"Hey, Claire. Narinig ko, may asawa na din daw ang second son nyo ni Alberto." Sabi ng isang cousin ni Alberto.
"Yeah. Kasama namin sya ngayon, kasama sya ng anak ko." Sabi ko at ngumiti.
"Mabuti at nakapag-asawa na ang anak mo. Akala namin, magiging bakla talaga sya, ehh." Sabi ng isang pang cousin ni Alberto.
"Baka naman binuntis lang ng anak mo yung babae para magmuhka syang tunay na lalaki?" Biglang sabat ng isa.
"Oo nga. Pwede ngang ganon ang nangyari." Sabat pa ng isa.
"Baka pinilit." Sabi pa ulit ng isa at kung magsalita sila ay parang wala ako sa tabi nila.
"Pwede ba? Hindi nyo naman kilala ang mga anak ko. Wag kayong magsalita ng mga pag-aakusa, hindi din naman totoo yang mga sinasabi nyo." Sabi ko at iniwan sila.
"Hon, ano..." Hindi na natapos ni Alberto ang sasabihin nya ng lagpasan ko sya at hindi pansinin.
- Third Person's POV -
Nagpapakasaya ngayon sila Paul at nanonood sila sa ibang mga taong nag-uusap, nagtatawanan, nagsasayaw, kumakanta, at iba pa. Hindi pa nila nahahanap ang Lola nila kaya naisipan nilang tumigil nalang muna doon, ang dami din kasing tao.
"Nandito pala kayo." Biglang may nagsalita. Isa sa mga pinsan nila Paul.
"Totoo pala ang balita, may asawa ka na nga, Paul." Sabi ni cousin 2.
"Ang ganda pa ng asawa nya, ohh." Sabi ni Cousin 3.
"Tigilan nyo nga ang girlfriend ko. Mga manyakis." Sabi ni Paul at inilagay sa likod nya si Stella.
"Bakit, ha? Matapang ka na ngayon dahil may asawa ka na?" Sabi ni Cousin 2.
"Oo. Wag na wag mong binabastos ang asawa ko kung hindi makakatikim ka." Banta ni Paul.
"Kuya, tama na yan." Sabi ni Rylee.
"Paul, tama na." Sabi ni Stella.
"Edi, makatikim. Bakit? Anong gagawin mo? Sasabunutan mo ako?" Sabi ni Cousin 2 tapos tumawa sila ng mga kasama nya.
"Susuntukin lang naman." Sabi ni Paul at dinampaan nya ng malakas na suntok si Pinsan 2. Agad naman itong natumba dahil sa suntok ni Paul at ikinatulog nito. Akmang susugod ang dalawang pinsan ni Paul ng agad nyang suntukin ang isa.
Agad din naman itong nakatulog. Ang isa naman ay masusuntok na sana si Paul ng bigla syang tuhudin ni Stella. Dahil biglang bumagsak ang kalaban ni Paul ay gulat syang napatingin sa girlfriend nya at napangiti.
"Mga bastos." Sabi nito at lumapit sya kay Paul. "Gutom na ako." Sabi nya na may kasamang pagpapacute pa.
"Kain na tayo." Sabi ni Paul at umalis na sila ni Stella. Habang sila Jack at Rylee naman ay hindi parin makapaniwala kung gaano ka warfreak ni Stella at Paul. Parang sila pa ang nahiya dahil sa ginawa ng mga ito.
"Nakakatakot ang dalawang yon." Sabi ni Jack.
"I agree." Sabi naman ni Rylee.
- To be Continued -
(Sat, February 5, 2021)