Chapter 9

1900 Words
Chapter 9 - Stella's POV - Nandito parin kaming dalawa sa garden nila at nakaupo parin kami doon. Natahimik kami matapos ang usapan naming iyon. Hindi na kami nagsalita ulit pero nandito lang kaming dalawa, nakaupo. "Alam mo, maswerte ka." Wala sa sarili kong sabi. Agad naman nya akong nilingon. "Kasi, you still have them." Sabi ko at napatingin sa kung saan. "Ako kasi, wala na nga akong kapatid, hindi ko pa nakita ang nga magulang ko. Nalaman ko nalang kasing patay na sila nung malaki na ako." Sabi ko at nilingon sya. "I'm sorry." "No... Don't sorry. It's not like it's your fault." Sabi ko at pinunasan ang luhang tumutulo na sa pisnge ko. "Just be thankful that you still have them. Masakit kasi yung fact na alam kong meron kang pamilyang nandyan para sayo pero nilalayo mo sila sayo dahil sa akin." "I'm sorry." Sabi nya nanaman at kinuha ang kamay ko at hinalikan iyon. "Balik na tayo sa kwarto?" Tanong nya. "Balik na tayo." Sabi ko at nauna na sa kanya tumayo. Nang makabalik kami sa kwarto nya ay pinaglinisnya muna ako ng katawan bago sya at pagkatapos din non ay natulog na din kaming dalawa. Kinabukasan nang magising ako ay umataki agad ang morning sickness ko. Kaya ang boyfriend kong masarap parin ang tulog ay biglang nagising dahil sa ingay ko. Dahil may check-up ako at sasama daw sya ay nagbihis na kaming dalawa. "Aalis kayo?" Bungad sa amin ng Daddy ni Paul. "Good morning, po." Bati ko sa kanila. "Magpapacheck-up kami." Sagot ni Paul sa Daddy nya. "Do you want some coffee?" Tanong ng Daddy ni Paul. Hindi ako sumagot dahil akala ko si Paul ang tinanong nito pero nang makitang kong nakatingin sya sa akin ay nagulat ako. "Naku, ok lang po. Hindi din po ako sanay magkape kapag umaga." Nahihiya kong sabi. "How about milk?" Tanong pa ulit nito sa akin. "Sige po." Nakangiti kong sabi. "Kumain na muna tayo. Nagugutom din ako." Sabi ni Paul at napahawak sa tyan nya. "Umalis ka kasi kagabi, hindi ka pa naman kumakain." Natatawang sabi ko. "Ehh, anong gagawin ko? Nakakainis si Rylee, ehh." Sagot naman nya sa akin habang nagsasandok ng pagkain. "Naku, ayan ka nanaman." Sabi ko at akmang kukuha na din ng pagkain ko ang magsalita ang Daddy ni Paul. "Ako na, hija." Sabi nito at nilagyan na nang pagkain ang plato ko. "Dad, trabaho ko yan, ehh." Reklamo ni Paul at sya na ang naglagay ng egg at ham sa plato ko. "Trabaho mo nga, inona mo naman yang plato mo." Sabi ng Dad nya habang natatawa at napapailing. "Bilisan nyo na. Magiging maingay nanaman kapag nagising na si Rylee." Sabi pa nito. "Kayo po?" Tanong ko. "Ok lang. Mamaya na ako. Inaantay ko pa ang Mommy nila." Nakangiting sagot nito. Napatango-tango nalang ako at nagsimula nang kumain. Nang matapos kaming kumain ay agad kaming nagpaalam sa Daddy nya at pumunta ng ospital para magpacheck-up A Few Moments Later. . . "Well, ok naman ang bata." Sabi ng OB na tumitingin sa akin. "I suggest, mag-ingat ka sa mga kinakain at mga kilos mo. Alagaan mo ang sarili mo dahil parang inalagaan mo na din ang anak nyo non." Sabi nito. Mabilis lang ang test. Nang makauwi nga kami ni Paul ay parang lutang parin si Paul dahil sa tuwa nya nang makita at marinig ang heartbeat ng baby namin nang i-ultrasound ako. Kahit ako ay naiyak sa tuwa. Pero si Paul, bigla syang hinimatay kanina. Lahat kami kanina ay nataranta ng hinimatay sya. Akala ko kung ano nang nangyari sa kanya kanina. Habang naaalala ko iyon ay nag-aalala parin ako. Nang dumating kami ng bahay nila ay kumakain ang mga kapatid nya at ang Mommy nila. "Good morning." Bati ko sa kanila. "Good morning." Bati sa akin pabalik ng kuya nya at nang wife nito. "Kumain na ba kayo?" Tanong kuya nya. "Tapos na po." Sagot ko. "Anong nangyari kay Paul?" Tanong ng sister-in-law ni Paul. "Hinimatay po sya kanina sa ospital." Sabi ko at nilingon si Paul. Agad akong lumapit sa kanya dahil paakyat sya ngayon sa hagdan. "Halika na. Bakit ba kasi sumama ka pa sa akin. Di mo naman pala makita yung bata." Sabi ko at pinipigilan kong matawa. Pagdating namin ng kwarto nya ay agad ko syang ihiniga sa kama. Ako naman ay nagbihis muna dahil hindi ako komportable sa suot ko bago ako nahiga sa tabi nya. Makalipas ang ilang oras ay nagising ako at nakasalubong ko ang sister-in-law ni Paul. "Ohh, nasaan si Paul?" Tanong nito sa akin. "Nagpapahinga po." Sagot ko. "Kumusta ang check-up mo kanina?" Tanong pa nito. Naglalakad kami ngayon papunta sa ibaba. "Ok naman po. Sabi sa akin ng OB kailangan lang daw ingatan ang kilos at kinakain ko." Sabi ko. Napatingin ako sa batang nasa harap namin. "Hi." Bati ko dito. "Mommy!" Sigaw nito at lumapit kay Ate Yuri. "Naku, mailang lang talaga sa tao itong anak ko. Masasanay din yan sayo." Sabi nito sa akin. "Ok lang." Sabi ko at ngumiti. "By the way, bakit nga pala hinimatay si Paul?" Tanong nya. Mahina akong natawa bago ko pa man maikwento sa kanya ang nangyari. Nang matapos ko ang kwento ko ay pareho na kaming tawa ng tawa. "Grabe, hindi ko akalaing ganon si Paul." Natatawang sabi nito. "Kaya nga, ehh. Paano pa kaya kapag nakapanganak na ako." Natatawang ko ding sabi. Ilang sigundo pa bago kami tuluyang napatigil sa pagtawa namin. "May tanong ako." Bigla nya ng sabi. Nilingon ko sya. "Ano yon?" Tanong ko in sa kanya. "Mahal mo ba talaga si Paul?" Tanong nito sa akin. Ako naman, natahimik dahil hindi ko alam kung anong isaagot ko sa kanya. "Hindi ko alam peo kakaiba kayo tumingin ni Paul sa isa't isa. Hindi naman iyon pagmamahal pero parang sobrang naiintindihan nyo ang isa't isa." Sabi pa nito tapos sinundan ng mahinang tawa. "Hindi ko maipaliwanag, pero parang ganon. Hindi kasi ganon tumingin si Marco sa akin. Parang mas sweet yung pagtingin sayo ni Paul." Sabi pa nito. - Paul's POV - Nagising ako na wala nanaman sa tabi ko si Stella. Agad akong tumayo para hanapin sya. Pagbaba ko ay naroon ang pamangkin ko at nang tignan ko ang garden ay naroon si Stella at Ate Yuri. Muhkang may pinag-uusapan silang dalawa. "Mahal mo ba talaga si Paul?" Rinig kong tanong nito sa girlfriend ko. "Hindi ko alam pero kakaiba kayo tumingin ni Paul sa isa't isa. Hindi naman iyon pagmamahal pero parang sobrang naiintindihan nyo ang isa't isa. Hindi ko maipaliwanag, pero parang ganon. Hindi kasi ganon tumingin si Marco sa akin. Parang mas sweet yung pagtingin sayo ni Paul." Ako naman ay napaisip. Ganon ba talaga ako tumingin sa girlfriend ko? Kung tutuosin nga, kaya lang nabuo ang relasyon namin ay dahil lang sa batang nasa sinapupunan nya, sa batang nabuo naming dalawa. Pero, hindi ko inaasahang ganon pala ako tumingin sa girlfriend ko. "Stella." Tawag ko at nagkunwaring wala akong narinig. "Bakit ba bigla-bigla mo nalang akong iniiwan?" Sabi ko. "Sorry. Gusto ko lang magpahangin." Sabi nito at lumapit sa akin. "Tara, akyat tayo ulit." Yaya nya sa akin. Agad naman akong tumango sa kanya. Nang umakyat kami ng kwarto ko ay pumasok sya ng banyo. Sumunod ako sa kanya at nakita kong naghihilamos sya. Lumapit ako sa kanya at yumakap sa kanya galing sa likod. Sa gulat nya ay napatingin sya sa akin gamit ag salamin. Ako naman ay hinalikan ang leeg nya. "Anong problema mo?" Tanong nya sa akin. Nagtataka. "I love you, Stella." Mahina kong bulong sa kanya. Humarap sya sa akin at binigyan ako nang nagtatakang tingin. "Anong problema mo? Bakit ganyan ka ngayon?" Nagtataka parin nyang tanong pero tinawanan ko nalang sya. Yumakap ako ulit sa kanya at napangiti. "I love you, Stella." Pag-ulit ko sa sinabi ko kanina. "Mahal mo din ba ako?" Tanong ko. Sandali syang natahimik. "Hmm..." Sabi nya kasabay ang pagtango. "Siguro." Sabi nya pa. Agad kong tinanggal ang yakap ko at tinignan sya. "Bakit siguro?" Natatawang tanong ko. "Kasi, hindi pa naman ako sigurado. Pero, alam kong bigla ko nalang mararamdaman yon. Balang araw." Sabi nya at nginitian ako. "I looking forward for that day." Sabi ko at yumakap ulit sa kanya. "S-Sandali." Bigla itong pumitaw at bigla itong sumuka sa lababo. Sumusuka sya pero wala syang mailabas. Hinawakan ko ang likod nya at mahinay itong hinaplos-haplos. Hanggang sa sumuko nalang sya dahil sa pagod sa pagsuka. "Halika dito. Upo ka." Sabi ko at dahan-dahan syang inakay paupo sa kama. Nang makaupo sya doon ay hinawakan ko ang balikat nya. "Dito ka lang, ha. Kukuhaan lang kita ng tubig sa ibaba." Sabi ko at hinalikan muna sya sa noo bago umalis. Nang bumaba ako ay naroon din sa kusina si Rylee. Sandali kaming nagkatinginan pero agad din akong nag-iwas dahil kukuha pa ako ng tubig ni Stella. Nang paalis na ako ay napansin ko pa itong nakatingin sa akin pero hindi ko na din pinansin pa. Pagbalik ko sa kwarto ng nobya ko ay nandoon parin sya, nakaupo sa kama at parang lantang gulay. Agad kong binigay sa kanya ang tubig, na agad din naman nyang ininom, tapos hinawakan ko ulit ang likod nya at marahang hinimas iyon. "Thank you." Mahinang sabi nya at pilit pang ngumiti sa akin. Ako naman ay inakay sya pahiga ng kama at tinulungan syang ayusin ang sarili nya. "Matulog ka na. Maglilinis lang ako tapos tatabi na din ako sayo. Sandali lang ako." Sabi ko at hinalikan ang noo nya tapos pumasok ng banyo. Pagkalipas ng ilang minuto ay natapos na din ako sa paglilinis ng sarili ko at nahiga na sa tabi nya. - Third Person's POV - Nakaupo ngayon si Rylee at hindi parin mawala sa isip nya ang pagsigaw sa kanya ng Kuya nya. Nakaupo sya ngayon sa kusina nila at balak nyang kumain nang ice cream para mawala ang lungkot nya. Maya-maya pa ay biglang pumasok ang kapatid nya, si Jack. "Anong nangyari sayo, ate?" Tanong nito sa kanya habang kumukuha nang tubig sa ref. "Busy ako. Wag mo akong kausapin." Sabi nya at hindi ito pinagkaabalahang bigyan nang tingin. "Parang narinig ko na yan. Ganyan din ang sinabi ni Mommy kay Daddy kanina." Sabi ni Jack. Hindi ito nagbibiro at hindi din naman seryoso. "Why did I hear my name?" Biglang sulpot ng Daddy nila. "Jack said it, not me." Sabi nya at hindi din pinagtuonan nang pansin ang Daddy nila. "You look depressed, too. You're just like your mom." Sabi nito. "They both got yelled by Kuya." Natatawang sabi ni Jack. "Is it funny?!" Inis na sigaw ni Rylee sa kapatid. "No! You are funny!" Bawi ni Jack at umalis na nang kusina, para hindi masaktan anng ate nya. Kasunod nito ay ang Daddy nilang wala namang ibang ginawa sa kusina. Nakisali lang talaga sa usapan nilang magkapatid. Hanggang sa maiwan na syang mag-isa doon. Maya-maya pa ay may narinig syang footsteps papasok ng kusina kaya nag-ready na syang sigawan ito dahil akala nya si Jack ito. Nang lingunin nya ito ay doon na pumasok ang Kuya nyang nagmamadali. Nagkaroom sila nang eye-to-eye contact at sandali lang iyon bago ito kumuha nang tubig. Tumayo si Rylee sa kinauupuan nya at handa nang kausapin ang kuya nya pero mabilis itong umalis nang kusina at hindi na nagkaroon nagpagkakataon si Rylee. - To Be Continued-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD