Chapter 8

1560 Words
Chapter 8 - Paul's POV - Nang magising ako ay wala na sa tabi ko si Stella. Agad akong tumayo sa kinahihigaan ko at hinanap si Stella. Kailangan ko syang mahanap dahil baka dumating na si Mommy at ang mga kaibigan nito. Pagbaba ko ay naririnig ko ang boses ni Mommy. "Hindi bakla ang anak ko!!!" Sigaw nito. Kahit hindi ako ang sinisigawan nya ay natatakot ako. Nakakatakot kasing babae si Mommy. Hindi ko nga alam kung paano sya napakasalan ni Daddy. "Who are you?!" Sigaw pa nito. Agad akong naglakad papunta sa kinaroroonan nila. Baka kasi si Stella na ang sinisigawan nya. Dahil sa naisip ko ay biglang lumakad ang inis ko sa katawan. Mabilis kong tinungo ang garden at doon ko nakita si Mommy at mga kaibigan nito. "Sabihin mo! Hanggat hindi pa ako tumatawag ng pulis!" Sigaw nito at si Stella nga ang sinisigawan niyo ngayon. Nakahawak sya sa braso ni Stella at muhkang masakit ang hawak nya dahil sa itsura ni Stella. "Ma!!" Sigaw ko at dali-daling lumapit sa kanila. Agad kong tinanggal ang kamay nya sa braso ni Stella at hinila sya papalapit sa akin. "Ano bang problema mo?! Bakit mo sinasaktan ang girlfriend ko?!" Inis kong sigaw. "Paul, ok lang akーーー" "Hindi! Tignan mo, namumula na ang braso mo." Sabi ko at pinakita sa kanila ang braso ni Stella. Agad naman nya itong inagaw at tinago. "Ano ba, Paul. Wag ka namang mag-overreact. Ok lang talaga ako." Mahina nitong sabi at parang nahihiya pa sya. "Halika na. Bumalik na tayo sa taas." Sabi ko sa kanya at hinila sya. Pero bago kami umalis ay hinarap ko muna si Mommy. "Wag mo na ulit sasaktan ang girlfriend ko." Sabi ko at tuluyan nang umalis. Dala si Stella. Pagdating namin sa kwarto ko at pinaupo ko sya sa kama at tinignan ko kung ano ang lagay ng braso nya. "Ayos lang ako, Paul." Sabi nya at iniwas sa akin ang braso nya. "Namumula ang braso mo tapos sasabihin mong ok ka lang? Stella, paano kung maaga yan?" Sabi ko habang tinitignan ang balat nya. "Ayos nga lang ako. Hindi naman ako nasaktan." Sabi nya at iniwas na ang balikat nya. Ako naman ay hindi alam ang gagawin. Nahiga na sya sa kama ko kaya agad na din akong nahiga sa tabi nya. ________________________________ - Stella's POV - Nang magising kami g dalawa ay medyo madilim na. Hindi lang din nagtagal ay tinawag na kami para maghapunan. Dahil sa nangyari kanina ay parang ayoko nalang humarap sa Mommy nya. Para kasing nawala ang dignidad ko sa inasal ni Paul. Nang makababa kami doon ay may mga tao na sa lamesa. Inalalayan ako ni Paul makaupo na para bang baldado ako. Nang makaupo ako ay nakita kong nakatingin silang lahat sa amin. Napalingon naman ako sa mommy ni Paul. Nakatingin ito ngayon kay Paul habang si Paul naman ay patuloy lang sa pagkuha ng pagkain at nilalagay iyon sa plato ko. Dahil muhkang naramdaman nya ang pagtingin ko sa kanya ay nilingon nya ako. "Why? Ayaw mo ba ng ulam natin?" Tanong nya sa akin. "H-Hindi. Ok lang." Sabi ko at tinignan ang mga taong nakatingin sa amin. "I'm home!!!" Sigaw galing sa labas. Napalingon kaming lahat doon at nagkagulatan kami ng bagong dating. "Ikaw?" "Dok?" Tanong namin ng sabay. Napalingon sa akin si Paul at halatang nagtataka sya. "You know my Dad?" Tanong nya sa akin. Agad naman akong tumango bilang sagot. "Sya yung tumingin sa akin kaya nalaman kong nagbubuntis na ako." Sabi ko at napahawak sa tyan ko. "Really?" Tanong nya at napatingin din sa tyan ko at hinawakan din iyon. "May bisita ka pala, Paul?" Sabi ng Dad nya. Napalingon kaming dalawa sa kanya at agad akong ngumiti. "Good evening po, Doc." Sabi ko at tumango dito bilang paggalang. "Good evening din, hija." Sabi nito at nginitian ako. "Nagpatingin ka na ba sa espisyalista?" Tanong pa nito. "Hindi pa po. Magpapasama po ako magpatingin kay Paul bukas." Nakangiting sabi ko. Napatango-tango naman ito. "Ilang buwan na kayo ng Kuya ko?" Biglang tanong ng kapatid nya. Parang mas matanda lang ako ng dalawa o isa sa kanya. "Ano..." "Paano kayo nagkakilala?" Tanong nya pa ulit hindi ako pinapatapos. "Classmates kami." Mabilis kong sagot. "Anong kailangan mo sa kanya?" Tanong nito. "Rylee!" Ayon nanaman ang nakakagulat na pagkainis ni Paul. "No. I was depending you here, kuya. Maybe she's one of girls who only want money from guys. Maybe she's golddigger." "Rylee! Tumigil ka na!" Biglang sigaw ni Paul at napatayo pa sya. Iyon nanaman ang ugali nyang nakita ko kanina lang. "Kung hindi nyo kayang i-respeto ang girlfriend ko, makisama nalang kayo. Sinabihan ko na kayong umayos, pero hindi kayo marunong makinig." Sabi pa nito at mabilis na umalis ng lamesa. "Paul!" Napatayo ako at napatingin sa kanya. Lumingon ako sa pamilya at yumuko. "I'm sorry. Kakausapin ko nalang muna si Paul." Sabi ko at muling yumuko sa kanila bago ako sumunod kay Paul. ________________________________ Nandito kami ngayon sa kwarto ni Paul at nakaupo kaming dalawa sa gilid ng kama nya at tahimik lang kaming dalawa doon. Nakatingin kami sa sahig at tila nangangapa kaming dalawa ng sasabihin namin para maputol ang katahimikan. "Bakit mo ginawa iyon?" Tanong ko at kaagad nilingon si Paul. "Bakit ganon ka sa pamilya mo?" Tanong ko pa. "Ano..." Mahina nyang sabi. "Gusto mo bang pumunta sa garden?" Tanong nya sa akin habang nakangiti. Nagtaka naman ako dahil sa biglaan nyang desisyon. ________________________________ Nandito kami ngayon sa garden nila. Maganda ang view dito dahil sa mga ilaw at may mga halaman at mga bulaklak din magaganda ang kulay. Medyo malamig din ang simoyng hangin kaya nakayakap sa akin si Paul ngayon. "Hindi ka ba masyadong nilalamig?" Tanong nya sa akin. "Hindi naman." Sabi ko at nginitian sya. "About sa akin..." Mahina nyang sabi kaya agad akong napalingon. "I really have a reason to be upset like this. Ayoko lang na mabully ka ni Mommy at ni Rylee. Ayokong mawala kayo ng anak ko." Sabi nya. "Hindi sa minamaliit kita. Pero, Paul... Ang liit ng reason mo." Sabi ko. "Ganon ba?" Nakangiti nyang tanong. "Yeah." Sabi ko at napatango-tango. "Noong bata ako, close ako sa mommy ko." Sabi nya habang nakatingin sa kung saan. "Pero nung lumaki ako, napapansin ko na mahilig ako sa mga gamit ng babae. Hindi ko alam kung bakit ganon, pero bigla nalang ako naging ganon." Mahabang sabi nya. "Shempre, napansin agad iyon ni Mommy. Ako naman, wala akong nagawa kung hindi ang magpakatotoo. Nang sabihin ko sa kanilang bakla ako, doon na naging malamig ang pakikitungo nila sa akin." Mahaba pa ulit nitong sabi. "Kaya ganyan ka sa kanila?" Tanong ko. "Hindi naman sa galit ako sa kanila. Ayoko lang na mawala at mapahamak kayo ng anak ko." Paliwanag nya agad. "Hindi parin iyon dahilan. Pamilya mo sila. Ok lang na protektahan mo kami ng anak natin, pero grabe kasi yung pagiging protective mo." Sabi ko pa sa kanya. "I'm sorry." Mahina nitong sabi. Napailing naman ako at hinawakan ang kamay nya na dahilan para lingunin nya ako. "Wag ka sa akin humingi ng tawad. Sa kapatid at sa mommy mo. Hindi naman ako ang nagawang mo ng makakasama sa loob ko." Sabi ko at nginitian sya. ________________________________ - Third Person's POV - "How dare he!!" Sigaw ni Rylee habang umiiyak. "Shhh..." Pagpapatahan ni Jack sa ate nya. "Bakit ganon na si Kuya? Hindi naman nya ako sinisigawan, ahh?" Tanong pa nito habang umiiyak. "Masyado ka kasing OA. Ikaw kaya sabihan ng golddigger, hindi ka ba magagalit?" Sabi ni Jack. "Shempre, magagalit ako!" Sigaw pa ni Rylee. "Ohh, tapos kung makaiyak ka ngayon at nagmamatol na sinigawan ka ni Kuya pero ikaw din naman ang may kasalanan." Sabi ni Jack. Napaisip naman si Rylee. Habang nag-uusap silang dalawa ay nag-uusap din ang mga magulang nila sa kwarto ng mga ito. "He did that?" Gulat na tanong ni Alberto, Daddy ni Paul. "Yes. Pero, he's like somebody." Sabi naman ni Claire. "Claire, kumalma ka lang. Maybe, nabigla ka lang dahil ngayon ka lang nasigawan ng anak mo." Sabi ni Alberto. "Maybe ganon nga..." Mahinang sabi ni Claire sa sarili nya. Nilingon ni Alberto ang asawa nyang malalim ang iniisip at tumabi ng upo dito sa kama nila at hinawakan ang kamay nito. Agad naman syang nilingon ni Claire. "Claire, magiging ama na din ang anak natin. Dapat mo nang asahan na magiging protective na sya sa girlfriend nya." Sabi ni Alberto. "Pero... Bakit kailangang kami ni Rylee ang sigawan nya?" Naguguluhang tanong ni Claire. "Hindi mo parin ba maintindihan? Dahil sa ugali nyo." Mabilis at matapang nyang sabi. "Ugali namin?" Naguguluhan paring tanong ni Claire. "Claire, masyadong hindi maganda ang ugali nyo ni Rylee. Malamang ay po-protektahan nya ang girlfriend nya sa inyong dalawa." Sabi pa ni Alberto. Si Claire naman ay naiwang hindi naiintindihan ang lahat. "So, sinasabi mong masama ang ugali ko?" Inis na tanong ni Claire ng maintindihan nya ang ibig sabihin ng asawa. "Hindi. Ang ibig kong sabihin, hindi maganda ang ugali nyo." Padadahilan ni Alberto. "Edi, ganon pa din iyon! Sinong niloloko mo?!" Sigaw ni Claire at kinuha ang unan na nasa tabi nya at ihinampas ang asawa. "A-Aray! Mahal, tama na! M-Masakit!" "Muhka mo!!!" Sigaw pa ni Claire. - To Be Continued - (Mon, January 31, 2022)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD