Chapter 7
- Third Person's POV -
Kakagising lang ni Paul at agad syang tumayo sa kinahihigaan nya. Naligo muna sya at hinanda nya ang sarili nya para sa sasabihin nya mamaya. Balak nyang sabihin ito sa harap ng agahan. Gusto nya na kasing dalhin si Stella sa bahay nila mamaya.
Makalipas ang ilang minuto ay agad syang bumaba at nadatnan nya silang lahat doon. May pupuntahan kasi silang lahat at sya lang ang maiiwan doon kaya malaya nyang madadala si Stella sa bahay nila mamaya.
Naupo sya sa upuan nya at kinuha ang kalapit na plato. Sandali syang natahimik. Naghahanap at nangangapa ng salitang una nyang sasabihin. Hindi nya kasi alam kung anong sasabihin nya. Hanggang sa may bigla syang maalala.
"May mga damit ka bang hindi mo na ginagamit?" Tanong nya kay Rylee. Naalala nya kasing pareho lang ng katawan si Stella at ang kapatid nya.
"I don't know. Tignan mo yung mga lumang boxes sa storage room ko. May mga damit pa ata ako doon." Sabi ni Rylee na parang tamad na tamad parin. Napatango-tango naman sya. Lihim syang bumuntong-hininga at pinapakalma ang sarili.
"Dadalhin ko ang girlfriend ko dito mamaya." Pagputol nya sa katahimikan. Shempre, nagulat ang lahat sa biglaan nyang desisyon. Napalingon sa kanya ang lahat at nabitawan pa ng Mommy at Daddy nya ang mga kumyertos ng mga ito.
"What?" Tanong nang lahat sa kanya, ng may kasamang gulat.
"Something happen to her last night. Mas gusto ko din na dito sya tumira dahil alam kong hindi nyo ako papaalisin ng bahay, kaya dito nalang kaming dalawa." Paliwanag ni Paul.
"Why so sudden?" Tanong ni Ate Yuri nya.
"Gagawin ko din naman to, later. I got her pregnant, and it's just that, her situation right now is so bad. So, I want to bring her here." Simpleng paliwanag ni Paul. Tumayo na sya at tinapos na ang pagkain. "Please, be nice to her. Lalo ka na, Rylee and Mom." Sabi nya at umalis na sa harap ng pamilya nya habang iniwan nya ang lahat ng naroon na gulat parin.
"Is this a dream? Can you please wake me up, please?" Gulat at nagmamakaawang sabi ng Mommy ni Paul.
"I'm sorry. I can't do that, hon. You're not dreaming." Sabi naman ng Daddy nya.
"We should be happy. Binata na si baby bro. Parang kailan lang nag-aaway pa kayo kung lalaki ba sya o babae." Sabi ni Marco at napapailing pa.
"Yeah. We should be happy for them." Pagsang-ayon ng asawa ni Marco sa kanya. Habang si Rylee at Jack ay tahimik lang.
"How dare he!! Do I look mean?!" Biglang inis na sabi ni Rylee.
"Yes, you are, ate." Sabi ni Jack.
"What?! I'm your older sister, Jack. How dare you!!" Sigaw pa ni Rylee habang si Jack ay hindi nalang sya pinansin. Sandali sila natahimik hanggang sa magsalita ulit ang Mommy nila.
"Hindi nyo ba kilala ang girlfriend nya?" Tanong ng Mommy nila.
"I don't know." Sabay na sabi nila Jack at Rylee.
"We have to know who she is. Baka piniperahan nya lang si Kuya." Sabi ni Rylee. Sumang-ayon naman ang Mommy nila sa kanila. Habang ang iba naman ay napailing nalang dahil sa ugali ng dalawa.
- Paul's POV -
Umalis ako ng bahay nang nandito pa silang lahat. Hindi na ako nagpaalam dahil baka hindi sila umalis at antayin nalang akong dumating. Balak ko din kasing hindi muna ipakita si Stella. Natatakot kasi akong baka magalit ako sa kanila sa harap ni Stella.
Kaninang hinahanda ko ang mga gamit na hindi na ginagamit ni Rylee ay nagbigay p a ng mga damit si Ate Yuri. Ako naman ay nagpapasalamat dahil napakabait nyang tao. Pagkatapos kong ayusin ang mga iyon ay inigalay ko iyon sa kabinet ko para kukuhanin nalang ni Stella mamaya kapag gusto na nyang magpalit ng damit.
Pagdating ko ng condo ay natutulog pa sya. Hindi ko din sya masisisi dahil alas-otso palang ng umaga ng dumating ako sa condo. Pumunta ako sa kusina at nilutuan sya ng agahan nya. Maya-maya pa ay nagising na din sya.
"Kanina ka pa?" Gulat nyang tanong sa akin.
"No. Kadadating ko lang din." Sabi ko at nilapitan sya para halikan sya sa noo.
"Ano na kayang nangyari sa amin? Kumusta na kaya sila doon?" Tanong sa sarili nya.
"For now, kalimutan mo muna yung nangyari. For sure naman, walang nasaktan sa kanila." Sabi ko. Tumango naman sya bilang pagsang-ayon. Hionandaan ko sya ng pagkain nya at naupo kaming dalawa sa lamesa.
"Ayaw mo bang kumain?" Tanong nya sa akin.
"No, I'm good." Sabi ko at nginitian sya. Pagkatapos nyang kumain ay dumiretso na kami agad ng bahay. Wala na ang mga tao doon kaya malaya kong nadala sa kwarto ko si Stella.
"Ang ganda ng bahay nyo." Namamangha nyang sabi. "Grabe. Hindi ko alam na mayaman pala kayo." Namamangha paring sabi nito. "Kung mayaman pala kayo, bakit hindi namin alam?" Tanong nya pa.
"Hindi ko kasi sinasabi sa kung sino lang. Ayoko ding maraming tao ang nanggugulo sa akin." Sabi ko pa. "Ito, mamili ka nalang ng gusto mong suutin sa closet doon sa loob." Sabi ko at tinuro sa kanya ang walk-in-closet ko.
"Sige, salamat." Nakangiti nyang sabi at pumunta na doon. Maya-maya pa ay lumabas din ito kaagad at may dala na syang dress na kulay pink. Tingin ko aabot yon ng lagpas sa tuhod nya.
"Gusto mo na bang maligo?" Tanong ko. Tumango naman sya. Muhkang nahihiya na. "Pasok ka lang doon, iyon na yung banyo ko." Sabi ko. Nahihiyang tumango ulit sya at pumasok na doon. Habang naghihintay sa kanya ay nahiga muna ako.
Makalipas ang ilang minuto ay lumabas ang isng magandang diwata galing sa banyo ko. Medyo nagulat pa ako dahil kasya din pala sa kanya ang damit ni Ate Yuri. Napatayo ako sa kinahihigaan ko at lumapit sa kanya.
"Hindi ba bagay sa akin?" Tanong nya sa akin.
"Hindi. Bagay nga sayo, ehh." Nakangiti kong sabi.
"Ehh, bakit ganyan ka makatingin?" Nahihiya parin nyang sabi. Ngayon, sobrang pula na ng muhka at tenga nya.
"A-Ang ganda mo lang sa damit na yan." Nauutal kong sabi at yumakap sa kanya. "Gusto mo bang matulog ulit?" Tanong ko. Sya naman ay napaisip bago tumango. Kinuha ko ang blower ko at pinatuyo muna ang buhok nya saka kami nahiga sa kama. At makalipas ang ilang minuto ay pareho na kaming nakatulog.
______________________________
- Third Person's POV -
Masayang nag-uusap ang Mommy ni Paul at ang mga kasama nito. Nag-uusap sila tungkol sa mga bagay-bagay. Habang si Stella ay nagising dahil bigla syang nakaramdam ng gutom. Bumaba sya para maghanap ng pagkain.
Ayaw nya din naman gisingin si Paul dahil ang sarap parin ng tulog nito. Nang bumaba sya ay wala syang nadatnan sa kusina. Hindi nya alam kung anong gagawin pero bigla nyang nakita ang isang yaya doon kaya lumapit sya dito.
"Excuse me, po." Magalang nyang sabi sa manang.
"Sino ka? Bakit nandito ka? Magnanakーーー"
"Hindi po ako magnanakaw. A-Ano... G-Girlfriend po ako ni Paul." Nahihiyang sabi ko. Sandali syang natahimik at ngumiti sa akin.
"Ahh... Ikaw pala ang girlfriend nya. Hindi ko napansing dumating na kayo." Sabi nito habang nakangiti.
"Wala nga pong tao dito ng dumating kami. Akala ko nga po bahay lang ni Paul to, ehh." Sabi nya naman.
"Bakit ka nga pala nandito sa kusina? Nasaan si Paul? Bakit hindi kayo magkasama?" Sunod-sunod nanaman nitong tanong.
"Natutulog po kasi kami kanina. Nagising po kasi ako dahil bigla akong nagutom. May pagkain po ba kayo dyan?" Nahihiyang tanong pa ni Stella.
"Meron. Heto, may pagkain pa dito. Sandali, iinitin ko lang." Sabi ng kasambahay nila at ininit na ang pagkain para sa kanya at agad din naman nyang kinain. Habang ang Mommy ni Paul at mga amiga nito ay nasa garden parin.
"Kumusta na ang mga anak nyo?" Tanong ni Claire, Mommy ni Paul.
"Naku, ang anak ko. Napakalaking problema. Napakababaero." Sabi ng isang kumare nito.
"Naku, mahirap ayusin ang isang yan. Paano kung magka-girlfriend na ang anak mo. Paniguradong iiyak ang magiging girlfriend nya." Sabi naman ni Kumare number 2.
"Mana naman sa tatay." Natatawang biro ni kumare number 3.
"Tumigil nga kayo." Pagpapatahimik ni Claire sa mga kaibigan.
"Naku, ikaw nga. Hindi pa nagkakagirlfriend ang anak mo, baka bakla naman yan si Paul." Sabi naman ni Kumare number 3.
"Tama na." Saway ni Kumare number 1. "Ehh, ang mga education ng mga anak nyo? Maayos din ba? Katulad ng pambabae nila?" Tanong pa ni Kumare number 1.
"Maayos naman ang sa anak ko. Medyo mataas naman ang grades nya." Sabi ni Kumare number 2.
"Ano nga ulit ang course nya?" Tanong ni Claire.
"Engineering." Hindi pinapahalata pero proud na savi ni Kumare number 2.
"Ehh, ikaw? Kamusta ang sa anak mo?" Tanong ni Claire kay Kumare Number 3.
"Graduate na ang anak ko, diba?" Sabi nito.
"Oo nga pala." Sabi ni Claire.
"Ehh, ikaw? Kumusta studies ni Paul?" Tanong ni Kumare number 2 kay Claire.
"Ok naman. Wala akong alam sa kanya. Hindi kasi sya palakwento." Sabi ni Claire.
"Hindi pala kwento, o biased ka lang." Sabi ni Kumare number 2.
"Ano ba, kanina pa kayo? Nasa pamamahay nya tayo, tumigil nga kayo." Sabi ni kumare number 1.
"Ehh, totoo naman, ehh. Talaga namang ayaw nya kay Paul dahil bakla si Paulーーー"
"Hindi bakla ang anak ko!" Sigaw ni Claire. Ayon at lumabas na ang pagiging nakakatakot nito. "Umalis na akyo sa bahay ko, mga wala kayong respeto." Sabi nya at itinuro ang pinto nila sa mga kaibigan.
Habang nasa ganon syang sitwasyon ay kakatapos lang ni Stella kumain at balak na nyang bumalik sa kwarto ni Paul ng makita nya ang mommy ni Paul. Nagkatinginan pa silang dalawa. Nagtataka si Claire dahil may hindi kilalang muhka sa bahay nya.
"Who are you?!" Sigaw ni Claire. Dala ng init nya sa mga kaibigan ay napasigaw sya. Napalingon sa kay Stella ang mga kaibigan ni Claire at nanlaki din ang mga mata nito. Inakala din nilang magnanakaw si Stella.
"Why are you in my house? Are you here to steal?!" Tanong ni Claire. Si Stella naman ay hindi alam ang isasagot dahil papalapit na sa kanya ang mga ito. "Sabihin mo! Hanggat hindi pa ako tumatawag ng pulis!" Sigaw ni Claire at nakahawak na sya sa braso ni Stella.
"Ma!!" Sigaw galing sa likod nila. Dahil malakas iyon ay napingon silang lahat doon.
- To Be Continued -