Chapter 6

1440 Words
Chapter 6 - Stella's POV - Pauwi na kami ngayon at bigla nalang nawala si Paul. Hindi ko alam kung saan ito pumunta pero bigla nalang itong nawala kanina habang naglalakad kami. Napansin ko ang pagiging maalaga ni Paul ngayon sa akin. Sa totoo lang, akala ko talaga ay hindi nya ako tatanggapin at pati ang batang dala ko. Akala ko ay matutulad ako ng mga kapitbahay kong naging single parent dahil pinabayaan sila ng mga nakabuntis sa kanila. Ngayong nakausap ko na si Paul ay nakakahinga na ako ng maayos. Mayado syang maalaga at sya pa ang nagsabing magpalitan kami ng number para pwede ko syang tawagan ano nang oras. Nandito na ako ngayon sa sakayan at hindi ko na talaga nakita pa ulit si Paul. Maya-maya pa ay may taxing huminto sa harap ko at biglang lumabas doon si Paul. Hinila nya ako papasok ng taxi at ako naman ay hindi alam ang gagawin dahil sa biglaan nyang kilos. Nakaupo na ako ngayon sa loob, at katabi ko na si Paul. "Kanina ka pa dyan? Sorry, ngayon lang ako." Sabi nya at napakamot pa ng ulo. "Bakit nagtaxi ka pa? Pwede naman akong mag-bus nalang." Nahihiyang sabi ko. "Ok lang. Magpapahatid na din kasi ako sa bahay." Sabi nya at nginitian ako. Maya-maya pa ay dumating na kami sa bahay at agad naman akong bumaba. "Ingat ka." Sabi ko. "Ikaw din. Tawagan mo ako, ha?" Nakangiting sabi nya. Tumango ako at umalis na sila. Ako naman ay pumasok na nang bahay at parang hindi ko gustong pumasok ng trabaho ngayon dahil sobrang sama ng pakiramdam ko. Pagpasok ko ay agad akong nagluto ng simpleng hapunan ko at pagkatapos ay kinuha ko ang libro ko para mag-review. Makalipas ang ilang minuto ay inantok na ako kaya nahiga na ako para matulog. ________________________________ Naalimpungatan ako dahil sa ingay na nanggagaling sa labas. Hindi ko din alam pero pawis na pawis ako at napakainit. Nang tuluyan ko nang marealize ang nangyayari ay bigla akong nataranta. Nasusunog ang bahay ko. Agad kong kinuha ang phone ko at ang iba pang gamit na pwede kong kuhanin. Agad akong tumakbo palabas at tumambad sa akin ang napakaraming tao. Ang iba ay umiiyak na dahil nasusunog na masyado ang mga bahay nila. Ako naman ay nanghina dahil kaunting gamit ko lang ang nadala ko. Wallet, phone, charger, maliit na bag, iyon lang. Agad akong pumunta sa lugar kung saan alam kong ligtas ako. Maya-maya pa ay dumating na ang mga bombero para rumisponde. Kahit naapula na ang apoy na tumupok sa mga bahay namin ay nakatulala parin ako dito at parang hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Parang gusto kong maiyak pero wala namang lumalabas sa akin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon. Wala na akong ibang matitirhan at wala din akong nakuhang damit doon. Wala sa sariling kinuha ko ang telepono ko at nag-isip ng taong pwede kong tawagan. Hanggang sa naisip ko ang taong pwede akong tulungan. ________________________________ - Paul's POV - Katatatapos lang naming kumain at nandito pa kaming lahat sa sala. Nakabukas ang TV ngayon dahil nanonood si Daddy ng balita. Ako naman ay busy lang sa pagkalikot ng cellphone ko. Inaantay ko ang tawag ni Stella. "Breaking news. Isang malaking sunog ang tumupok sa maraming tahanan sa bandangーーー" "Ano ba, sagutin mo na ngayang phone mo, Paul." Sabi ni Dad. Agad ko naman itong sinagot dahil si Stella ito. "Ano yon? Hindi ka ba makatulog?" Sabi ko at tumayo na para umakyat ng kwarto ko. "Ano... Paul... Kasi..." "Ano ba yon? Wag kang mahiya." "M-May alam ka bang pwede kong tguluyan ngayon gabi? M-May nangyari kasi, ehh." "B-Bakit? Anong nangyari? Napalayas ka ba dahil nalaman nilang nabuntis kita? Wag kang mag-alala. Kakakusapin ko sila, dyaan ka lang kung nasaan ka." "Kung ganon nga ang sitwasyon, ok lang. Pero iba kasi yung sitwasyon ko, ehh." "Ano bang nangyari? Sabihin mo sa akin." "N-Nasunugan kasi kami, Paul." "Huh?" ________________________________ Nandito ako ngayon sa condo kong wala namang nakatira at dito ko muna papatuloyin si Stella. Hindi pa ako handa, at alam kong ganon din si Stella, harapin ang mga magulang ko. Alam kong hindi matutuwa ang mga ito. "Talaga bang ayos lang na dito muna ako? Wala bang nakatira dito? Baka makaabala lang ako." Sabi nya at halatang nahihiya sya. "Hindi, no. Ayos lang. Condo ko naman to, binili sa akin to ng parents ko ng mag-15 ako. Hindi ko naman masyadong nagagamit to kaya dito ka muna. Susunduin nalang kita bukas." Sabi ko at nginitian sya. "Ok na ako dito. Sanay naman akong mag-isa lang sa bahay." Sabi nya at pilit na ngumiti. Binuksan ko ang kwarto at agad bumakas ang malaking ngiti sa kanya. "Ang ganda..." Namamangha nyang sabi at agad lumapit ng kama at nahiga doon. "Ang sarap." Sabi nya pa. "Naku, mas masarap ang kama doon sa kwarto ko sa bahay namin. Sa ngayon, dito ka muna. Susunduin nalang kita bukas ng umaga. Wala naman tayong pasok bukas." Sabi ko habang nakaupo sa gilid ng lamesa. "By the way, baka hindi muna ako makapasok ng school, nasira kasi lahat ng mga gamit ko doon. Tyaka, buntis pa ako. Baka titigil muna ako ng pagpasok ko." Malungkot nyang sabi at nilingon ang tyan nya at mahina itong hinaplos-haplos. "Pwede ka pa naman magpalipat ng home-school. Ituturo ko nalang sayo yung ibang mga gawain na mga hindi mo naiintindihan." Sabi ko. "Pero kapag naghome-school ako, baba yung tuition ko at allowance ko." Malungkot nyang sabi. "Wag mo na muna problemahin yan. Matulog ka na. Baka makasama pa yan sa baby natin." Sabi ko at hinalikan sya sa noo at pumasok ng banyo. Tinignan ko doon kung may mga stock pa ako dahil once a month lang ako pumunta dito. "Paano ka? Umuwi ka na kaya, baka hanapin ka sa inyo." Sabi nya. Nakahinga na sya pero nakatingin pa sa akin. "Ayos lang. Aantayin nalang kitang makatulog saglit. Tapos uuwi na ako." Sabi ko at lumabas ng banyo at pumunta sa couch na nasa tabi ng kama nya. Nakatingin sya sa kisame at parang napakalalim ng iniisip nya. "Anong tingin mo ang mangyayari sa atin sa future? Makakaya kaya natin?" Tanong nya bigla. Nagtaka ako at napangiti. Tumayo ako sa kinauupuan ko at naupo sa tabi nya. "Why do you ask? I think naman, we're going to figure it out. Ngayon pa nga lang, ok na." Nakangiti kong sabi. "I hope so, too. Sa totoo lang, ayokong mawala sa akin ang baby natin." Sabi nya pa habang nakatingin sa akin. Hinawakan ako ang kamay nya at pinisil iyon kasabay ng ngiting nagpapalakas ng loob. "Don't worry. Hindi ko hahayaang mangyari yan." Sabi ko at kinuha ang kamay nya at hinalikan ang likod ng palad nya. "Thank you, Paul." "There's no need to thank about. It's my duties to protect my baby and their mom." Nakangiti kong sabi. "No, thank you for coming into my life." Nakangiti nyang sabi. Tumayo sya at binigyan ako ng halik sa labi ko, na ikinagulat ko, at niyakap ako. "I always feel so lonely. But when you came into my life, I don't feel lonely anymore." Nakangiti nyang sabi at nagsisimula na ding syang umiyak. "Please, don't leave me behind from now on. Hmm?" Sabi nya na puno ng pagmamakaawa sa mga mata nya na diretsong nakatingin sa akin. "I don't want to be lonely anymore." Sabi nya pa na puno parin ng emosyon. "Rest assure, then. I'm not going to leave you and make you feel lonely. I promise to make you happy as long as I can. And, give you so much love, and our child." Sabi ko at niyakap sya. Magkayakap parin kami at panay parin ang hikbi nya. Makalipas ang ilang minuto, sa ganong posisyon, dahan-dahan ko syang ihiniga sa kama dahil masyado nang malalim ang paghinga nya. Habang inaayos ko ang paghinga nya at napatingin ako sa tyan nyang hindi pa masyadong halata ang pagkaumbok. 'Siguro, mag-ta-tatlong buwan palang ito.' Dahan-dahan ko itong hinawakan at hinaplos. Tapos ay hinalikan ko ito at binigyan ko din ng halik si Stella sa noo nya. Sandali akong nanatili doon bago ako tuluyang umuwi. Sinigurado ko ding hindi sya basta-basta mapapasok o mapapahamak sa condo ko bago ako umalis. Hindi ko alam kung kailan nagsimula. Pero hindi ko, nahuhulog na ako kay Stella. Akala ko, dahil lang sa pareho naming pinagdaan at naiintindihan ko ang nararamdaman nya ay ganito ako sa kanya. Pero habang ganito kaming dalawa, doon nag-si-sink in sa akin na, muhkang mahal ko na din sya. - To Be Continued - (Fri, January 28, 2021)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD