Chapter 5
- Stella's POV -
Kahit papaano ay nakaya ko pating maabot ang number 1. Akala ko ay mali-mali ang sagot ko pero mali talaga ang ako. Natama ko pa lahat at dahil doon at kinaaliwan at kinainisan ako ng mga tao. Ang iba ay sinasabing magaling ako at ang iba naman ay nagsasabing nandadaya lang ako.
Medyo nadedepress ako dahil sa mga sinasabi nila pero inilalaan ko nalang ang atensyon ko sa pag-a-advance reading ko at ang pagta-trabaho ko. Lumipat na ako ng mas malapit sa bahay ko dahil medyo anong oras na din ako nakakauwi.
At ayoko din na makita ako doon nila Diane. Parang maiisip ko palang ang nangyari noon ay para akong nanghihina. Ang buong bakasyon ko ay inilaan ko sa pagtatrabaho ko ng maayos. Yung talagang wala akong pahinga.
May renta kasi akong binabayaran. Ayokong mawalan ako ng gamit dahil binantaan na ako ni Ate Chariz na kukuhanin nya ang mga gamit ko kapag hidni ako nagbayad sa tamang oras. Sa sobrang pag-ta-trabaho ko ay hindi ko napansing malapit na ulit ang third sem.
Hanggang sa magsimula na nga talaga ito. Naghanda na ako sa pagpasok ko at inihahanda ko na ang mga gamit ko. Busy ako ngayon sa pagbabasa dahil ayokong may makaligtaan akong lesson namin. Sayang points.
Pagkatapos ay agad akong sumakay papunta sa school at agad naman akong nakarating. Medyo madami din akong pera ngayon dahil sa pagtatrabaho ko. Tingin ko din ay may sakit ako dahil palaging sumasama ang pakiramdam ko tuwing umaga.
Hindi ko naman pinansin dahil baka nagkukulang lang ako sa tulog. Alas-syete kasi ang pasok ko, at umuuwi ako ng alas-dos ng madaling araw. Ngayong pumapasok na ulit ako sa school ay pumayag naman ang manager namin na mag-half day lang ako.
Pagkapasok ko ng classroom namin ay naroon na si Paul. Himala, palagi kasi akong nauuna sa kanya. Pero ngayon sya na ang nauuna sa akin. Pagkaupo ko ng upuan ko ay palihim ko sana nyang lilingonin pero bigla din nya akong nilingon.
Nahihiya akong nag-iwas at ganon din ang ginawa nya. Sobrang nakakahiya dahil nahuli nya akong tinitignan sya. Umayos ako ng upo at pinipilit na hindi mapalingon sa kanya dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag napalingon pa ulit ako sa kanya.
"Kumusta ka na?" Tanong nya sa akin.
"O-Ok lang." Nauutal kong sagot. "I-Ikaw ba?" Tanong ko.
"Ok lang din." Sgot nya sa akin. "Parang maputla ka." Sabi nya. Hinila nya ako paharap sa kanya at wala na talaga akong magawa kung hindi ang harapin sya.
"W-Wala lang to. Ok lang ako." Sabi ko at tinanggal na ang kamay nyang nakahawak sa pisnge ko.
"Are you sure?" Tanong nya at halata ang pag-aalala.
"Yeah." Nakangiti kong sagot at nag-iwas lulit ng tingin sa kanya.
Maya-maya pa ay pumasok na ang guro namin at agad namin syang binati. Pagkatapos ay binati nya muna kaming mga nasa top rankings at nagsimula na syang magturo. Para naman kaming nagpapaligsahan ni Paul dahil kaming dalawa lang ang sumasagot.
________________________________
Makalipas pa ang ilang mga araw ay mas lalong sumama ang pakiramdam ko. Dahil hindi ko na kaya at parang lumalala na, nagpatingin na ako sa doktor. Papunta ako ngayon dito at talagang kinakabahan ako.
"Active ka ba, hija?" Tanong sa akin ng doktor.
"H-Hindi ko po alam." Sabi ko.
"Nagkaroon ka ba ng s*x entercourses this past few months?" Tanong nya pa.
"Opo..." Mahina kong sabi.
"Kailan ang huli mong dalaw?" Tanong nya pa.
"Last two... months..." Pahina na nang pahina ang boses ko dahil unti-unti ko nang nare-realize kung anong meron sa akin.
"As you can see, hija. You're pregnant. Particularly, you're 1 month pregnant. And, it's very risky dahil mahina ang kapit ng bata sayo. I suggest, be careful and think the baby in your body first. Congrats." Sabi nito at hinawakan ako sa balikat bago iniwan. Sandali akong natulala at parang hindi ko pa nakakain ang mga nangyayari.
Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na ako at nakasalubong ko pa ulit ang doktor na tumingin sa akin. Ngumiti ako sa kanya at tumango. Hinila nya ako papunta sa gilid na ipinagtaka ko.
"Ito, puntahan mo ang doktor na to next month. Sya na ang bahalang tumingin sayo." Sabi nya at tinapik pa ulit ang balikat ko bago umalis. Napatingin naman ako sa papel na hawak ko at inilagay na iyon sa bag ko bago ako umalis ng ospital.
- Rylee's POV -
Nakatingin ako ngayon sa babeng nilapitan ni Dad. Papalapit na sa akin si Dad ngayon. Nandito kasi ako para hatidan sya ng pagkain nya. Pinilit kasi ako ni Mommy na dalhin ito sa kanya. At dahil si Mommy iyon ay wala akong magawa.
"Who's that, dad?" Tanong ko.
"It's a patient. Inabot ko lang sa kanya yung papel na kailangan nya. I leave her in my office because she look depressed when she found out she's pregnant." Mahabang sabi nito. "Why are you again?" Tanong nya pa.
"Here, Mom cook this for you." Sabi ko at nilingon ulit ang babaeng parang depress nga.
"Pakisabi sa Mommy mo, thank you. Sige na, umuwi kana. Uuwi ako mamayang 8." Sabi nito at hinalikan ako pero hindi ako nakaiwas dahil busy ako kakatingin doon sa babae.
"Dad?!" Inis kong sabi. Tinawanan nya nalang ako. Pinauwi na nya ako at umuwi nalang din ako.
- Paul's POV -
"What happened to you?" Tanong ko kay Rylee. Muhka kasi syang naaasar.
"Dad, just kiss me. You know I hate that, right?" Inis nyang sabi.
"Ok." Sabi ko at hindi na nagsalita dahil baka maging maingay ito hanggang mamaya. Umalis na sya at pumunta sa kung saan. Ako naman ay naiwan nalang sa sala. Makalipas ang ilang oras ay maghahapunan na kami.
"I'm home!!!" Sigaw ni Dad galing sa may pinto. Agad itong pumunta sa kusina kung nasaan kami at humalik nanaman kay Rylee.
"Dad?!!!" Inis nanaman nitong sigaw. Tinawanan lang sya ni Dad tapos lumapit sya kay Mommy at hinalikan ito.
"Akala ko ba 8 ka pa uuwi? 7:30 palang, ohh." Sabi ni Mommy. "You're such a liar." Sabi ni Mommy.
"Aakal ko kasi marami akong magiging pasyente, pero kunti lang naman kaya maaga nalang akong umuwi." Sabi nya at umupo na para kumain. "By the way, Rylee, mag-ingat ka. Maraming mga teens ang nagbubuntis ngayon. Katulad nung babaeng nagpa-check-up sa akin."
"Why is she pregnant?" Mataray na sabi ni Rylee.
"Ate, kakasabi lang ni Dad." Sabat ni Jack.
"I know." Sabi ni Rylee at inirapan ang nakababata naming kapatid.
________________________________
Papasok na ko ngayon sa classroom at napansin kong nandoon na si Stella. Parang kahapon alang ay nauna ako dito pero ngayon ay nauna nanaman sya sa akin. Nakatingin ito sa mga kamay nya at parang tulala pa.
"Ayos ka lang?" Tanong ko habang papalapit ako at naupo sa tabi nya.
"A-Ano... Paul..." Mahinang sabi nya at parang maiiyak pa.
"Why? Anong problema?" Tanong nya sa akin.
"Paul, may kailangan akong sabihin sayo." Sabi nya at nagsisimula na syang maiyak. "I... I'm pregnant." Sabi nya. Ako naman ay biglang natulala. Niyakap ko sya dahil nagsisimula na syng umiyak habang ako ay pilit paring sini-sink in sa akin ang mga sinabi nya.
"T-That's fine." Mahina kong sabi. Hinawakan ko ang muhka nya at pinaharap sa akin. "That's fine. It's ok. Why are you crying?" Nakangiti kong tanong. "We should be happy. Magkakababy na tayo." Sabi ko pa.
"P-Pero, Paul..."
"What? Stella, don't think any negative thoughts, baka makasama sayo. And,wag ka na din umiyak. Baka makasama din yan sayo." Sabi ko at niyakap sya.
"Paul...." Umiiyak parin nyang sabi.
"Shhh... It's ok. Wag ka nang umiyak." Sabi ko habang yakap parin sya. Maya-maya ay tumigil na din sya sa pag-iyak nya. "Shh. Wag ka nang umiyak. Ok lang ang lahat. Wag ka nang mag-alala." Sabi ko at tuluyan na syang tumahan.
Maya-maya pa ay dumating na ang prof namin kaya hindi na kami nakapag-usap. Habang nakikinig ako sa turo sa amin ay panay ang tingin ko sa kanya. Ngayon ko lang napansin na maganda pala sya kapag wala syang salamin.
Pero nawala din iyon kaagad ddahil muli nyang sinuot ang hinubad nyang salamin. Ang katawan nya ay magaganda ang kurte. Hindi lang halata ang mga ito dahil sa malaking uniform na palagi nyang suot. Medyo mababa din sya para sa akin dahil aabot lang sya sa balikat ko.
Dahan-dahan bumaba ang tingin ko sa tyan nya at hindi ito halata dahil sa malaki nyang uniform. Agad akong nagtaas ng tingin at lumingon sa guro naming nagtuturo. Nagtaas ako ng kamay at sinagot ang tanong nito.
Kahit kasi busy ako kakatingin kay Stella ay nakikinig parin ako. Sandali kong hinayaan ang tingin ko sa guro namin at muli kong ibinalik ang tingin ko kay Stella. Masyado itong fucos sa pakikinig at pagsusulat nito kaya siguro hindi nya ako napapansin.
"Sinong gustong magsagot ng problem natin sa board?" Tanong ni Miss. Agad akong nagtaas ng kamay at nilingon ang board. Sandali ko itong inaral sa utak ko at muhkang madali lang naman ito. "Sige, Mr. Tan and Ms. Lim. Sagutan nyo ang number 1 and 2 nating problem sa board." Sabi nito. Dahilan para mapalingon ako kay Stella.
Tumayo na sya kaya dali-dali na din akong tumayo. Binigyankami ng tag-isang marker at hinayaan kaming magsagot dalawa. Dahil madli lang naman para sa akin ang problem ay agad ko itong natapos. Pagkatapos na pagkatapos ko palang ay natapos na ddin si Stella, hindi, mas mauna sya sa akin.
"Very good." Sabi ng guro amin at pumalakpak. Agad akong tumango at ngumiti sa kanya bago ako naupo sa upuan ko.
"Ayos ka lang? Parang nanghihina ka." Tanong ko kay Stella. Muhka kasi syang matamlay.
"Mood swings." Bulong nitong sagot at naupo na. Napatango-tango nalang ako. Nang matapos ang klase namin ay ako na ang bumili ng pagkain namin dahil ayokong pagalawin sya ng pagalawin.
Doon nalang din kami kumain sa classroom namin. Habang kumakain din kami ay nag-uusap kami tungkol sa pagbubuntis nya. Wala din naman syang masabi dahil muhkang hindi nya pa napapatingin ng maayos ang bata sa tyan nya.
Nandoon lang kami hanggang sa matapos ang lunch break namin ay nandoon langkaming dalawa. Nag-uusap at parang walang pakialam sa paligid namin. Hindi ko din kasi masyadong pinapagalaw.