Chapter 4
Nasa kalagitnaan ako ng pagtulog ko ng bigla akong magising dahil sa malakas na ingay na nanggagaling sa lbas ng bahay ko. Agad akong napatayo at binuksan ang pinto ko. Agad tumambad sa akin ang masungit na landlord ng bahay ko.
"Ano, Stella. Isang linggo na ang nakalipas." Sabi nito.
"Ate Chariz, wala pa po akong pera. May sakit po ako ngayon kaya hindi ako makakapagtrabaho ngayon." Sabi ko namay kasamang pagmamakaawa. "Isang linggo pa po, promise. Magbabayad na ako next week." Sabi ko pa.
"Next week nanaman?! Stella, nung isang buwan mo pang sinasbi ang next week na yan, ahh?! Kapag hindi ka pa talaga nagbayad, kukunin ko na yang mga gamit mo!" Sabi nito at umalis na. Ako naman ay nanghina dahil hindi ko na alam ang gagawin ko.
________________________________
Nandito ako ngayon sa part-time job ko sa convenient store. Nagdadasal ako na sana hindi ulit pumunta sila Diane dito dahil paniguradong mapupuruhan nanaman ako. Pero, thankfully hindi naman sila dumating.
Ilang araw na akong hindi pumapasok at hindi ko alam kung anong idadahilan ko sa mga magtatanong kung bakit nawala ako ng ganon ka raming araw. Sa ngayon ay nabayaran ko na ang tatlong buwan kong renta sa bahay.
Balak ko na ding pumasok ngayon dahil medyo maganda na din ang pakiramdam ko. Hindi ko lam kung pumapasok ba si Paul pero wala na akong pakialam. Biktima naman kami pareho, hindi ko sya dapat isipin.
Bumuntong-hininga muna ako bago ako pumasok ng classroom. Kapag nakita ko si Paul ay hindi ko alam kung anong gagawin ko. Naglakad ako ng dahan-dahan at mabuti nalang ay hindi nila ako pinapansin hanggang sa makaupo ako sa upuan ko.
Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi ko nakikita si Paul ngayon. Tumungo ako para kahit dumating man sya ay hindi nya ako makikita. Sana. Maya-maya pa ay may umupo sa tabi ko at parang alam ko na kung sino iyon.
Agad kong itinaas ang ulo ko at agad tumambad sa akin si Paul. Nakatingin din ito sa akin pero hindi iyon ang napansin ko. Napansin kong mainit at parang maputla sya ngayon. Hindi ko nalang sya pinansin dahil dumating na ang guro namin.
"Good morning, Miss Salvi." Sabi naming lahat.
"Good morning. Nandito na ba si Miss Lim at Mr. Tan?" Tanong nya. Agad akong nagtaas ng kamay at tumayo. "Why are you absent?"
"Ma'am, nagkasakit po ako tapos nagka-emergency pa po sa bahay." Sabi ko at bigla akong nahiya dahil nakatingin silang lahat sa akin ngayon.
"Naku, Ms. Lim. Minsan ka na ngalang um-absent, napakatagal pa. 1 week kang wala. Mabuti nalang at walang ibinigay na projects or quizzes ang mga prof nyo kung hindi, paniguradong matatanggal ka sa top 1 position mo." Sabi nya. "Nasaan naman ang top 2 natin? Nandyan na ba?" Tanong nya pa. Ako naman ay napatingin sa katabi ko at naupo na. Sya naman ang tumayo at tianong kunga bakit nawala din sya.
"Nagkasakit din po ako." Sabi nya.
"Muhka ngang hindi ka pa magaling, Mr. Tan. Sana hindi ka muna pumasok kung hindi mo pa kaya." Sabi ni Ms. Salvi at nagsimula na sa aralin namin. Ako naman ay napatingin sa katabi kong hirap na hirap kumilos.
"Ok ka lang?" Tanong ko sa kanya.
"Hmm." Mahina nyang sabi kasabay ng pagtango nya. Nakinig na ako sa itinuturo ng guro namin. Alam ko na naman ang tinuturo nya dahil nag-a-advance reading din ako minsan kahit nasa trabaho ako.
________________________________
Break time namin ngayon at may meeting din daw ang mga guro sa lahat ng division. Kaya kaming mga students ay pwedeng lumabas pero sa cr o sa cafeteria lang ang pwedeng puntahan at bawal lumabas.
Habang ang mga tao sa loob ng classroom namin ay busy, ako naman ay tinignan ang katabi ko na nakatungo parin ngayon. Medyo bumalik na ang tamang kulay nya at hindi na din sya masyadong mainit.
"Paul, uminom ka na ba ng gamot mo?" Tanopng ko sa kanya. Tahimik lang syang umiling at halatang nanghihina pa. "Gusto mo bang kumain muna?" Tanong ko pa. Tumango sya at hindi na nagsalita pa.
Ako naman ay tumayo sakinauupuan ko at pumunta ng cafeteria para bumili ng makakain naming dalawa. Pagdating ko classroom namin ay kaunti nalang masyado ang tao doon. Agad akong bumalik sa upuan ko at ibinigay sa kanya ang pagkain na binili ko.
"Thanks." Maikli nyang sabi. Naupo ako sa tabi nya at tinulungan syang iayos ang pagkain nya. Pagkatapos ay kumain na kaming dalawa at napapansin kong kahit sa pagkain o pagnguya ay nahihirapan sya.
"Why did you left?" Tanong nya na nagpatigil sa akin sa pagkain. "I visited you the next morning and you are not there anymore. Tumakas ka daw sabi nung isng nurse." Sabi nya. Ako naman ay hindi na nakasagot dahil parang naguilty ako.
"I-I'm sorry." Sabi ko. "Natakot kasi ako, at akala ko din hindi ka na babalik." Sabi ko.
"Hindi naman ako ganon kasama, Stella." Sabi nya at nagpatuloy na ulit sa pagkain nya. Ako naman ay napatuloy na din sa pagkain ko. Tahimik lang kami doon hanggang sa matapos kaming kumain dalawa.
Nang matapos kami ay tinulungan ko din syang uminom ng gamot nya at hinayaan syang matulog hanggang sa bumalik ang mga tao sa classroom namin at ang mga guro namin. Pagkapasok ng guro namin ay halatang nagtaka ito.
"May sakit ba si Mr. Tan?" Tanong sa akin. Tumango nalang ako. Napatango din ang guro namin at nagsimula na ng aralin nya. As usual, alam ko na din yung tinuturo nya dahil nabasa ko na din iyon.
________________________________
After a few hours, our class ended. Parang ako nga lang ang estudyante nila ngayon dahil ako lang ang sumasagot. Habang si Paul ay hindi makasagot dhil natutulog lang ito at muhkang masama talaga ang pakiramdam nya kaya hinahayaan nalang din namin.
Medyo nahihiya din ako kay Paul dahil sa pagtakas kong ginawa sa ospital. Kaya lang naman ako tumakas dahil akala ko talaga ay hindi na sya babalik at wala akong pambayad sa ospital. Gustuhin ko man syang ihatid pero may susundo naman na daw sa kanya.
Wala na akong magawa kung hindi ang hayaan nalang sya dahil ayoko nalang din ipilit ang sarili ko. Halata din ang inis nya sa akin dahil sa ginawa ko. Hanggang sa gumaling sya at lumipas pa ang ilang mga araw ay hindi na kami nagpapansinan.
Kahit na magkatabi kami ay parang hangin lang kami sa isa't isa at kahit magkasalubong kami ay parang wala lang kami sa isa't isa. Nag-uusap lang kami kapag kailangan. Minsan ay parang naiilang pa kaming dalawa.
- Paul's POV -
Gustuhin ko mang makausapin si Stella ay parang hindi ko magawa. Alam ko kasing masyado nang malala ang inis ko sa kanya kaya binalak ko syang kausapin pero muhkang umiiwas sya sa akin kaya hindi ko nalang sya kinausap.
Naging busy nalang kaming dalawa at hindi na namin pinapansin ang isa't isa. Lumipas pa ang ilang araw ay naging busy nalang ako dahil sa papalapit naming exam. Malapit na kasi ang second semnamin at magkakaroon kami ng bakasyon pero may exam muna kami.
Lumipas pa ang ilang mga araw ay dumating na ang araw na lalabas na ang resulta ng exam namin. Oo, tapos na ang mga exam. Bukas na din ang bakasyon namin at ngayon ang bigayan ng mga cards at results ng mga exams namin.
As usual, ako parin ang top 2. Dahil muhkang wala namang pakialam sila Mommy kung meron man akong mataas na grado o ano, hindi ko nalang sinasabi sa kanila tyaka sanay na din ako. Kinuhaan ko nalang ng litrato ang mga pangalan doon at ang card ko bago ako umuwi ng bahay namin.
Pagdating ko ng bahay ko ay nasa hapag na sila. Naghahanda na sa pagkain para sa tanghalian. Nang tignan ko ang kusina ay may nakita akong cake doon at medyo madami din ang pagkain. Taka akong umupo sa table at nilingon iba pang nakaupo sa lamesa.
"Sinong may birthday?" Tanong ko.
"Hindi mo alam?" Tanong ni Kuya sa akin. Lahat sila ngayon ay nakatingin sa akin ng may pagtataka.
"Hindi." Nagtataka ko ding tanong dahil sa reaksyon nila.
"Are you serious, kuya?" Maarting tanong ni Rylee sa akin. "Kuya, it's your birthday. How dare you forget your own birthday." Sabi nya. Bigla naman akong nagtaka dahil parang hindi ko naman kaarawan.
Ilang minuto kong inalala kung anong araw ngayon at bigla nalang pumasok sa isip ko na kaarawan ko nga ngayon. Sa sobrang damit kong iniisip ay nakalimutan ko na ang sarili kong kaarawan. Hindi naman ako masaya kahit naalala nila.
Kumain kami at panay ang tawa at pagkwento nila pero wala ako sa mood sumali sa kanila. Hindi ko alam pero parang nitong mga nakaraang araw ay sobrang lungkot ko. Prang may kulang. Basta ganon. Sobrang lungkot.
Pagkatapos naming kuamin ay agad akong umakyat ng kwarto ko at nahiga doon para matulog. Mas gusto ko pang matulog nalang dahil mas nare-relax pa ako sa ganon. Nakatulog na ako at nang magising ako ay hapunan na namin.
- To Be Continued -
(Wed, January 26, 2022)