Chapter 3

1528 Words
Chapter 3 - Rylee's POV - Kakadating ko lang ng bahay ngayon at medyo late na din. Nasa hapag na sila Mommy at ang lahat, maliban lang kay Kuya Paul. Hindi ko alam kung nasaan at wala akong pakialam kung nasaan man sya. "Rylee, bakit ngayon ka lang, late na, ahh?" Tanong sa kanya ng Daddy nila. "I did some group work with my classmates, and where's kuya Paul?" Mataray kong tanong. "I don't know. He's not here yet." Sabi ng daddy. Bigla naman akong nagtaka dahil hindi naman umuuwi ng sobrang late si Kuya. Past 8 na, minsan lang ito umuwi ng past 8. "Kumain na tayo. Wag nyo nang hintaying yon. Baka may ginagawa pa ulit." Sabi ni Mommy kaya kumain na kaming lahat. Pagkatapos naming kumain ay agad akong umakyat ng kwarto at naglinisng sarili ko bago ako nahiga at natulog. ________________________________ Maaga akong nagising dahil may kailangan pa kaming gawin. Totoo naman kasing may ginagawa kaming group work. Kailangannanamin iyong matapos dahil mamaya na ang pasahan ng project namin na yon. Pagbaba ko ay nasa lamesa na si Daddy at Mommy. Hindi ko alam kung gising na ba ang iba. Agad akong naupo sa lamesa at kumuha ng pagkain. Si Daddy naman ay tinignan ako na para bang kakaiba akong nilalang. "What?" Inis kong sabi. "You're so early. God morning." Sabi nito. "Dad, you're so annoying." Sabi ko. "Napansin mo bang umuwi ang kuya Paul mo kagabi?" Tanong ni Mommy. "Why? He's not here pa?" Tanong ko. "Yes. Sabi ni Manang ay gising pa sya ng mga 12 am pero hindi naman daw umuwi ang kuya mo." Sabi ni Daddy. "I don't know. Masarap ang tulog ko kagabi." Sabi ko. "Why so early today?" Tanong ni Mommy. "Our group work is not done yet. Later na ang pasahan non." Sabi ko. Patuloy lang ako sa pagkain habang sinasagot ko sila. "Morning." Bati ni Ate Yuri. "Ohh, you're early today." Sabi nito habang nakangiti. "I'm doing stuffs in school." Sabi ko at tinapos na ang pagkain at tumayo na. "I'm done. Aalis na ako." Sabi ko at hindi na naghintay ng sagot sa kanila. - Jack's POV - Pagkagising na pagkagising ko ay parang napakabigat ng buong katawan ko. Sobrang hirap huminga at napakainit ng buong paligid ko. Tinanggal ko ang kumot na nakapulupot sa akin at pinilit tumayo. Pagkatayo ko ay parang naikot ang mundo ko. Sobrang nahihilo ako. Kung hindi ako nakahawak ngayon sa kabinet ay natumba na ako ngayon. Pinilit kong maglakad papunta sa baba hanggang sa makaupo ako sa lamesa. "Ohh, hijo. Anong nangyari sayo?" Tanong ni Manang sa akin. "May sakit ka ba?" Tanong nya sa akin at hinawakan ang noo ko. "Naku, nilalagnat ka. Sandali, ipagluluto kita ng lugaw para may makain ka bago ka uminom ng gamot." Sabi nya at umalis na. Makalipas amg ilang minuto ay bumalik sya na may dala nang lugaw na muhkang masarap at napakabango. Agad ko iyong kinain at wala paring pinagbago ang lugaw ni Manang. Parang yung lugaw parin na niluluto nya kapag may sakit kami. "Isa pa po." Sabi ko. Ngumiti naman ito sa akin. "Isa pa? Sige sandali lang." Sabi nito. Kinuha nito ang lagayan at bumalik na may lugaw nang dala. "Ohh, Paul? Ngayon ka lang?" Tanong ni Manang. "Good afternoon, manang." Nakangiting sabi ni Kuya. "Anong oras na. Bakit ngayon ka lang umuwi?" Sabi ni Manang. "May nangyari lang po." Sabi ni Kuya. Nang tignan ko ang kauuan nya ay doon ko nakita ang parang bakas ng pagkakatali sa pulsohan nya. "Anong nangyari sa kamay mo, kuya?" Tanong ko. Agad nyang ibinulsa ang mga kamay nya. "W-Wala to. Sige, akyat na ako." Sabi nito at umakyat na. Ako naman ay nagtaka dahil ito ang unang beses na umuwi sya ng ganito na kalate. As in hindi sya umuwi magdamag at kinabukasan na umuwi. "Parang may mali..." Mahina kong sabi. "Anong mali? Hindi ba masarap?" Tanong sa akin ni Manang. "H-Hindi po. Wala po." Sabi ko at ngumiti sa kanya. ________________________________ - Paul's POV - Hindi ko alam kung ilang oras na akong nasa kwarto. Ayokong lumabas dahil alam kong papagalitan ako nila Mommy. Gustuhin ko mang matulog ay hindi ko magawa dahil naaalala ko ang nangyari sa amin kagabi. Hindi ko alam pero bigla nalang akong naiiyak. Sobrang sakit pa din ng tyan ko dahil sa pagkasuntok at ng kamay at paa ko dahil sa pagkakatali ko. Para akong nakuling sa isang panaginip na hindi ko alam kung kailan ako magigising. "Paul, hijo. Bumaba ka na. Kakain na tayo ng hapunan." Sabi ni Manang galing sa labas ng kwarto ko. Agad naman akong tumayo at naghanda na sa pagbaba ko. Pagbaba ko ay nasa akin agad ang paningin nilang lahat. Dahan-dahan akong naupo at hindi ko pinansin ang mga taong nakatingin sa akin. Basta nalang akong naupo na parang walang nakatingin sa akin. Kumuha ako ng pagkain at kumain nalang ng hindi sila pinapansin. "Bakit hindi ka umuwi kagabi?" Tanong sa akin ni Mommy. Bakas nanaman ang pagiging istrikto nya. "Something happened last night." Sabi ko at nagpatuloy ulit sa pagkain. "What happened here?" Sabat ni Jack at kinuha ang kamay ko at itinaas ito kaya nakita doon ang bakas ng pagkakatali sa akin. "T-This is nothing." Sabi ko at agad na kinuha ang kamay ko sa kanya at itinago ito sa ilalim ng lamesa. "May nang-bu-blly ba sayo sa school?" Tanong ni Dad. Umiling namana ko. "Are you sure, kuya?" Tanong sa akin ni Jack. "Yeah..." Mahina kong sabi. Nagpatuloy na ako sa pagkain hanggang sa nauna na akong matapos sa kanila. "Tapos ka na?" Tanong ni Manang sa akin. Tumango ako at bahagyang ngumiti. Nagpatuloy na ako sa paglalakad at umakyat ng kwarto ko. Pagdating ko doon ay hindi ko alam kung hihiga ba ako kasi alam kong hindi din naman ako makakatulog. Naupo ako sa gil;id ng kama ko at tumingin sa kalangitan sa labas ng balkonahe ko. Hindi ko alam pero parang napakalungkot ng buong buhay ko ngayon. Sobrang lungkot. Ngayon ko lang to naramdaman sa buong buhay ko. ________________________________ Kinabukasan ay late na ako nagising. Medyo masama ang p[akiramdam ko pero hinayaan ko nalang dahil baka dala lang to ng hindi ko pagtulog kagabi. Ayoko kasing matulog dahil naaalala ko lang ang mga nangyari sa akin. Paggising ko ay naisipan kong bisitahin si Stella sa ospital. Sa tingin ko ay maayos na ito ngayon kaya pwede na itong makalabas ngayon sa ospital. Pagdating ko doon ay wala akong nakitang katawan nya o pasyente sa kwrto kung nasaan sya kahapon. "Miss." Lapit ko sa front desk. "Nasaan po yung pasyente sa kwarto ng 108?" Tanong ko. "Naku, tinakasan kami ng girlfriend mo." Sbi nito at napailing. "Nakapagbayad na po ba sya? Magkano po? Magbabayad ako." Sabi ko. May binigay itong papel sa akin at agad ko namang ginawa. Pagkatapos ay umalis ako ng ospital para umuwi na. Gustuhin ko mang hanapin si Stella, hindi ko din naman alam kung saan sya hahanapin. Pagdating ko sa bahay ay naroon sila Mommy at ang mga bisita nya. Agad akong pumunta sa kusina at uminom ng tubig. Pagkatapos ay naglakad ako papunta sa kwarto ko pero nahinto ako ng biglang nagsalita ang isang kumare ni Mommy. "Ohh, nandito pala ang inaanak ko." Biglang sabi ni Ninang Cecile. Wala akong nagawa kung hindi lumapit sa kanila at magmano sa ninang ko. Hindi ko sya napansin kanina dito. "Hello po, Ninang." Sabi ko at nagmano sa kanya. "Sandali. Mainit ka, hijo." Sabi nya at hinawakan ang noo ko. "Naku, muhkang mataas ito. Muhkang may lagnat ka, Paul." Sabi ni Ninang Cecile. "Uminom na po ako ng gamot. Ok lang ako." Sabi ko at bahagyang ngumiti sa kanila bago naglakad papunta sa kwarto ko. Pagdating ko doon ay agad akong nahiga dahil sobrang bigat ng katawan ko. ________________________________ - Stella's POV - Nang magising ako ay nasa ospital na ako. Habang dinadala ako ni Paul ay nakatulog ulit ako dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko pero sobrang sakit talaga. Hindi ko alam kung bakit ako natatakot. Wala akong pambayad kaya naisipan kong gawin ang isang bagay na alam ko namang walang kaposiblihang magawa ko sa laki at dami ng tao sa ospital na to. Pero gagawin ko parin. Tinanggal ko ang nakakabit sa pulsuhan ko at naglakad ako na parang pasyente na maglalakad lang sa labas ng ospital. Yung parang lalanghap lang ng sariwang hangin. Pagkatapos ay nakalabas di9n ako ng maayos at agad akong tumawag ng taxi. "Saan ka, miss?" Tanong sa akin ng driver. SInagot ko sya at agad naman nya akong hinatid sa bahay ko. Pagdating namin ay lumabas ako para kumuha ng pambayad at lumabas ulit para ibigay ang bayad ko. "Salamat po, kuya. Sorry sa abala." Sabi ko at bahagyang ngumiti sa kanya. Tinanguan lang ako nito at umalis na. Ako naman ay pumasok na nang bahay ko at nahiga na doon. Maliit lang ang bahay ko. May isang banyo at wala na akong kwarto dahil bakit pa? Ako lang naman mag-isa ang titira at wala naman akong kasama. - To Be Continued -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD