Ang bilis lang lumipas ang araw at ngayon nga ay isang linggo na ako dito sa trabaho ko. At dahil simula noong araw na napakain ko si sir van nang almusal ay ako na nga ang naka tukang magluto ng breakfast nila pero pag tanghalian at dinner ay sila manang laling na ang gagawa. Ewan, di ko rin alam kung bakit napapakain si sir van pag ako ang nagluluto.
Minsan ko na rin na nakita si sir van, at tama nga silang lahat, magana ngang kumakain si sir van pero di ko alam kung maniniwala ako sa kanila one hundred percent dahil di ko naman na kita si sir noon. Pero imposible naman na magsisinungaling silang lahat lalong lalo na si manang laling. Ah! Bahala nga sila. Atleast napapakain ko siya. bad kaya sa health pag di na lalagyan nang laman ang sikmura. Pero napapangiti naman ako pag inaalala ko yong pagsilip ko kay sir van sa dining area na kumakain ng almusa.
At nong friday nga ay dumating ang mga bisita nila ma'am rebecca at sir vince. Kaya subrang busy namin sa masyon. Grabe! Iba pala talaga pag mayayaman ang may bisita dahil parang fiesta ang dating. Subrang daming pagkain ang pinaluto sa amin ni ma'am. Tumulong panga siyang' magprepare, napaka down to earth talaga ni ma'am rebecca. parang gusto ko tuloy siyan' maging nanay.. hehehehe wag lang sanang magalit si sarah hahahaha... and yon nga naging busy kami at ang malala pa tatlong tao lang pala ang bisita nila. Kung makapag handa sila parang presidente ng pilipinas ang bisita e business partner lang naman nila. Samin biscuit lang at juice o softdrinks ang hihahain sa bisita tig-iisang biscuit lang sa isang tao, okay na okay na.
"Hoy! Ana....!"
"Ay! Mama sa akong mama, lola nako...!" ("Ay! Mama ng aking mama, lola ko...!")
Lang hiya.. na pasigaw ako ng wala sa oras nang may biglang sumigaw sa gilid ng aking tainga. Binalingan ko ito at tinignan ng masama. Si ella lang pala.
"Ano ka ba! Bakit ka nanggugulat dyan.") Singhal ko sa kanya. sakit kaya sa tainga yong ginawa niya. Lakas din ng trip nang babaing to e.
"Ano yong mama sa akong mama... ano ngayon?" Tanong nya
"Expression ko lang yon. ganon ako pag nabibigla kaya wag mo akong biglain. Ikaw talaga babae ka." Wika ko. Ngumiti lang ang walangyang babae sabay pisil ng mga pisngi ko na maykasamang panggigigil.
"Ang cute cute mo talaga..."
Umupo naman siya sa tabi ko at tinitigan ako ng taimtim na may ngiti sa labi. ang weird talaga ng babaing to.. sayang ang ganda nito dahil parang malapit ko na itong e hatid sa mental. nandito kasi ako ngayon sa laundry room. Yes! Laundry room, may sarili silang laundry room at makikita mo dito pag pasok mo may tatlong automatic washing machine sa kanan at sa kaliwa nito may sink at may gripo na rin. sa gitna naman ng room ay may mahabang mesa para doon ilalagay ang mga nalabhan ng damit para tupiin. tuyo na kasi yong mga damit pagkukuwanin mo na sa washing machine kasi may dryer na rin ito. Sa ibabaw naman ng mga washing machine ay may hanging cabinet para sa mga detergent, fabric conditioner, bleach at marami pang iba na hindi ko na alam kung ana ang pangalan.
At kasalukoyan akong nagtutupin ngayon ng matiwasay. Ay! Hindi na pala dahil may weird na sumira sa tahimik kong buhay.. hahahaha
"di nakakasawa yang beauty mo... kaya di na ako magtataka kung bakit siya inlove na inlove sayo."
Ha!!! Ano raw?!!! Inlove??? Sino???
Napa kunot naman ang noo ko sabay taas ng isa kong kilay. Ang weird talaga..
"Anong pinag sa sabi mo dyan... sinong inlove??"
Bigla naman siyang nataohan. ang kanyang ngiti kanina ay dahan dahang napalitan ng seryosyong pagmumukha. At parang na bigla pa sya sa sinabi niya.
"Ha!.. may sinabi ba ako?"
"Haaayyy! Ewan ko sayo babae ka. Sa isang linggo ko rito napapasin ko na parang dilikado ka na..." saad ko na may pangbibitin. Kita ko sa mukha niya na parang nagtataka siya sa sinabi ko at parang? Kinabahan? Bakit siya kakabahan? Weird again..
"A-anong i-ibig mong sabihin?" Uutal utal niyang tanong.
"Ang weird mo talaga... ang ibig kong sabihin malapit na kitang e hahatid sa mental.. ang weird mo kasi, sayang yang ganda mo."
"Iba yong weird sa baliw noh! Kahit spelling ibang iba hahahahaha" saad nya at tumawa ng pagkalakas lakas. na iiling na lamang ako at ipinagpatuloy na lang ang ginagawa ko.
'Weird at baliw na talaga siya.' sa isip ko. Naging normal naman siya ulit at tumulong na rin siya habang nakukwentuhan pa kami hanggang sa matapos namin ang pagtutupi.
------------------------
Nang bandang hapon ay tumulong na rin kami sa kusina para sa hapunan. Sa isang linggo ko dito sa mansyon ay marami rin akong na papansin at napupuna.
kagaya na lang kay sir van at ella talagang close sila. minsan nakikita ko silang magkausap at nagtatawanan, hindi naman ganoon ka saya si sir pag ibang katulong ang kausap niya lalo na sa akin. siguro tama nga ang hinala ng iba na may relasyon si sir at ella. Hindi ko na rin tinanong si ella about it dahil buhay nila yon. ang nakakapagtaka lang ay bakit parang may na fefeel akong lungkot sa sarili ko, hindi ko alam kung nasasaktan ako o ano. at hindi ko pweding maramdaman to sa taong may karelasyon na at sa kaibigan ko pa... yes! Naging matalik ko ring kaibingan si ella, bestfriend na nga siguro, para na nga kaming twin dahil hindi na kami mapaghiwalay, except na lang pag nandyan si sir van.
Gabi gabi rin hindi sumasabay sa dinner si sir van laging late na kung umuwi. Sila sir vince, ma'am rebecca at sir rain lang palaging nagsasabay pero masaya pa rin ang hapag kahit silang tatlo lang ang kumakain. subrang close ni sir rain sa mga magulang niya. at kahit naman siguro nandito si sir van ay ganoon din sila. minsan lang kasi nagsasalita si sir van pagtinatanong lang ng parents niya at kung matatagalan man siya sa pagsasalita at pagkukwento dahil yon sa negosyo ang topic nila.
"Hows school baby?"
Dinig kong tanong ni maam rebecca sa anak niya. isa ako sa nakatuka ngayon para pagsilbihan ang pamilya villamor.
"Mom!! Don't call me baby please. I'm not a baby anymore. Marunong na nga akong gumawa ng baby." Wika ni sir rain at naka pout pa ito. Wala rin itong prenong magsalita e... alam naman niyang naririnig namin sila.
tinignan lang naman siya ni maam rebecca na may matamis na ngiti sa mga labi bago nagsalita ulit. 'Ganda talaga'
"I don't care... for me you and your brother is still my baby. Kahit maging matandang uugud-ugod na kayo..." Sagot niya sabay baling sa asawa niyang seryosong kumakain.
"Di ba hon?"
"Yes, baby."
"See.... kahit ako baby pa rin ng daddy mo."
"Eewww.... ang tanda niyo na ni daddy mi---"
Sagot naman ni sir rain pero na putol ang pagsasalita niya ng ambaan siya ng suntok ng mama niya.
"Aba.. sira ulong batang to ah..."
"Hahahahahaha pikon ka talaga mi." Natatawang umilag naman si sir rain. Ang close talaga nila.
and speaking of closeness ay namimiss ko na naman ang pamilya ko lalong lalo na pag ganito na nasa hapagkainan kami. nagkukumustahan at minsan may kasamang harutan pa. ang kukulit kasi ng mga kapatid ko.
Palagi naman akong tumatawag sa kanila. binibilisan kong matapos ang trabaho ko sa gabi para matawagan ko sila gaya ng ipinangako ko kila mama.
"That's enough... rain, wag mong pinipikon mommy mo... baby, sit down properly." Awat na ni sir vince sa mag-ina niya.
Naka ngusong bumalik si maam sa upuan niya. Hehehehe ang cute ni maam para siyang bata na pinagsasabihan ng magulang. si sir rain naman ay tumatawa pa rin pero kumakain na ulit ito.
"Baby, stop pouting.. i might kiss you here in front of them." Sabi ulit ni sir at kita namin ang pag blush ni maam at napakagat labi pa ito kaya naman na bigla ako ng halikan talaga ni sir vince si maam.
Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niyon ni sir. tinignan ko ang mga kasama ko kung nakatingin ba sila kina sir at kung ano ang reaksyon nila. Katulad ko ay parang nabigla din sila at the same time kinikilig. Nakaka kilig naman kasi sila maam rebecca at sir vince parang mga teenager lang. Para kaming na nunuod lang nang movie kung saan pinapakilig ng mga actor ang mga manunuod..
"Why did you kiss me?" Na balik ang atinsyon ko kila maam. Kita kong nagulat din siya sa ginawa ng asawa niya.
"I told you stop pouting.. and stop biting your lips."
'Eeeeyyyyyyyy' sigaw sa isip ko...
ang sweet talaga nila kahit may edad na. sana makakahanap rin ako ng lalaking kagaya ni sir vince na tapat magmahal. Yong seryoso, at suplado pag ibang tao ang kaharap pero pag ako doon niya na ilalabas ang pagiging childish niya.. hehehehehe di ba nga sabi ko noon gusto ko ang mga bata pati na ang isip bata.
Naging matiwasay naman ang naging hapunan ng pamilya villamor. After kasi nang kilig moments nila sir vince at maam rebecca ay naging pormal na sila ulit. Marami pa silang pinagusap hanggang sa matapos na silang lahat. kaya naman pumalit na sila ella samin para linisin ang hapag. Kami naman ay pumunta na ng kusina para maghapunan. Binilisan ko na lang ang pagkain ko para na rin matapos ko na ang mga gawain ko ngayong gabi. Tatawagan ko pa sila mama at papa.
Si ate yan yan naman ay hindi pa nagagawi dito sa masyon simula noong inihatid niya ako dito. nagtetext naman kami minsan, busy raw kasi si lola kaya hindi siya makapag day off pero nag promise naman siya na e lilibot niya ako dito sa manila once na maluwag na ang schedule niya.
"Aahhh"
usal ko nang pabagsak na umupo sa bench. Isinandal ko ang likod ko sa sandigan ng upuan at agad na kinuha ang phone sa bulsa. Tatawagan ko na sila mama at papa. Di kasi pweding di sila tawagan gabi gabi dahil yon na lang daw ang oras na makakamusta nila ako at na mimiss na nila ako ng subra. Ako din naman, subrang namimiss ko na sila pero kailangan kong magtiis.
In-on ko na ang power ng phone at tsaka pinundot ko ang phonebook at hinanap ang numero ni mama. nagring naman kaagad yon at dalawang ring lang ay sinagot na agad sa kabilang linya.
"Hello! Ana?" Si mama
"Hi ma, mata pa sila papa?"
"Mata pa. Gatan-aw og probinsyano, unsa man imo buhat karon? Mana ka sa imong mga trabaho diha?" ("Gising pa. Nanunuod ng probinsyano, anong ginagawa mo ngayon dyan? Tapos kana ba sa mga trabaho mo dyan?")
Sasagutin ko na sana ang tanong ni mama pero na rinig ko siyang tinatawag ang atensyon nila papa at ng mga kapatid ko sa kabilang linya. Pinakinggan ko muna sila. Nang marinig ko na ang boses nila na siguro na sa akin na ang atensyon nila ay saka ko sinagot ang tanong ni mama.
"Ga tambay na pud ko sa akong tambayanan danhi while ga tawag sa inyo." ("Andito ulit ako sa tambayan ko while tumatawag sa inyo.")
"Nak, musta na diay ang imong pagpangita og skwelahan diha? Naa nakay na kit-an?" (Nak, kumusta na yong paghahanap mo ng skwelahan na papasukan mo? May nakita ka na ba?") Boses naman ni papa ang naririnig ko sa kabilang linya.
Oo nga pala noh! Nakalimutan kong e tanong kay sir vince kanina tungkol sa school na papasukan ko. Nagpromise kasi si sir vince na siya na ang bahala doon.
"Wala pa pa. Ang ingon ni sir vince sa ako siya na daw bahala sa skwelahan nga ako sudlan. Sa karon wala pa siya nag ingon kung unsa na ang status." ("Wala pa po pa. Ang sabi kasi ni sir vince sa akin ay siya na raw po ang bahala sa skwelahan na papasukan ko. Sa ngayon po, wala pa po siyang sinasabi kung ano na ang status.") Saad ko. Napaluha na naman ako dahil subrang miss ko na sila. Gabi-gabi na lang ganito pag naririnig ko na ang mga boses nila napapaluha na lang ako bigla. Ngayon lang kasi ako malayo sa kanila sa tanang buhay ko.
"Ah! Sige balita e mi pag unsa nay ingon sa imo sir ha." (" ah! Sige balitaan mo kami pag ano nang sabi sayo ng sir mo ha.") Sabi ni papa. May nahihimigan akong lungkot sa boses niya. siguro ay dahil tungkol na naman sa paglayo ko sakanila. Sabi niya kasi noong unang tawag ko sakanila ay dapat raw kasama nila ako. dapat mas di doble pa raw niya ang kanyang trabaho para di raw ako mapilitang magtrabaho sa malayo. Di ko naman kayang makita na siya naman ang mahihirapan dahil sa amin. Kaya pinaintindi ko sa kanya na responsibilidan ko rin sila bilang panganay sa amin magkakapatid. Na intindihan naman raw niya pero di lang niya maiwasang magsinte dahil subrang miss na raw nila ako.
Marami pa kaming napag usapan. pati yong mga kapatid ko nakausap ko rin. kinamusta ko sila sa kung ano-ano ba ang ginagawa nila habang wala pang pasok. Noon kasi every summer ay pinapaenroll kami ni papa sa mga martial arts. Si lovi at ako ay taekwondo ang kinuha pero kay jun-jun ay taekwondo, kung fu at judo.
Ngayon raw tinutulungan nila si mama gumawa ng mga kakanin. marami raw ang umoorder ngayon kay mama ng kakanin. Ayaw ko sanang gawin yon ni mama dahil mapapagod lang siya. pero mapilit talaga si sarah ayaw paawat. kaya hinayaan ko na basta nandyan si lovi at jun-jun tutulong sa kanya. mahirap na baka mapano pa siya. minsan na namin siya na dala ng hospital noon dahil bigla na lang siyang nahimatay.
Tinapos ko na ang tawag at nag-scroll sa cellphone ng mga kanta sa playlist ko. Habang nagsu-scroll ay bigla na lang may pumulupot na mga braso sa bewang ko mula sa likuran at ang baba nito ay e pinatong sa ginta ng balikat at liig ko. Nanigas ang katawan ko dahil sa nangyari. first time na may ganito kalapit na tao sa akin. kahit si denzo di pa nagawa ang ganito sa akin, siya pa lang.
'May gosh!!! Babaliin ko na ba mga kamay ng mapangahas na taong to?' Sa isip ko
Sa amoy pa lang niya alam ko na kung sino siya. napagkakamalan na naman ba niya akong si ella? nang maalala ko si ella ay hahawakan ko na sana ang kamay niya para e kalas pero...
"Please... stay still.." saad niya
bigla naman akong napahinto sa akma kong pag kuha sa kamay niya. weird mang isipin pero parang musika sa tainga ko ang boses niya at nagtataasan ang mga balahibo ko sa liig dahil sa init ng hininga niya. naaamoy ko rin ang alak sa bibig niya pero di naman masakit sa ilong dahil nahahaluan pa rin ng mabangong mint chewing gum. ang bango pa rin ng hininga nang lalaking to kahit amoy alak. 'ano kaya ang feeling pag nahahalikan niya.' Sa isip ko pero na balik sa kanya ang atensyon ko ng magsalita siya ulit.
"I really miss you baby... i really miss hugging you like this."
"Si-sir. Lasing po kaayo. Napagkakamalan mo na naman po akong si e----."
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla na lang niya akong hinalikan sa pisngi at iniwan akong naka tulala.
anong nangyari???? bakit niya ako hinalikan???? Si ella na naman ba ang akala niya sa akin???