Kinabukasan maaga akong nagising. Nasanay na kasi ang katawan kong gumising ng maaga. 4am palang kaya kinuha ko na ang uniform kong sosyal sa ganda kahit pang katulong at ang underware ko. I just do my morning routine at ang nakakamangha ay may water heater pa sila. Grabe kahit katulong lang kami ay parang feeling ko hindi kami empleyado sa trato nila sa amin. Ang swerte ng mga kasambahay nila dahil binibigyan nila ng importansya.
Nang matapos ay nagsuklay lamang ako at tinanaw ang sarili sa salamin.
'my god! Para akong model sa uniform ko.'
Saad ko sa sarili.
saktong sakto lang kasi ito sa kurba ng katawan ko. Isang sulyap ulit sa salamin at tumalikod na ako para lumabas na sana ng kwarto pero sinulyapan ko muna si ella. nagdadalawang isip ako kung gigisingin ko siya o hindi pero sa huli ay napagpasyahan ko na lang na lumabas na at hayaan na lang munang maka pagpahinga siya. Baka di pa maganda ang pakiramdam niya.
Tinatahak ko na ang kusina ng mapatingin ako sa bandang kanan papunta sa may pool. Kita dito sa kinatatayuan ko ang pool side bago ka paman maka pasok sa kusina. Pakiramdam ko may taong naka upo sa bench na iniupuan ko kagabi. Ipinagkibit balikat ko na lang at tumuloy na sa pagpasok. Kailangan ko ng magtrabaho.
Kasalukuyan akong nagghihiwa ng mga gulay para sa gagawin kong ulam. E gigisa ko 'to tapos magpriprito na rin ako ng ham, bacon at isda. Dapat hindi lahat ng ulam sa umaga process food lahat. Nakasaing na rin ako kanina bago ako naghanda para sa ulam.
Natapos ko na ang ginisang gulay at ang pritong isda. Ang ham at bacon na lang ang kulang. Habang nag priprito ay naka rinig ako ng pagtikhim sa likuran ko kaya binalingan ko ito sandali. Bigla na lang akong napa froze saglit dahil sa anghel na nasa harap ko ngayon. Angel nga ba o greek gods? Ang gwapo naman kasi dai!
"Staring is rude young lady."
"H-huh? Aww..." nabalik ako sa aking wisyo ng matalsikan ako ng mantika.
Tinignan ko ulit ang lalaking kaharap ko na sapagkakatanda ko siya si sir van. Matalim niya akong tinitigan na para bang may gusto siyang sabihin.
"May kailangan po ba kayo sir?" Tanong ko
"Good morning po pala sa inyo!" Sabay ngiti ng alanganin sa kanya.
Naging blangko naman ang ekspresyon ng mukha niya ngayon. At nakaka gigil parang gusto ko siyang kagatin dahil sa kagwapohan niya. Kung ano ano na lang ang iniisip ko nanghahalay na ang utak ko ngayon dahil sa kanya. May pinagmanahan naman kasi kahit masungit at walang ka ngiti ngiti ang mukha niya. Ang unfair naman talaga.
"Nothing." Saad niya at bigla na naman akong iniwan.
Ano ba talagang nangyayari don? Ganon ba siya? Kagabi lang tinakasan niya kami bigla ni nanet at ngayon naman ganon din ang inakto niya. Wala naman akong sakit na nakakawa.
'Ay... ewan bahala siya sa buhay niya.'
Napabuga na lang ako ng hangin at pinag patuloy ang ginagawa ko.
Malapit na rin akong matapos ng dumating sila manang laling, rose at ella.
"Wow! Ang aga mo ana ha!" Wika ni rose
"Bakit di mo ako ginising para may katulong ka sa paghahanda." Si ella
"Sorry... hindi na kita ginising kanina para magkapagpahinga ka ng mabuti. Di ba sabi mo kahapon hindi maganda pakiramdam mo. Ok ka na ba ngayon?"
"Oo ok na ako... salamat sa concern."
"Sa susunod gisingin mo ako ha. Para naman may kasama ka." Habol niya at napa nguso na lang.
"Ang aga mo naman hija. Ikaw ba nag luto nito lahat." Saad ni manang laling
"Opo manang, sorry kung pinakialaman ko na ang kusina. Nakasanayan ko na kasing maagang gumising kaya naghanda na lang ako ng agahan." Tugon ko napakamot pa ako sa batok ko dahil sa hiyang ginawa ko. Dapat pala sinabihan ko na siya kagabi para di sila mabigla.
"Okey lang yon hija pero mas okey sana kung may kasama ka para di ka mahihirapan mag-isa." Lumapit ito sa mesa kung saan ko nilagay ang mga niluluto ko ganon na rin sila rose at ella.
"Wow! Mukhang masarap ang gulay na niluto mo ana. Mukhang nasa restaurant lang. May pritong isda pa." Saad ni rose at inamoy pa niya ito.
"Hhmmm.... ang bango pa. Siguradong masusupresa sila ma'am at sir nito."
Ni-off ko na ang stove at bumaling kay rose.
"Bakit naman? Ayaw ba nila ng ganyan sa breakfast?" Kinakabahan kong tanong. Naku lagot ka talaga ana baka isang araw ka lang talsik na kaagad.
"Hindi naman... nasanay lang kasi sila na hotdog, bacon, ham at egg lage ang handa minsan din kasi nag kakape lang sila lalong-lalo na si van." Si ella na ang sumagot sa tanong ko.
Napa 'oh' naman ako at tika tama ba ang nadinig ko van lang ang tawag niya walang sir? Siguro tama nga ang sabi sa akin ni nanet kagabi na baka may relasyon si ella at sir van, frist name bases ba naman.
Napatango na lamang ako sa sinabi niya. Sila rose na ang nag set ng dining. Hindi na nila ako pinapatulong dahil ako naman daw na ang nagluto.
Katulad kagabi ay may magaabang sa dining para sa mga kakailanganin ng pamilya. Sila mayet at ella ngayon ang nakatuka. Si manang laling naman ay nandoon rin. yon na kasi ang isa sa trabaho niya dito.
Habang nag kakape ay kinakabahan naman ako dahil baka hindi nila magustohan ang niluto ko. Napabuga na lang ako ng malalim na hininga.
"Oh! Ang lalim noon ana ha... may problema ka ba?" Saad ni mayet
Napakamot naman ako sa noo ko. Nakalimotan kong may kasama pala ako dito sa kusina. Kumakain na rin kasi kami ngayon. pagkatapos naming kumain, kami naman ang magliligpit ng pinagkainan nila sa dining habang yong nakatuka doon sa dining ay tsaka na kakain.
"Ah..... eh.... kinakabahan kasi ako baka hindi nila magustuhan ang niluto ko." Nahihiya kong saad sa kanila.
"Naku! Ana, sigurado akong nagustohan nila yon. Dahil kung hindi naman magpapaluto ulit yon ng ibang ulam." Tugon ni nanet
"Wag kangang mag-alala jan... ang sarap kaya ng luto mo parang feeling ko nga talagang nasa restaurant ako kumakain. Yong pritong isda mo, da best lalo na yong gulay, masarap na masustansya pa." Mahabang saad ni rose
"Oo nga ana. Tama si rose ang sarap nga ng luto mo. Busog na busog pa nga ako. Nag aral kaba sa pagluluto?" Sigunda naman ni kuya noel
Nang matapos kumain ay hindi rin nagtagal ang paghihintay namin ng pumasok sa loob sila ella at nanet. Kaya tumayo na rin ako para lumabas ng kusina pero sinalubong ako ni nanet at ang lawak ng ngiti niya papalapit sa akin. Anong nangyari sa babaing to? Nagtataka ko naman siyang tinignan.
"Ana! Grabe ang swerte mo talaga..."
"Huh???"
"Anong nangyari sayo nanet para kang naka kita ng crush mo. Ano nginingiti ngiti mo jan?" Tanong ni kuya noel
"Naku kuya! Magugulat ka."
"At bakit naman ako magugulat?"
"Kasi ang boss mo ang daming nakain." Saad ni nanet sa kanya at ang laki talaga ng pagkakangiti niya
"Wow!!! Talaga!!!?? Sana sinabi mo sa akin para ma videohan ko." Saad naman ni kuya pati rin siya ay ang laki na ng ngiti niya at gulat sa narinig.
Anong nakakagulat doon? Nagtatakang tinignan ko silang dalawa palipat lipat ang tingin ko sa kanila. Binalingan ko naman si ella at naka ngiti rin ito.
"Oh.... diba ana sabi ko sayo magugustohan nila ang luto mo." Apila ni rose
"Ano bang nakakagulat don?" Tanong ko
"Ay naku, ana... para sakaalaman mo, hindi kumakain si sir ng agahan. Nagkakape lang yon habang nagbabasa ng dyaryo." Tugon naman ni mayet
"Oo nga..." sigunda naman ni nanet
"So, ano naman kung kumain siya ngayon?"
"Hay! Naku..." saad ni kuya noel. Lumapit siya sa akin at inakbayan ako bago magsalita ulit
"ang ibig lang sabihin noon masarap ka talagang magluto at isa kang grasya dahil napakain mo si sir van ng almusal. Sa tagal ko rito ngayon ko lang nakita o narinig na kumain si sir. Minsan nga kahit pag inom ng kape hindi na magawa dahil abala sa trabaho. Masyadong seryoso sa buhay ang batang yon." Mahabang litanya ni kuya
Napalingon naman ako kay manang laling ng lumapit rin ito at hinawakan ang kamay ko.
"Salamat sa pagdating mo iha. Isa kang hulog ng langit para sa amin. Masaya rin akong makita na kumakain na si van ng almusal. At sigurado akong mas masaya sila sir vince at ma'am rebecca sa nangyayari." Litanya din ni manang laling
Parang feeling ko ang pula pula na ng mukha ko. Masaya ako sa naging reaksyon nila. Di ko akalain na magugustuhan din pala ng mga mayayaman ang mga pagkaing lutong bahay.
"Ay... maraming salamat din po sa papuri. Nakakataba po ng puso ang mga sinabi ninyo." Saad ko
"Sigurado akong maraming lala---"
"Noel! Lets go!..." naputol ang sasabihin sana ni kuya noel ng marinig namin ang isang malakas at parang nagbabantang boses ni sir van.
Tumingin ako sa gawi niya at ganon na lang ang kaba ko ng magtagpo ang mga mata namin. Kay riin ng pagkakatitig niya at parang tagos hanggang kaluluwa. 'Ano na naman kaya ang problema niya?'. Wala sana akong balak bumitaw sa titigan namin pero na agaw ng katabi ko ang attention ko ng magsalita ito.
"Grabe maka titig parang aagawan." Bulong ni kuya noel, sapat lang na marinig ko. Napatingin ako sa kanya at magtatanong sana kung sino ang tinutukoy niya pero...
"Aalis na ba tayo sir?.."
Bumitaw si kuya noel sa pagkaakbay niya sa akin at dali daling sumunod sa boss niya. Napatingin din ako kay ella dahil baka ano pa ang isipin niya sa pagtitig ko kay sir van, pero na sa pagkain lang ang atensyon niya. 'Nag away ba sila?' Haaaayyysss... bakit ko ba sila pinoproblema... bahala nga sila sa buhay nila..
Natapos rin ang unang araw ko at sa wakas na kaya kong hindi isipin si denzo sa mga oras na nag daan. Ang dami rin kasing dapat gawin sa mansyon at kailangan kong isa isip lahat para maiwasan ang pagkakamali. Napakasaya nilang kasama parang naglalaro lamang kami habang ginagawa ang mga nakatuka sa aming trabaho. Tinuruan ako nila mayet at rose kanina kung paano ang tamang pag aalaga ng mga halaman sa harden yon kasi ang isa sa trabaho nila dito at ang saya ko dahil marami akong natutunan sa kanila. Tumulong rin ako kina ella at nanet sa laundry. Ginawa kong productive ang araw ko para maiwasan kong isipin si denzo, mahirap na baka magkamali ako at masisanti ng wala sa oras. Paano na lang ang future ko maging isang magaling at mapagmahal na guro. Yon nga lang pagkatapos kong maligo at magready para sa pagtulog e hindi pa rin ako dalawin ng antok. Ang dami ko na ngang ginawa buong araw pinagod ko ng husto ang sarili ko para pag dating ng gabi bagsak agad. Pero kay ilap pa rin sa akin ang antok. Kaya naisipan ko na lang tumambay ulit sa pool para mag pahangin at mag star gazing ulit katulad ng ginawa ko kagabi.
Dito ko pa rin na piling pumwesto sa bench malapit sa pool. Medyo madilim kasi rito at kita mo talaga ang mga stars na kumikinang kinang sa ilalim ng buwan. Kinuha ko na ang phone at headset ko sa bulsa. As usual ni-click ko ang music app at pumili ng magandang kanta. Na miss ko tuloy ang gitara ko mas maganda sana kung gitara ang gamit ko sa pagtugtug. 'Dibale... bibili ako pag naka ipon ipon na ako galing sa sweldo ko.' Na pili ko naman ngayon ang 1251 by krissy and ericka.
"12:51"
Scrolling through my cellphone for the 20th time today
Reading that text you sent me again
Though I memorized it anyway
Sinasabayan ko ang kanta at sakto lang ang tinig ng boses ko. Isang tinga ko lang kasi ang nilagyan ko para masabayan ko ang kanta. Mahirap na baka mabulabog ko ang dapat hindi mabulabog.
It was an afternoon in December
When it reminded you of the day
When we bumped into each other
But you didn't say hi 'cause I looked away
Napasandal ako sa sandalan ng bench at tumingala sa langit. Kay sarap nilang pagmasdan nakaka relax sa pakiramdam. Tinaas ko naman ang isa kong kamay na parang inaabot ko ang bituin.
And maybe that was the biggest mistake of my life
And maybe I haven't moved on since that night
'Cause it's 12:51 and I thought my feelings were gone
But I'm lying on my bed thinking of you again
And the moon shines so bright but I gotta dry these tears tonight
Cause you're moving on and I'm not that strong to hold on any longer
Oh oh oh oh oh oh oh oh oh oh oh...
And I saw you with her
Didn't think you'd find another
And my world just seemed to crash
Shouldn't have thought that this would last
And maybe that was the biggest mistake of my life
And maybe I haven't moved on since that night
'Cause it's 12:51 and I thought my feelings were gone
But I'm lying on my bed thinking of you again
And the moon shines so bright but I gotta dry these tears tonight
Cause you're moving on and I'm not that strong to hold on any longer
As the sky outside gets brighter
And my eyes begin to tire
I'm slowly drowning in memories of him
And I know it shouldn't matter
As my heart begins to shatter
I'm left to wonder
Just how it should have been, yeah
12:51 and I thought my feelings were gone
But I'm lying on my bed
I'm not thinking of you again
And the moon shines so bright but I gotta dry these tears tonight
Cause you're moving on and I'm not that strong to hold on
Cause I'll prove you wrong that I can move on through this song
So much stronger
Oh oh oh oh...
Naalala ko bigla si denzo. Ano na kaya ang nangyari sa isang yon? E tinuloy kaya nila ang dapat sana mangyari nong araw na yon? 'Bwesit siya akala ko hindi siya nadadala sa
mga pang aakit ng mananangal na yon.' Baka matagal na nila akong niluluko dahil palagi silang magkasama sa mga practice. Isang cheerleader kasi ang mananangal na yon at team captain naman si denzo kaya palagi silang magkasama at na iinis ako dahil alam ni denzo na may gusto ang uwak na yon sakanya pero hinahayaan lang nya ang babaing yon. At ang nakakainis hindi nya ako na gawang tawagan o hanapin ulit. Wala na akong balita sa kanya galing ky lovi. Hindi ko alam kung pinuntahan niya ba ako ulit sa bahay. Pero ang nakakapagtaka ay hindi ako gaanong nasasaktan sa hiwalayan namin. Sa nakikita ko kasi sa tv ay nagiging baliw na ang iba. Wala ng ganang mabuhay sa mundo at ang iba naman ay nagagawa ng pumatay dahil sa pagmamahal. 'E ano tong nararamdaman ko?' Bakit hindi ako natulad ng iba? Hindi ba malalim ang pagmamahal ko kay denzo o minahal ko ba talaga siya at siya sa akin?