Chapter 6

2524 Words
Nagising ako ng mag alarm ang aking phone. Nang imulat ko ang aking mata ay bigla na lang akong napabalikwas ng bangon. Hindi ako familiar sa kwarto at ang ganda nito kumpara sa kwarto ko. Hindi pa nag si-sink in sa utak ko kung bakit nasa ibang kwarto ako na gising. Bigla namang bumukas ang pinto at iniluwa si ella kaya napabuntong hininga ako ng ma alala na nasa manila na nga pala ako. Ngumiti ako sa kanya habang siya naman ay papalapit sa kanyang kama. "Hi! Sorry.... nagising ba kita?" Alanganin niyang tanong sabay ngiti sa'kin. "Hindi naman... gising na ako bago kapa pumasok... na bigla lang ako pagkagising ko iba na ang kwarto ko... nakalimotan ko sandali na nandito na pala ako sa manila.. hehehehe..." saad ko tumawa naman siya at nilapitan ako. "Hahahaha naninibago ka... ito pala ang uniform mo." Inabot nya sa'kin ang tatlong set ng uniform. Tinanggap ko na rin ito at napa tingin ako sa kanya. ang ganda ni ella parang hindi siya mukang katulong. Nahiya naman ako sa mdyo puti kong balat. Mas maputi kasi siya kung ipagtatabi kami. Pero siguro magkakapareho lang kami ng kulay ng balat kong magtatagal ako dito dahil hindi na siguro ako ma aarawan palagi. "Ang ganda mo... parang hindi ka katulong." Wala sa sarili kong wika.. parang bigla naman siyang na tigilan sa sinabi ko at ng mataohan ay tumawa siya ng pilit. "Hahahaha... ikaw talaga! pala biro ka rin pala.. gusto kita, mukhang magkakasundo tayo." "Ah... hehehehe hindi ako nag bibiro maganda ka talaga. Ang kutis mo ang kinis parang alagang alaga.. ano secret mo? Baka gumanda rin ako." Saad ko totoo naman talaga maganda at makinis sya. "Ang ganda mo rin kaya... hayyyssss..... tama na nga bolahan gusto mo bang lumabas o magpapahinga ka pa? Bukas ka pa magsisimula diba?" " ay! Oo bukas pa daw. Lalabas ka na rin ba? Sasabay na lang ako sayo. Teka maghihilamos lang ako." Dali dali naman akong bumangon at pumunta sa banyo para maka paghilamos at nag toothbrush na rin para naman fresh breath hehehehe. Lumabas na rin ako ng matapos at na abotan ko si ella na busy sa phone nya. Ng lingonin nya ako ay itinago na niya ang phone sa mesa na nakapagitan sa aming mga kama. "Ok ka na.. Labas na tayo?" "Hhhmmm" tugon ko na lang sabay tango ko sa kanya. ------- Mula sa labas ng kusina ay naririnig ko na mula rito ang ingay. Parang nagtatawanan pa sila. "Ganito na dito. Kapag naghahanda na ng pananghalian at haponan ay ang iingay ng mga kasama natin. Minsan tumatambay din si lola pag nandito siya sa mansyon. Naaaliw kasi siya sa mga kwentohan at biroan nila."biglang saad ni ella sa akin. "Okey lang ba kila ma'am rebecca at sir vince? Hindi ba sila na iingayan?" Tanong ko "Okey lang naman sa kanila. Nasanay na rin sila at masaya sila na nakikita nila ang mga trabahador nila dito na nagkakaisa. Walang lamangan kungbaga." Sagot nya at nginitian ako. Ang ganda talaga niya. Nang makapasok kami sa kusina ay laking gulat ko na ang rami pala nila. Nahiya naman ako dahil hindi ko pa kilala ang iba sa kanila. May malaking lamesa sa gitna at napansin ko, na ang iba ay busy na sa pag tatadtad ng mga gulay at karne ang iba naman ay nag babalat na ng mga sibuyas at garlic. May nakatayo lang at may naghuhugas ng mga gagamitin siguro sa pagluluto. Ang saya naman nila parang fiesta lang. Nakita ko naman si ate yanyan malapit sa sink na tumatawa dahil sa joke ng isa sa kasama nila. Nang mapansin niya kami ni ella ay kinawayan niya ako. "Ana!.. nandito na pala sila ana at ella." Tawag ni ate yanyan "Ay! Para talaga kayong magkapatid." saad ni nanet "Oo nga.... ang gaganda nyong dalawa baka pag dumikit ako sa inyo magmumukha akong katulong." Sagot naman ni rose "Eh... katulong ka naman talaga rose ah!" Wika ng lalaking may edad na. At nagtawanan silang lahat dahil sa sinabi noong lalaki. "Yong una kay ella lang kami insecure. Ngayon dinagdagan pa ni ana. Paano na lang kami nito? Di na talaga kami mapapansin ng mga crush namin." Saad ni mayet may pa pout pout pa siya "Oo nga!... paano na lang si xian mylabs ko. Baka makita niya si ana malilimotan na niya ako. Huhuhuhu" segunda naman ni rose "Kayong dalawa!" tawag pansin sa amin ni nanet pointing one finger on us. "E share nyo nga sa amin kung paano maging maganda dahil baka tumalab din yan sa amin. Baka mapansin na ako ni sir van." Wika ni nanet Mga anak ba nila ma'am rebecca ang tinutukoy nila? Ano daw ulit name noon? Naalala ko kasi na dalawa daw ang anak nila ma'am rebecca at sir vince puro mga lalaki daw. Hindi ko sila na kita kanina dahil busy daw sa company yong panganay at yong bunso naman may klase pa. Lumapit na rin ako kay ate yanyan at tumabi sa kanya. "Ay! Ewan ko sa inyo." Naiiling na saad ni ella sa mga ito at umupo sa tabi ni mayet na nagbabalat ng sibuyas "May maitutulong po ba ako?" Singit tanong ko kay manang laling ang mayordoma dito sa mansyon. Nilingon niya ako "Nako ana... hayaan muna sila dyan. Umupo ka na lang muna. Bukas ka pa naman magsisimula." Sagot niya "Ikaw na ba si ana? Yong pinsan mo yanyan?" Tanong noong lalaking may edad na at binalingan si ate yanyan. "Ay! Oo manong robin. Si ana po pala pinsan ko. Ana, siya si manong robin driver ni sir vince at ma'am rebecca ." Pakilala ni ate "Hi po!" "Siya naman si noel driver ni sir vandiel." Pakilala namna ni ate sa lalaking katabi ni mayet. Mukang kaedaran lang ni ate yanyan "Hi po!" Bati ko rin sa kanya "Siya naman si mayet--" "Nagkakakilala na kami kanina ate yanyan napadaan ako kanina sa quarters sakto naman na umalis kana at sya naman ay papasok na sana sa loob kaya pinakilala ko na sarili ko." Mahabang saad ni mayet Tumango lang ako kay ate yanyan bilang pagsangayon sa sinabi ni mayet. Muntik pa akong mapatakbo kanina ng bigla na lang siyang magsalita sa likod ko. Akala ko multo na. Takot pa naman ako sa multo lalo na sa mga taong buhay na hanlang ang mga bituka. Marami pa silang napagkwentuhan at asaran may mga tanong rin sila tungkol sa akin at sa pamilya ko. Ang saya nilang kasama no dull moments nakalimotan ko sandali ang mga alalahanin ko at pangungulila ko sa pamilya ko. Mukang madali lang akong makaka move on kay denzo dahil sa kanila. Hindi mo kasi mamamalayan ang oras mabibigla ka na lang gabi na pala. Kumain na rin ako kasama sila ate yanyan, mayet at ella. Sila nanet at rose naman ang nakatuka daw ngayon para pagsilbihan ang mga villamor. Si ate yanyan ay dapat sana kasama sa kanilang kumain dahil kay lola pero ng e sabay ako ni ate ay tumanggi ako. Nakakahiya naman kasi kabagobago ko pa lang rito pero sa dining area ako kakain kasama sila kaya ang nangyari siya ang sumama sa akin sa kusina sinabihan na lamang niya si lola na sasamahan niya ako sa kusina para sulitin ang pagsasama namin dahil matatagalan pa raw bago sila maka dalaw dito. Marami din daw kasing negosyo si lola na kailangan puntahan. Nang matapos kaming kumain ay nag presenta na akong maghugas ng mga ginamit namin. Hindi naman na umalma si manang laling at hinayaan ako sa gusto ko. Nauna na rin si ella sa quarters namin dahil masakit daw ang ulo niya. Habang naghuhugas ako ng plato ay na istatwa ako sa kinatatayuan ko ng may brasong pumulupot sa liig ko. Napahinto ako sa ginagawa ko at balak ko sanang baliin ang braso niya at ibalibag siya sa sahig kahit papaano ay may alam ako sa martial arts. Noong high school kasi ako ay pinaenroll ako ni papa every summer sa martial arts school para may panlaban ako sa mga gustong bumastos sa akin. Bigla naman siyang nagsalita. "How's your day?" Isang baritonong tinig ang narinig ko at nalalanghap ko rin ang mabango niya perfume na sigurado akong mamahalin. Nalanghap ko rin ang mabango niyang hininga.'s**t! Sino ba to? Bakit niya ako kinakamusta? Kilala ba niya ako?' Haharapin ko na sana siya ng may nagsalita. "Ay! Goodevening sir van si ella po ba hinahanap nyo?" Tanong ni nanet na alam kong nasa likod namin ngayon dahil doon ko na rinig ang boses niya Dahan dahan namang ikinalas ng lalaking tinatawag ni nanet na sir van ang braso niya mula sa liig ko. Napalunok muna ako ng laway bago dahan dahan ring humarap sa kanila. "What do you mean?... you mean she is not ella?" Tanong niya at binalingan ako. biglang lumaki ang mga mata niya ng makita ako ng harapan. Parang naka kita siya ng multo. 'Multo ba ako?' Ako naman ay napa titig sa gwapo niyang mukha. Kung gwapo si denzo pero mas gwapo si mark pero mas gwapo itong kaharap ko ngayon. Lamang siya ng sampong paligo kay sa sa kanila. 'Shit.... ano batong inisip ko?' "Holy s**t!" Mahinang mura niya pero dinig ko pa rin "Are you for real?" Tanong niya Ha? Ano daw??? Ano bang akala niya sa akin made in china para di ako totoo?... ngumiti na lang ako at magalang na binati siya. "Good evening po sir van! Ako po si ana pinsan po ako ni ate yanyan." Pakilala ko sa kanya at pinakita ang killer smile ko. Syempre para naman maganda ako sa paningin niya.. ay earse.... erase.... 'landi lang gurl kahit kagagaling mulang sa heartbreak.' Siya naman ay biglang umalis at iniwan kaming nagtataka sa reaksyon niya. Anong nangyari doon? Bad siya ha! Hindi man lang nagpakilala sa akin. Nilayasan nya ang beauty ko. My gash! "Anong nangyari don?" Tanong sa akin ni nanet nagkibit balikat na lang ako at pinagpatuloy ko na lang ang paghuhugas para makapagpahinga na rin. Umalis na rin kasi sila ate yanyan at lola. Si paul pala ay ang personal driver ni lola. "Napagkamalan ka ni sir na si ella. Klose kasi silang dalawa kaya nga minsan na iingit na kami sa klosenis nilang dalawa. Mukhangang sila na e. Di lang nila pinapahalata pero peling ko sila na." Pagpapatuloy ni nanet tumabi na siya at napasandal sa gilid ng sink Natapos ko na ang paghuhugas at pinunasan ko na ang kamay ko sa malinis na basahan at hinarap siya. "Siya ba ang panganay na anak nila sir at maam o siya yong bunso?" Tanong ko na sa kanya. Marites din eh.. "Siya yong panganay si sir vandiel." Sagot niya napapangiti pa siya na parang kinikilig "Ang gwapo niya noh! Ang swerte mo... kahit napagkamalan kang si ella. Pag ako na pag kamalan ni sir at ginawa niya rin sa akin yon ay.... parang nanalo na rin ako ng lotto." Baliw na siya. May payakap yakap pa siyang nalalaman e.. Ano ang swerte don e sinakal ako. Na una na akong bumalik sa quarters dahil may aasikasohin pa raw siya. Sinisugurado nila na walang maiiwan na mga gamit na hindi dapat naka plug 24 hours. Pagpasok ko sa kwarto ay na datnan ko si ella na naka talukbo na ng kumot. Masama nga siguro pakiramdam niya. Lumapit na ako sa kabenit at kumuha ng pantulog at tuwalya. Pumasok ako sa banyo at nag half bath lang. Kaliligo ko lang kasi kaninang hapon at hindi naman ako naglilikot kanina sa kusina. Matapos kong maghalf bath at makapagbihis ay humiga na ako sa kama at kinalikot ang phone kung may mga text ba galing ki'la mama o lovi at tama nga ako may text si lovi at ni-replayan ko lang at pag katapos ay ibinaba ko na sa bed side table. Pinikit ko na ang mga mata ko at ilang minuto na ang naka lipas pero di pa rin ako inaantok. Nagpabalingbaling na ako sa kama pero di pa rin. Tinignan ko ang orasan sa taas ng pinto namin dito sa kwarto at nakita kong 9pm pa lang ang aga pa pala at siguro kaya rin di ako maka tulog dahil na tulog ako kaninang hapon. Kaya na isipan ko na lang lumabas at magtungo sa pool. Kinuha ko ang cellphone ko at ang headset. Sabi kasi ni ella kanina ay pwede daw kaming mag tambay doon basta wala ng trabaho. At parang ang ganda ngang tambayan doon lalo na siguro ngayon dahil kita mo ang mga bituin sa langit. Nang makarating ako ay pinili ko ang bench na malapit sa pool at kitang kita ang mga bituin sa langit at tama nga ako ang gandang pag masdan. Magandang magstar gazing dito. Umupo na ako at inilabas ko sa bulsa ang phone at ang headset. Ikinabit ko ang headset sa pansakan ng phone at inilagay sa dalawa kong tenga. Hinanap ko ang music app ko at pumili ng magandang kanta. Pinili ko ang 'you've made me stronger by regine velasquez'. At sinasabayan ko ang kanta habang nakatingala sa langit. Is it hard to believe I'm okay? After all, it's been a while since you walked away I'm way past crying over you finding someone new You turned my days into nights (days into nights) But now I see the light And this maybe a big surprise to you (this maybe a big surprise to you) But you've made me stronger by breaking my heart You ended my life and made a better one start You've taught me everything From falling in love, to letting go of a lie Yes, you've made me stronger, baby By saying goodbye If you rather believe I'm not over you Go ahead, there's nothing wrong with making believe I know 'cause I used to pretend you'd come back to me But time has been such a friend (been such a friend) Brought me to my senses again And I have you to thank (I have you to thank) For setting me free (for setting me free) 'Cause you've made me stronger by breaking my heart You ended my life and made a better one start You've taught me everything From falling in love, to letting go of a lie Yes, you've made me stronger, baby By saying goodbye Think again Don't feel so sorry for me, my friend Oh, don't you know I'm not the one who lose at end? (I'm not the one) 'Cause you've made me stronger by breaking my heart You ended my life and made a better one start You've taught me everything From falling in love, to letting go of a lie Yes, you've made me stronger, baby By saying You've made me stronger by breaking my heart You ended my life and made a better one start You've taught me everything From falling in love, to letting go of a lie Yes, you've made me stronger, baby By saying goodbye, goodbye You've made me stronger, baby By saying goodbye Di ko namalayan na umaagos na pala ang luha sa mga mata ko. Ang sakit pa rin pala pag naaalala mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD