Rolyn POV HINDI TALAGA maalis sa isip ko ang mga sinabi ni Dylan. Palagi iyong sumasagi sa isip ko. Dapat ko bang pagkatiwalaan si Dylan? Baka magsisi ako sa huli. Baka niloloko lang ako ng lalaking iyon, di ko pa naman siya lubos na kilala. Tanging si Bea lang ang nakakilala nito. Tumunog ang cellphone ko, tinignan ko ito. I just roll my eyes before answer it. "What do you want?" I ask him. "Please, don't leave me, Aya, I love you." sabi nito sa akin. Araw-araw ay tumatawag ito at nagmamakaawa na magbalikan kami. Dapat ko ba itong bigyan ng chance ulit? Baka ulitin nito ang ginawa nito. "Di ka ba nagsasawa Gil?" tanong ko sa kanya. "Hindi, Aya, hangga't maari susuyuin kita. Hanggang sa maabot ng aking makakaya." napasandal ako sa swevil chair ko. "Pag iisipan ko, Gil! Bye." sabi ko

