Rolyn POV NAGISING ako kinabukasan na sobrang sakit ng ulo ko. Hindi ko nga matandaan kong anong oras kami umuwi nila Glaiza at Eva, at kong bumalik ba si Nickie kagabi. Dahil sa sobrang kalasingan ko ay di ko na matandaan ang pinaggagawa ko. Kaya ito ang na pala ko ngayon, hang-over. Sobrang sakit ng ulo ko, kailangan ko pang pumasok sa opisina. Bumangon na ako at naligo. Pagkatapos ay nagbihis at bumaba na. Nasa hapag n sila Mama at Papa, lalo ang anak ko. Nakasimangot itong nakaharap sa pagkain. "Bakit nakasimangot iyang mukha mo?" taas kilay kong tanong sa anak ko na nakasimangot. "Your drank, last night. It is because of the Gil the tail?" galit nitong sabi. Nilingon niya ako na may panlilisik sa mga mata. Napabugtong-hininga ako. "It is my problem, not yours." sabi ko dito. "

