Alve POV KINABUKASAN, ay maaga akong nagising, tinignan ko si Aya, na mahimbing na natutulog, para itong isang angel kung matulog, talagang napakaganda ng aking asawa. Napangiti ako ng wala sa oras. Di pa rin ako makapaniwala na nasa tabi ko siya. Nakakasama, nayayakap, nahahalikan ng di kami nagtatagong dalawa. Na di kami natatakot na baka may makahuli sa aming dalawa, at pwedeng ikapahamak namin. Okay naman sa akin ang gano'ng set-up, pero mas okay talaga na lantaran kaming nagkikita, di iyong nagtatago kami, na para bang pinagbabawalan kami ng parents niya na magkita kami. Hinaplos ko ang buhok nito, bumaba ang kamay ko sa ilong nito, papunta sa labi nito. Kay lambot ng mga labi nito, ang sarap halik-halikan. Kaya pag may pagkakataon ay ninanakawan ko ito ng halik. Nang magsawa ako

