Rolyn POV DUMATING KAMI sa ospital at agad na bumaba si Alve. Binuhat niya ako at isinakay sa wheelchair. Nang makasakay na ako sa wheelchair at agad na itinulak ni Alve ang wheelchair, at agad kaming pumunta sa ICU kung saan nakaconfine ang aking dalawang anak. Hinawakan ko ang salamin ng kwarto kung saan sila ngayon nakahiga. Nahahabag ako sa mga bata. Ngayon ko lang nakita ang kalagayan nila. Puno ng mga aparato ang mga katawan ng mga ito. Di ko napigilan ang aking sarili na mapaluha. Kasalanan ko itong lahat. Kung di sa akin, baka hanggang ngayon ay buhay pa sila. Naglalaro at nagsasaya. Hindi itong nakahiga sila sa isang kama at puno ng mga aparato ang kanilang mga katawan. Lumabas ang Doktor ng dalawa kong anak mula sa kwarto ng ICU. Agad namin siyang hinarap ng papunta siya dito

