Rolyn POV NAISIPAN naming mag road trip, dahil para makapag unwind na rin. Ayaw ko sa Lanao Del Norte, kaya papunta kami ngayon sa CDO. Dahil kung doon kami mag ro-road trip ay baka maalala ko lang si Alve. Until now, hindi ko pa rin siya nakakalimutan. I love him, to the point na di ko kayang mahalin si Gil. Yes, I don't love Gil. Naawa lang ako dito, kaya sinagot ko ito. Isa din sa mga dahilan kong bakit ko siya sinagot ay gusto kong may makakasama pansamantala. "Ang lalim ng iniisip mo ahh." Lapit sa akin ni Glaiza, huminto kasi kami ngayon, para mag breakfast, ang aga kasi naming umalis sa condo ko kanina. "Iniisip ko lang ang maaring mangyari, kung hihiwalayan ko si Gil." sabi ko dito. "Wag mo ng isipin iyon ang mahalaga ay mahiwalayan mo ang manlolokong iyon." sabi nito sa aki

