Alve POV NAGISING ako kinabukasan at kinapa-kapa ko ba ang nasa tabi ko, pero wala akong makapa. Agad akong napabalikwas ng bangon ng wala si Aryana sa tabi ko. Iginala ko ang paningin ko sa paligid at may nakita akong isang sulat. Binuksan ko ito. Alve, Pasensya na kung din na ako nakapagpaalam sa iyo, dahil pag nagpaalam ako ay baka pigilan mo ako. Ayaw kong madamay kang muli Alve, ayaw kong mawala ka ng tuluyan sa amin ng anak mo. Sana ay maintindihan mo ako. Masyado pang magulo ang buhay ko ngayon at baka madamay ka, gaya ng dati. Pasensya na talaga, kung nababasa mo ito ngayon ang sulat kong ito ay sigurado na malayo na ako or nakauwi na ako sa amin. Sorry talaga, Alve, patawarin mo sana ako. Love, Aryana Nilikot ko ang papel sa aking kamay. "Bakit hindi mo ako hinintay, Aya!"

