Rolyn POV MASAKIT man ang ginawa ko kay Alve, pero kailangan kong gawin iyon, kahit labag iyon sa aking kalooban. Kahit na ayaw ko siyang ipagtabuyan ay kailangan. Para di na naman ito madamay. Nandito ako ngayon sa opisina ko, kanina kasi ng makita ko si Alve, nakipagkita ako kay Dylan, dahil may mahalaga daw siyang sasabihin sa akin. Pero di ko inaasahan na sa paglabas ko sa restaurant ay makikita ko si Alve. Gusto ko siyang yakapin, halikan, pero pinigilan ko ang sarili ko. Dahil alam ko, baka mapahamak na naman siya. At iyon ang ayaw kong mangyari ulit ang mapahamak siya. Napabugtong-hininga na naman ako. Di ko na alam ang gagawin ko. "Ang lalim na naman ng iniisip mo." utas ni Glaiza, dahil sa lakas ng musika ay kailangan pa nitong sumigaw. Nandito kasi kami sa bar magkakaibigan.

