Rolyn POV KINABUKASAN ay nagising akong para bang may kulang. Kinapa ko ang nasa gilid ko pero walang tao sa tabi ko. Agad akong napabalikwas ng bangon. Labis ang pag-aalala ko, dahil di ko nabungaran si Alve kahit sa kusina, pero nakahinga naman ako ng maluwag ng may nakahain na pagkain at may note pa itong iniwan. Napangiti ako ng wala sa oras. Dinampot ko ang isang papel. Aya, love. Pasensya na at di na ako nakapagpaalam sa iyo, di na lang kita ginising. Dahil alam kong pagod ka sa ginawa natin kagabi. Naging masaya ako, kasi kahit sandali ay nakasama kita. Napangiti ako ng wala sa oras at the same time ay namula na rin. May ikakakilig pa pala ako? Pumasok muna ako, love. Ayaw kong pabayaan ang trabaho ko. Magsusumikap ako, para mabigyan kita ng maginhawang buhay sa hinaharap. Kun

