STSB #30

2261 Words

Rolyn POV NAGISING akong masakit ang ulo ko. Di ko alam kong paano ako nakauwi sa condo ko. Siguro nahimatay ako kanina. Agad akong kinabahan ng may marinig akong kalabog sa kusina. Agad akong lumabas at nakita ko si Alve na nagluluto. Malungkot ko itong tinignan, masasaktan na naman kita sa gagawin ko. Pero kailangan kong gawin ito. Mahal kita at ayaw kong mapahamak ka muling. Tama ng napahamak ka ng isang beses dahil sa akin. Nakataliod ito kaya di niya ako napansin na gising na pala ako. Napabugtong-hininga na lang ako. "Bakit nandito ka?" napalingon ito ng magsalita ako. "Mabuti at gising ka na, kumain na tayo!" nakangiti nitong sambit. Pinatili kong seryoso ang aking mukha at walang emosyon. "Umalis ka na." sabi ko dito. Kumunot ang noo nito "Bakit?" takang tanong nito sa akin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD