Alve POV NGAYON ang araw na ipapakilala ako bilang CEO ng kompanya na iniwan sa akin ni Don Augustino Rossello. Hanggang ngayon ay di ako makapaniwala. Nasabihan ko na din sila mama tungkol dito. Masayang-masaya sila para sa akin. Pero mas sasaya sana ako kung nasa tabi ko ang babaeng mahal ko. Pero wala siya, hanggang ngayon ay di pa rin kami nagkakausap. "Ladies and Gentlemen, please welcome our new CEO Alve Camus." pakilala sa akin ng emcee. Talagang binigyan pa nila ako ng isang magarbong party na di naman talaga kailangan. Kinuha ko ang mic. "Salamat, ay dumating kayong lahat. Hindi naman talaga kailangan itong party, okay na sana sa akin ang simpleng salo-salo lang pero masyadong makulit ang kaibigan kong si Gabo." sabi ko sa lahat. Si Gabo kasi ang nag organize ng party na ito.

