Aryana POV
DI KO akalain na makakatagpo ako ng ganitong mga tao, masayahin na para bang walang problema. Masaya ako kasi sa kanila ako napadpad at si Alve ang nakakita sa akin.
Di ako napunta sa masamang tao, titignan ko ang mga tao na nasa harapan ko, nagsasaya sila, kahit na sobrang simple lang ng buhay. Sana ay pagbumalik ng mga alala ko ay ganito ang madatnan ko.
'Sino ba talaga ako?' Bakit kasi ganito, di ko kilala ang sarili ko. Masaya ba kung sa'n ako galing? Ganito din ba ang mga tao sa lugar kung sa'n ako nangaling?
Nakakainis, wala man lang akong maalala. "Aryana!" Tawag sa akin ng isang lalaki. Nakatalikod ako sa kanya, kaya di ko pamilyar ang tinig nito.
Nilingon ko ang lalaki, nginitian ko ito si Alve pala ang tumawag sa akin. Dapat maging pamilyar na ako sa boses niya.
"Bakit?" Nakangiti kung tanong sa kanya.
"Nandito ka lang pala." Saad nito. Nilingon nito ang tinitignan ko.
"Ang saya nila no? Para bang walang problema. Ganyan din kaya ako no'ng di pa ako naaksidente?" Di ko siya nilingon, nanatili ang tingin ko sa mga taong nasa harapan ko nagsasaya na para bang walang problema.
"Siguro. Dapat hanggang nandito ka ay maging masaya ka. Di natin alam, na pag dumating ang araw na bumalik na ang mga alaala mo ay baka di ka pala magiging masaya." Tinignan ko siya. Tapos ay ibinalik ko ulit ang tingin ko sa mga nagsisiyahan
"Siguro nga."
"Yana, Dodoy, hali na kayo. Sali kayo!" Yaya sa amin ni Badong.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Alve, tsaka kami tumayong dalawa at pinuntahan sila Badong. Lumipas ang dalawang buwan, wala pa rin akong maalala. Napaisip ako kung hinahanap ba ako ng aking pamilya, oh meron ba akong pamilya.
Kung meron man ay nasa'n sila? Bakit nitong nakalipas na buwan ay wala man lang naghahanap sa akin.
"Alam mo, umalis ka na lang. Di ka naman kailangan dito eh."
Kumunot ang noo ko. Nilingon ko si Tasya. Tumaas ang kilay nito. "Ano na naman ang problema mo, at ako na naman ang nakita mo?" Bwelta ko sa kanya.
Lumapit ito sa akin. "Simula ng dumating ka, na sa iyo lang lahat ng atensyon, simula ng dumating ka. Para na akong hangin kay dodoy." Tumaas ang kilay ko.
"Di ko na problema, yan! Problema mo na iyon. Bakit di si Alve ang pagsabihan mo? Bakit di siya ang sabihan mo ng ganyan?" Tanong ko sa kanya. "Kasi natatakot ka. Natatakot ka, na malaman mo ang totoo niyang nararamdaman para sa iyo. Na kahit kailan ay di ka magugustuhan ni Alve." Saad ko dito. Biglang umasim ug mukha nito, ang di ko napaghandaan ay ang pagsampal niya sa akin.
"How dare you! Wala kang alam, may pagkaka intindihan na kami, pero no'ng dumating ka. Naglaho na parang bula."
"That is not my fault. Bakit ako ang sisisihin mo? Bakit sinabi ko ba kay Alve na magkagusto siya sa akin, kung may gusto man siya sa akin." Akmang sasampalin na naman niya ako ng masalag ko ang kamay niya.
"Slap me once, but not twice. Pinagbigyan na kita, pero wag mo akong sagarin. Di mo ako, kilala, di mo alam kung paano ako lumaban." Saad ko dito, bago ko siya iniwan sa kinatatayuan niya.
Pero di pa ako nakakalayo ay nagsalita ito. "Di pa tayo tapos, Aryana." Di ko na siya pinansin, iniwan ko na lang siya doon.
Pumasok na ako sa loob ng bahay nila Alve. Nadatnan ko do'n ang mga pamangkin niyang nag aaway.
"Itigil n'yo nga yan!" Awat ko sa kanila Gail at Ange. Nagsabunotan kasi ang dalawa.
"Hayaan mo na iyang dalawa, Aryana. Titigil din iyan pag dumating na ang yoyo nila." Sabi ni Ante Emy.
"Baka po magkasakitan sila."
"Di na bago yan, palagi talagang nag aaway ang dalawang iyan, lalo na't nasasaktan ang isa sa kapatid nila."
"Gano'n ba."
"Titigil din yang dalawa na iyan. Makikita mo." Ngiti nito sa akin.
Pumasok na ako sa aking kwarto, kahit na nag aaway pa rin ang dalawang magpinsan ay hinahayaan ko na lang. Di rin kasi maaawat ang mga iyon.
Humiga ako dahil gusto kung magpahinga muna, kahit sandali. Pero di ko akalain na makakatulog pala ako.
"HALIKA na Lyn," yaya sa akin ni Eva ang isa sa mga besfriend ko.
"Sa'n ba kasi tayo pupunta?" Tanong ko sa kanila.
"Basta!" Ngumingiti nitong saad. Hinihila niya ako, di ko alam kung sa'n kami pupunta. Alam naman nito na may klasse pa kami.
"May pasok pa tayo, Eva, ha. Baka nakalimutan mo."
Nilingon ako nito. "Sandali lang naman tayo eh. May pupuntahan lang tayo." Ngiti nitong saad.
"Sige na nga."
Sumama na ako sa kanya. Di rin naman maawat ang babaeng ito. Kung ano ang gusto, talagang makukuha nito. Di ko namalayan na nakarating na pala kami, kung di pa ito huminto.
"Saan ito?"
"Charan...." Ngiti nitong saad.
"Happy Birthday!" Sigaw nilang lahat. Napangiti ako na may luha sa aking mga mata. Di ko akalain na gagawin nila ito.
Di naman talaga ako nagcecelebrate na ng birthday ko, simula ng mamatay ang kakambal ko. Mahal na mahal ko iyon eh. Pero, mas malulungkot ako kung sa birthday ko ay masaya ko, habang ang kakambal ko ay nagdudusa kung nasaan man siya ngayon.
Kung kailan kasi ang kaarawan ko ay siya naman na binawi sa amin. What a beautiful gift. Ang ganda ng regalo sa akin ng panginoon, mismo sa kaarawan ko. Ang kamatayan ng kakambal ko.
Kasalanan ko kasi eh! Kasalanan ko lahat ng iyon. Sisisi ko ang sarili ko, kung di dahil sa akin, buhay pa sana ang kakambal ko na iyon. Alam kung di ako ang sisisi nila Mama at Papa. Dahil alam nilang aksidente iyon. Pero di eh. Ako ang may kasalanan.
Dahil broken hearted ako noon araw na iyon at naglasing ko at ako ang nagmaneho. Mismong araw ng birthday ko, nahuli ko ang boyfriend ko na may kasamang babae sa condo niya. Masakit iyon, sobrang sakit.
Uminom ako, di ko alam na sinundan pala ako ng kakambal ko, sinamahan niya ako. Siya lang kasi ang nakikinig sa akin. Siya lang kasi ang nakakaunawa sa akin.
Naalala ko pa kung paano niya ako kinumbinsi no'n na umuwi.
Nakinig nga ako pero ako naman ang nagmaneho ng sasakyan ko. Kaya sumalpok kami sa kasalubong namin.
Nagising ako sa ospital, pero wala na, nakaburol na ang kapatid ko. Di ko matanggap na ako ang dahilan kung bakit siya nawala.
"Umiiyak ka na naman!" Hinahagod ni Nickie ang aking likod. Kumpleto lahat, nandito ang mga magulang ko. Mga malalapit na tao sa akin.
Even, Jerson, my latest boyfriend. Simula din nang mangyari iyon, di na ako pumirmi sa iisang lalaki. Papalit-palit ako ng boyfriend, every time na dumating ang kaarawan ko.
"Naalala ko lang si Bea," Malungkot kong saad.
"Hindi mo kasalanan iyon. Aksidente ang nangyari, Lyn!" Nilingon ko siya, malungkot ko siyang tinignan.
"I'm the one, who drive the car, Nik. Ako, dahil lasing ako ng gabi na iyon. My twin sister died because of me, at naguguilty ako. Habang ako nagsasaya, siya nag dudusa kung nasaan man siya ngayon." Umiiyak kong saad.
Tinalikuran ko silang lahat. Di ko sila nilingon kahit anong tawag nila sa akin. Sumakay ako sa aking kotse, at panaharorot. Pupunta ako sa lugar kung sa'n ay makakasama ko siya, kahit panandalian lamang.
Agad akong bumaba ng makarating ako. Agad akong pumasok sa loob at lumuhod. Di ko napigilan ang sarili ko na umiyak.
Agad kung hinaplos ang lapida niya.
Name: Albea M. Montemayor
Born: June 20, 1994
Died: Sept 28, 2015
nang dahil sa akin. Ako ang gumawa ng kamatayan mo. Sana, ako na lang Bea ang nawala, hindi ikaw.
Kahit na sa t'wing di nagkikita tayo sa school ay di kita nagpinapansin, dahil nanatili ang lihim ng totoo kong pagkatao ay mahal na mahal kita kakambal ko.
Ikaw lang ang nakakaunawa sa ginagawa ko. Kahit na labag kina Mama at Papa na hayaan ako. Patuloy ka pa ring lumalapit sa akin, kahit anong taboy ko sa iyo. Mahal kita, kaya di ko matanggap na ikaw ang nandyan at hindi ako.
Humagolgol na ako ng tuluyan, di ko napigilan ang aking sarili. Dahil na rin sa pinaghalong sakit, pighati, pangungulila at konsensya na naipon ay bumuhos na lahat.
"Tayo kana, tama na!" Hinawakan niya ang aking dalawang balikat para makatayo ako.
Humarap ako sa kanya at agad ko siyang niyakap. "Siya lang ang nakakaintindi sa gusto kung mangyari sa aking buhay, Brent. Kaya sobrang sakit at di ko matanggap iyon. Sobrang sakit. Brent, dahil sa akin ay nawala siya."
"That is not your fault, Lyn. Aksidente iyon!" Sabi naman sa akin ni Eva. Tinignan ko ang nasa paligid ko.
Nandito pala ang mga kaibigan ko, sinundan pala nila ako. Akala nila siguro ay gagawin ko, ulit ang ginawa ko no'n, every birthday ko kasi ay naglalaslas ako, para ibsan kahit sandali ang sakit na nararamdaman ko.
Akala nila, nagpapakamatay ako, pero hindi naman talaga. Gusto ko lang ibsan ang sakit, na nararamdaman ko. Kaya pag suma-sapit ang kaarawan ko at nawawala ako bigla ay agad-agad nila akong sinusundan.
"Hindi, kasalanan ko iyon!"
Hinila ako ni Glaiza, hinawakan ang aking dalawang balikat at inalog-alog. "Wake up, Lyn. Don't blame your self." Dahil nahihilo na ako ay agad kung iwinaksi ang mga kamay nito.
"Gising ako, Glai, gising na gising. Kung hindi ako nagmaneho ng lasing ay di kami maaksidente at di mamatay ng kapatid ko." Sigaw ko sa kanilang lahat. Di ko na napigilan ang mga luha ko.
"Ako ang may kasalanan, dahil nagmaneho ako ng lasing, ako ang may kasalanan kung bakit namatay ang kapatid ko. AKO!" Sigaw ko sa kanilang lahat. Humagolgol ako, di ko napigilan ang sarili ko.
"Sana ako na lang ang nandyan, sana ako na lang ang nawala." Sigaw ko muli.
"Kung ikaw ang nawala, sa tingin mo, di niya rin sisisihin ang sarili niya. Sa tingin mo ba, di rin siya masasaktan. Di siya iiyak. Mahal ka ni Bea, Lyn. Kung buhay yon, di ka noon gustong masaktan. Di ka no'n gustong maging ganyan. Di matutuwa si Bea, Lyn. Kaya tumahan ka na. Wag mo ng sisihin sarili mo." Umiling-iling ako.
Di ko napigilan ulit na umiyak ulit. Napaluhod akong muli. "BEA, PATAWARIN MO AKO." Sigaw ko.
NAGISING ako na may luha sa aking mga mata, humikbi ako. Naabutan ako sa gano'ng ayos ni Alve.
"Bakit ka umiiyak?" Agad na tanong nito ng makita niya ang mga luha ko. "Dahil ba ito kay tasya?"
Umiling ako. "Nanaginip ako. Di ko alam kung parte ba iyon ng mga alala ko."
"Ano ba ang napanaginipan mo?" Tanong nito sa akin.
"Sinisisi ko daw ang sarili ko. Pero di ko maintindihan? Walang mga mukha ang mga tao na nasa panaginip ko. Di ko maaninag ang mga mukha nila."
"Baka pagod ka lang, magpahinga ka ng muli, baka masama lang pakiramdam mo." Tango lang ang aking naisagot sa kanya.