STSB #3

2626 Words
Rolyn POV NAGMAMADALI ako, dahil late na ako sa una kung klasse, nag harangin ako ni Jerson. "Mag usap tayo, Lyn!" Agarang saad nito ng maharang niya ako. "Wala na tayong pag uusapan pa, Jerson. Tapos na ang lahat sa atin." Gaya ng mga ginawa ko sa mga nagdaan kung mga karelasyon ay tinatapos ko agad ang relasyon namin sa araw mismo ng kaarawan ko. Kaya pagkarating namin paaralan galing sementeryo ay agad akong nakipagkalas kay Jerson. "Di makatarungan iyon, Lyn! Ginawa mo akong tanga, ginago mo ako." galit nitong sambit. Pero nanatili ang tingin ko sa kanya na walang emosyon at blanko. "Sa anong paraan na ginago kita? Ako nga ginago mo di ba? Habang may relasyon tayo, pero ayon ka nasa ibang babae. Di ka mapirme, kinabukasan, iba na naman." Nagulat ito sa sinabi ko. "Akala mo di ko alam? Di ko malalaman? Ayaw kong magpakatanga sa isang tao, na di kayang maging stick to one." sabi ko sabay iwan sa kanya. Akala niya siguro ay di ko malalaman na habang kami ay may iba naman itong kasama. Alam kong playboy si Jerson, Gwapo siya, matangkad, may appeal. Kahit na gano'n ay wala akong maramdaman para sa kanya. Sinagot ko lang naman siya para may pagkaabalahan ako. Pero di pa rin pala sapat. Wala akong maramdaman na sinasabi nilang pag ibig. Paano ba umibig? Ano ang dapat na maramdaman ko, para alam ko kong pag ibig ba iyon? Di rin kasi pag ibig ang naramdaman ko sa una kong boyfriend. Siguro nasagi lang ang ego at pride ko bilang babae, kaya gano'n na lang ang naramdaman ko. "Hindi ko matatanggap ito, Lyn, pagbabayaran mo ito." sigaw nito. Dahil sa eksena na iyon ay di na lang ako pumasok, late na kasi ako, sa second subject na lang. Kaya dumiretso ako sa canteen. "Hi, pwedeng maupo?" tanong ng isang babae. Tinignan ko lang siya. Kahit di ako pumayag ay naupo pa rin ito. Inilagay nito sa mesa ang mga pagkain nito. Nang matapos ito ay naupo na ito. "Lovie Reyes," Pakilala nito. Inilahad nito ang kamay, pero di ko iyon pinansin. Kaya ibinaba na lang niya at may ngiti pa rin sa labi. "Ikaw si Rolyn Montemayor di ba? Yong nagpapanggap na mahirap, pero mayaman pala." Kumunot ang noo ko, kaya nag angat ako ng tingin. May laman ang sinasabi ng babaeng ito. "Sa'n mo naman napulot ang balita na iyan?" tanong ko sa kanya. "Usap-usapan sa labas." Tumawa ako. "Mga baliw ang iba d'yan! Wag kang maniwala sa sabi-sabi nila." Umiiling-iling na saad ko. "Ayan, maganda ka pala pag tumatawa ka." nakangiting saad nito. Kaya nawala ngiti sa mga labi ko. "Lyn, Are you okay!" sambit ni Glaiza ng makalapit ito sa akin. "Yeah! I'm okay!" Takang sagot ko. "May nagsabi kasi sa amin na hinarang ka daw ni Jerson!" "Wala iyon, di lang matanggap noon na hiwalay na kami." "Still, mag iingat ka pa rin!" singit ni Brent. "Di natin alam ang likaw ng bituka ng lalaking iyon." Tumayo ako, nilapitan ko si Brent. "Alam mo Brent, maging bodyguard na lang kaya kita?" Nang uuyam kung saad tumawa ito. "alam kong di na kailangan, dahil sanay ka na mga ganyan!" sabi nito, sinulyapan nito ang babae na nasa table ko. "Sino iyon?" tanong nito sa akin. "Ewan, umupo lang yan d'yan bigla eh!" Walang gana kong sagot. "Iba ang pakiramdam ko, sa babaeng iyan!" Sinulyapan ko ang babaeng iyon. Abala ito sa kinakain nito. "Parang di naman." sabi ko. "Mag iingat ka pa rin, kahit na di nila alam ang totoo mong pagkatao, wag kang masyadong kampanti. Alam mo naman ang nasa paligid." Nginitian ko ito. "Evz, sagutin mo na kaya ito? Baka di pa ito nakahalik sa iyo ahh!" Pang aasar ko kay Eva at Brent. Namula si Eva sabay iwas sa ng tingin sa akin, alam ko namang may pag tingin ang dalawang ito sa isa't-isa pero puro deny eh. Bumalik na ako sa mesa ko, kung sa'n ako nakaupo kanina. Di pa rin tapos na kumain ang babae. Kinuha ko na ang mga gamit ko para sana umalis ng magsalita ito. "Aalis ka na? Di ka pa kumakain ahh!" Di ko ito pinansin o nilingon man, wala akong paki sa kanya. Hindi kami close, pero feeling close ang babae na ito. Nagpatuloy ako sa paglalakad, papunta sa mga kaibigan ko. "Halina kayo." yaya ko sa kanya. Pero di sila natinag, tinignan ko kung sa'n sila nakatingin. Sa babaeng nasa mesa ko. Magana itong kumain. "Sino yon, Lyn?" tanong ni Glaiza sa akin. "Ewan, di ko kilala. Bigla lang yan umupo d'yan eh. Alam n'yo naman ako, basta di ko kilala, di ko masyadong pinagtutuonan ng pansin." "Pamilyar siya sa akin." saad naman ni Nickie. "Paanong di magiging pamilyar yan eh. Kaklasse mo yan!" ani naman ni Eva. Nanlaki ang mga mata nito. "Tama, siya pala iyon!" Binalingan ko si Nickie. "Kaklasse mo?" "Oo, sa last row siya nakaupo." Tumatango kong saad. Abala ako sa pag gawa ng project ko ng may lumapit sa akin. "Ibinili kita ng meryenda." nahihiya nitong saad. Tiningala ko ito. "Hindi mo sana ginawa." malamig kong saad. "I insist, alam ko kasing di ka pa kumakain ng snack." sabi nito. "Dito ko na lang ilalagay." Inilagay niya sa may mesa ko ang mga pagkain. Tinignan ko ang papalayo niyang bulto. "Mat'yaga siya ahh!" Di ko pinansin ang nagsalita sa likuran ko. Nagpatuloy ako sa pag gawa ng project ko. Ilang araw na din kasing mat'yaga na lumalapit sa akin si Lovie, kahit na di ko ito masyadong pinansin. Kahit na tinatarayan ko ito. "Lyn, bar tayo!" masayang sabi sa akin ni Glaiza, assual, party goer talaga itong si Glaiza, di talaga lumiliban sa party o bar man lang. "May tinatapos pa akong project." sagot ko sa kanya. "Mag relax ka naman, Lyn!" sabi naman sa akin ni Nickie. "Hindi, pwede, may tatapusin ako. Next time na lang!" Puro ungol ang narinig ko sa kanila. Alam ko naman na gusto lang nila na magrelax ako, pero di talaga pwede marami akong dapat gawin. May mga project pa akong dapat gawin, kaya kailangan ko ng tapusin, para di ako matambakan. Abala pa rin ko nang iwan nila ako, kaya ako na lang mag isa. Di ko na pinasokan ang iba kong subject, para matapos agad ako. Hapon na ng matapos ako at isa-isa nang nagsilabasan ang mga nagsipag aral. "Sa wakas natapos din!" sabi ko, tinignan ko ang mga ginawa ko. Mamaya ko na ito, tatapusin, sa bahay na. "Di ka pa umuuwi!" Nilingon ko siya. Di ko siya pinansin, pero kahit gano'n ay mat'yaga itong naghintay sa aking. "Sabay na tayo!" nakangiti nitong saad. Hinarap ko ito. "Di ka ba nagsasawa?" Natigilan ito at nakatitig sa akin. "Di ka ba nagsasawa na suyoin ako, para maging kaibigan mo? Di ka ba nagsasawa na lapitan ako? Na hatidan ako ng pagkain kahit na ayaw ko sa iyo?" Diretso kong saad. Ang ayaw ko sa lahat at yong binibigyan ako ng pansin kahit na di naman kailangan. Napayuko ito, nag-angat ito ng ulo tapos ay tinignan ako ng diretso. "Hindi, Lyn! Hindi ako magsasawa, kasi gusto kitang maging kaibigan!" Walang alinlangan nitong sabi sa akin. "Bakit? Bakit mo ako gusto na maging kaibigan?" tanong ko sa kanya. "Ewan, basta no'ng makita kita sa canteen, gusto kita na maging kaibigan, gusto ko na lagi tayong magkasama." ngiti nitong saad. Isa-isa kung iniligpit ang aking mga gamit, t'saka, bumugtong-hininga. "Sorry, pero itigil mo na ito. Kong fame lang ang hanap mo, wag sa akin. Dahil di ako gano'n ka sikat." sabi ko sabay talikod. Aalis na sana ako ng magsalita ito. "Hindi naman gano'n ang habol ko sa iyo, Lyn! Gusto lang talaga kita na maging kaibigan." Nilingon ko ito. "Kahit na, sorry, pero ayaw ko na maging kaibigan ka." iniwan ko siya na nakatulala, kaya nagkataon ako na makaalis agad. Di ko gusto na maging harsh sa kanya, but she need to know it. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay magiging mabuti ang pakikitungo sa iyo ng isang tao. Kaya dapat maging aware tayo sa lahat ng bagay. "Ma, you know that I can't home, busy ako sa school." Paliwanag ko kay mama, kanina pa niya ako kinukulit na umuwi, pero ayaw ko, busy ako sa school at may mga hinahabol na deadline. "Anak naman, kahit ngayon lang, weekend naman!" Pagsusumamo ni mama sa akin. "Kahit na 'ma, Rey is there, kaya di ka masyadong malulungkot, tsaka, araw-araw naman si papa dyan ahh!" sabi ko dito. "I miss you, already, baby girl ko." I roll my eyes, she use that word against me, how can I said no to my mother. She always win. "Okay, sige. Uuwi ako, mamaya, pagnatapos ko na ang ginagawa ko." Pag payag ko. "Pangako yan ahh!" masaya nitong sabi. "Oo!" Binaba na nito ang tawag, I know mama miss me so much, pero ayaw ko talaga sanang umuwi, isa kasi sa dahilan ay maaalala ko na naman si Bea, that house is full of our memories, doon kami lumaki at nagkaisip sa bahay na iyon, kaya kung hanggat maari ay ayaw kong umuwi. Pero si mama ay mapilit talaga, she use her usuall tone ang paawa tone. Kaya napapayag niya ako palagi. Di ko rin naman kasi mahindian si mama. Agad kung tinapos ang dapat tapusin, para sa lunes ay ipapasa ko na lang ang ibang kakailanganin at yong nagdeadline na. Masyado na akong busy sa school. Lalo na't hectic masyado ang schedule ko. I'm taking a bussiness management kaya talagang sobrang busy. I need to study, para balang araw, alam ko ako ang hahawak sa mga negosyon namin. Hindi sa lahat ng panahon ay makakapatago ako, oh! Matatago ko ang totoo kung pagkatao. Nang matapos ako sa pagaayos ay agad akong nahiga sa kama ko. Dahil na rin siguro sa pagod at ilang araw kung magpupuyat lagi, dahil sa mga project ko ay nakatulog ako agad. KINABUKASAN, ay maaga akong nagising, dahil na rin maaga akong pupunta sa mansion namin, mama wants us to be there, kasi gusto nya sabay-sabay kaming mag breakfast. Minamaneho ko na ang sasakyan ko na kaedad ata ni Papa. Dahil nga gusto kong maging ganito ang buhay ko, ay need ko ding gamitin ang loma naming sasakyan. Kahit na malapit na itong magretiro ay kailangan. Mama, want me use our latest car, nahihibang na si mama, I want a low life, gusto king manatiling tago at pribado ang buhay ko, yong walang hastle, yong walang nakasunod na kahit ano. Nagmamaneho ako ng may mataan akong nakasunod na kotse sa akin. And I know that car. Hindi lang iisang beses akong sinundan n'yan. Pero di ko lang pinapansin. Napabugtong-hininga ako. Kaya itinabi ko ang aking sasakyan. Nang maitabi ko na ito ay agad akong bumaba. Hinintay ko ang sasakyan na tumabi din. Di nga ako nagkamali, ako nga ang sinusundan nito. Bumaba ang driver at isang lalaki? Akala ko si Lovie, iyon pala ay hindi. Nakangiti ang lalaki, pero di ko sinuklian iyon, I cross my arms in my chest and I look at him with a glare. "Who are you? And what do, you want?" Agaran kung tanong sa lalaki ng makalapit ito sa akin. Napakamot ito sa kanyang ulo. "Gil Fuentes!" Pakilala nito. "I'm just your admirer." Nakangiti nitong sabi. Tinitigan kung mabuti ang lalaki, gwapo ito, matangkad, hindi masyadong maputi at di rin masyadong maitim, tamang-tama lang. "Your my admirer? Wow, meron pala ako." nakangiti kong sambit. Pero alam ko ang pakay ng lalaking ito. "Aside sa pagiging admirer mo sa akin, ano pang kailangan mo?" Diretso kong tanong sa kanya. Wala ng paligoy-ligoy pa. Napayuko ito at alam kung namumula ito. "Gusto talaga kitang makilala." Tumaas ang kilay ko. "I'm not interested." sabi ko sabay talikod sa kanya, bago ako sumakay sa kotse ko ay nagsalita muna ako. "Wag mo na akong sundan, di mo magugustuhan ang gagawin ko sa iyo." sabi ko sabay sakay sa aking sasakyan. Admirer? Sino ang niloloko mo. Di ako ang klasseng tao na maloloko, alam ko naman ang pakay no'n eh. Makikipagkaibigan, tapos manliligaw? Tapos ay lolokohin ako? No way. Hindi ko hahayaan iyon. Itinigil ko na din ang dati kung ginagawa sa pakikipag relasyon. Nakakasawa din pala, akala ko masaya iyon pala ay hindi. Ilang minuto kung pagmamaneho ay nakarating na ako sa bahay, agad akong pinagbuksan ng guard at sinalubong ng maid. Parating ganito sa bahay, pag dumadating ang isa sa amin. "I'm glad that you make it, baby!" nakangiti at nakadipa pa ang kamay ni mama sa pagsalubong sa akin, habang ang kapatid ko ay nasa likod nito, gaya ng dati, walang emosyon. Agad akong niyakap ni mama, niyakap niya ako ng mahigpit. "Ma, di ako makahinga." Kaya lumuwag ang pagkakayakap nito sa akin. "I'm just miss you, baby ko!" I just roll my eyes, she always call me baby ko, baby or whatever, did she like to call me. Gaya lang din ni Bea, gano'n sa akin iyon eh, dahil nga baby sister daw niya ako. Nalungkot ako bigla ng maalala na naman si Bea. I miss her so much. Agad kung pinahid ang tumakas na luha sa aking mata, pero di iyon nakaligtas sa mga mata ng aking kapatid. Lumungkot ng hitsura nito, dahil alam nito kung sino ang nagpaiyak sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya. "Halina kayo, nandoon na ang papa n'yo!" "How's school?" Tanong ko sa kapatid ko. "Still the same, wala namang pinagbago!" malamig niyang saad. Wala itong emosyon. Nagkagano'n lang naman ito ng ewan ito ng babaeng mahal na mahal nito. Nang mamatay ang babaeng iyon. Mas lumala ng mamatay si Bea. Malapit din kasi ito kay Bea, mas close sila, kesa sa akin. Nang makarating kami sa dinning ay nandoon na nga si Papa, he's smile to us. Wala pa ring pinagbago ang hitsura ni Papa. Still the same. Nothing change. "Hi, Pa!" humalik ako sa pisngi nito. At umupo na sa upuan na para sa akin. Gayon din si Rey rey at Mama. Nagsimula na kaming kumain ng magtanong si papa. "How's school, Rolyn!" tanong nito sa akin. "Same, Pa, walang pinagbago. Busy as always, dahil nga may hinahabol akong mga deadline." sagot ko sa tanong ni papa. "How's yours, Rey!" nag-angat ito ng tingin. "Fine!" maikling sagot nito. Sanay na kami sa kanya. Kaya di na kami nagpumilit na magtanong pa. "Dito ka ba matutulog, Aya?" Nag angat ako ng ulo, tas nilunok ko muna ang pagkain na nasa bibig ko. "Yes, Ma!" sagot ko. "Ikaw, Rey?" tanong nito kay Rey. "Hindi, may aasikasuhin ako bukas." Tumango na lang si mama, di na lang namilit, dahil alam niyang kahit anong pilit niya o magmakaawa ay di pa rin ito mananatili. Si Bea lang naman ang nakakapilit n'yan. Nang matapos na kaming kumain ay inilabas ni Mama ang mga dessert niya, siya mismo ang gumawa no'n. I dig the mango float and put it in my mouth. Napapikit ako ng manuot iyon sa aking bibig. "Hmmm. Still ang sarap pa rin, Ma ahh." nakangiti kong saad. Muli akong sumandok at isinubo ito sa aking bibig. Muli ay napapikit talaga ako, dahil sa sarap. "Thank you, dahil, nagustuhan mo pa rin!" malungkot nitong sabi. "I remember, Bea, she like it so much, like you two." nakangiti ito, pero may lungkot sa mukha at boses nito. "I hope, she didn't gone." napayuko ako, sana nga, Ma, sana nga, ako na lang ang nawala at hindi si Bea. "Stop it, Ma. Ate Bea is not happy, if she found that we still mourn for her death. You know her. She always want us happy, not this drama." Rey said. Napangiti na lang ako. Rey always know, how to divert the ambience.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD