“Kanina pa siya nandiyan,” sabi ni Jane kay Ae na kagagaling lang sa puwesto ni Miggy. “Oo nga, halata namang si Shayne lang ang pinupunta niya rito.” Binalingan ni Ae si Miggy at napailing. Sayang ang guwapo pa naman nito at isa pang Dominant Alpha pero mukhang malabo kasi ito kay Shayne. Isa pa, noon pa niya napapansin na mukhang may pagkakaigihan sa pagitan ni Shayne at nang kanilang Boss. Pero iyon nga, pinalalabas ng mga ito na magpinsan ang dalawa. Pero dahil kakilala niya si Shayne kaya alam niyang wala itong kamag-anak kundi ang ina nito na mula sa ampunan, habang ang ama naman nito ay may ibang pamilya, naging school mate niya kasi ito dati at sobrang nasasayangan siya sa naging buhay nito lalo at hindi na ito nakapagpatuloy nang pag-aaral. Lumipas ang tatlong oras

