Chapter 17: Miggy and Shayne's POV

2523 Words

MIGGY “Grabe, ang ganda namang lalaking Omega no’n!” si Simoun nang abutan ko sila sa unit ko. Inihatid ko na si Shayne sa hospital at mag-isa na lang daw siya papunta sa café. Wala pa siyang sinasabi sa ‘kin pero kinakabahan na ako. “Bakit kayo pumunta?” inis na tanong ko. “Aba, hindi naman namin alam na makikita namin siya dito!” mataas ang boses ni Kian. “Kailan ka pa naging malihim sa ‘min, ha? Kahapon lang namin nalaman na may Omega kang kinababaliwan tapos malalaman namin nagsasama na rin kayo?” Napakamot ako sa kilay. Oo nga naman, hindi naman nila alam na nagsasama kami. “Pero bakit ninyo sinabi na inimbitahan ko kayo?” tumaas na naman ang irita ko. “Ano bang ikinatatakot mo? Kakampi mo naman kami, ah.” Singit ni Terrence. Huminga ako nang malalim at pasalampak na naupo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD