“Got you!” Nabigla si Miggy nang may umupo sa harapan niya. Nag-abot ang kaba niya dahil talagang binabantayan niya si Shayne at hindi siya nagpaalam na pupunta. “Paano mo nalaman na narito ako?” nangunot ang noo ni Miggy dahil si Rion ‘yon. Mabilis niyang makilala ito kahit pa anong disguise nito dahil iba ang dating nito bilang isang Dominant Omega. “Well, hindi na ‘yon mahalaga.” Ngiting-ngiti ito. Kung wala sigurong Shayne na dumating sa kanya ito ang pinakamangandang Omega sa paningin niya. Pero wala na ang Charm nito dahil sa baliw na baliw na talaga siya kay Shayne. “So, tambay ka talaga rito?” tanong ni Rion na ngiting-ngiti. “Kumakain lang ako, sabihin mo na kung may sasabihin ka pang iba dahil paalis na rin ako for job interview—” “For what?” nangunot ang

