Hindi mapakali si Shayne sa higaan. Bakit gusto niyang ikuwento nito na may kasama itong babae—sabihin nito kung kaano-ano nito ‘yon sa paraan na hindi siya nagmumukhang nagtatanong. “Hindi ka matulog?” tanong ni Miggy na hinapit ang katawan ni Shayne palapit sa kanya. Nabigla naman si Shayne, iyon na naman ‘yong bilis ng t***k ng kanyang puso. “Gusto mo bang makatulog nang mahimbing?” ngiting-ngiti ‘to, pilyong-pilyo na naman! “Tigilan mo ‘ko, masakit pa ang lahat-lahat sa ‘kin.” Sinamaan nang tingin ni Shayne si Miggy. Natawa naman si Miggy, “Puwede naman ‘yong painless pero masarap—” “Tumigil.” Itinulak niya ito pero lalong humigpit ang yakap ni Miggy. “Babe, ibang-iba talaga ang nararamdaman ko sa ‘yo.” Namumula si Shayne dahil inaamoy siya ni Miggy sa buhok kasunod nang pagh

