SHAYNE Masakit ang katawan ko nang magising ako. Tulog na tulog naman si Miggy sa sala. Hindi naman niya ako tinanong kaya hindi rin ako nagpaliwanag—hindi ko rin naman alam kung paano magpapaliwanag. Nilutuan ko siya ng favorite niyang mushroom soup, nag-inom pang mag-isa ang loko. Kinumutan ko na lang siya at pinagkatitigan saglit. Pinitik ko nang mahina ang noo ni Miggy, “Paano ko magtatrabaho ng maayos kung gulping-gulpi ang pakiramdam ko?” Nangiti ako nang napakislot siya pero hindi naman nagising. Nag shower ako at nakapagbihis pero hindi pa rin siya gising kaya iniwanan ko na siya. Kumikirot ang likuran ko na para akong maagang nirarayuma. Masakit din ang mga binti ko dahil sa iba’t ibang puwestong ginawa namin. Kung gaano kasarap ang naidudulot no’n—I mean, bali

