Chapter 15: Shayne and Miggy's POV

1910 Words

 SHAYNE “Saan ka uli tumigil ng ilang araw, Shayne?” Hindi ako kumibo. Kinakabahan ako dahil ilang beses nang itinatanong ni mama kung saan ako nanatili sa panahon ng heat ko. “Ma, manatili ka muna rito. Hinihintay ko pa si Boss para mailabas kita.” “Magandang umaga—” Mula sa paanan nang kinahihigaan ni mama napabaling ako sa pintuan. Pinanlakihan ko ng mata si Miggy na ngiting-ngiti na naroon. Iniwanan ko na nga siya pero nakasunod pa rin. Hindi kaya siya ipinaglihi sa aso? “Good morning,” sabay-sabay na bati ng mga naroon sa kuwarto. “Nag-iingay ka—” “Shayne,” Bumaling ako nang tawagin ako ni mama. Iyong pagngiti ni mama ang nagpatikom sa bibig ko. Kahit pinraktis ko na talaga ang kasinungalingan na sasabihin ko, hindi ko talagang magawang sabihin ngayon kahit ipilit ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD