Kabanata 35 Naalarma sina Peter sa dagsaang emosyon na kaniyang nararamdaman. Kumpara sa apat na lalaking kaharap nila na halos kaunti lang ang emosyon, iba itong parating. Para bang sinasadya talaga nilang ikalat ang kanilang emosyon sa paligid para maramdaman ni Peter. At hindi sila nabigo dahil bumilis na lang ang t***k ng puso niya at nagsimulang sumakit ang bibig. Una niya itong naramdaman noong unang beses siyang makaamoy ng emosyon nang maging si Prinsipe Chronos siya. Nakuha niyang kontrolin agad iyon dahil sa kakayahan ng prinsipe ngunit iba ito ngayon. Sobrang tapang nito na hindi na niya alam kung makakaya pa niyang pigilan ang sarili o hayaan na lang na mawala siya sa katinuan dahil sa sobrang sakit. “Kinro,” pagtawag niya sa titan. Mabilis siyang dinaluhan ng lalaki. Hin

