Kabanata 45 Sa likod ng kinatatayuan ng inn nina Arturo ay ang kwadra kung saan naroon ang mga kabayo nina Peter at ng mga kasama niyang imortal. Miski ang mga werewolf na sina Major, Kaluto at Yasuwi, ay may kaniya-kaniyang ding mga kabayo lalo pa at malayo ang pinanggalingan nilang isla. Hindi nila matatagalan ang paglalakbay kung tatakbo lang sila sa kanilang anyo. Iniwan nila ang mga kabayo roon upang magpahinga dahil hindi pa ito ang tamang oras upang sumugod. Kailangan pa muna nilang magsanay lalo pa at wala silang gaanong alam tungkol kay Dimitri at sa agham. Sa likod naman ng kwadra ay isang malawak na field. Halos isandaang yarda ang haba ng lugar kung saan maaaring makapaglaro ng futbol. Sa dulo naman ng field ay puro na mga puno na paakyat sa isang bundok, ang bundok ng Feire

