Kabanata 15 Kalikasan So yun na nga, pagkatapos naming kumain ni Adriel nag-ayos na agad ako para umalis ng bahay. Alam ni Ad na aalis ako at wala siyang problema doon. Sinuot ko ang paboritong pink na t-shirt at fitted jeans. Kapares ang nike kong sapatos. Naglagay din ako ng kaunting lipstick pagkatapos ay ready to go na ako. Lumabas ako ng kwarto at nabungaran ang anak na busy na sa cellphone. Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisnge. "Ad, alis na si mama ah. Tatawag ako sa cellphone na iyan kapag uuwi na ako. Love you, nak." malambing kong sabi. Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Sige, mama. Hihintay Ad-Ad dito." sagot niya. Tumango ako at hinalikan ulit siya sa pisnge. Lumabas naman na si Lola Karing sa kwarto niya. Nagpaalam ako at umalis na ng bahay. Memoryado ko na a

