Kabanata 16 Hugging Natapos ako sa paglalabas ng sariling dumi sa banyo. Grabe, halos isang kalahating oras ako doon ah! Sa sobrang kabusugan ko kaya ayown, sa banyo ang ending! Pinahid ko pa ang pawis na pumatak, inabot ko ang kumot at iyon ang pinangpahid ko. Ngumisi ako at umiling sa sarili. Siraulo talaga ako! Sa sobrang kagandahan ko, pati utak ko gumaganda na rin! Hays naman! Lumabas ako para puntahan ulit si Alrus, nagtaka pa ako ng hindi ko siya makita sa lamesa na pinagkainan namin. Saan kaya pumunta ang isang 'yun? Lumapit ako sa lamesa at nagniningning ang mga mata dahil nakita ang naiwan naming pagkain. Kumuha ako ng ulam at kinain. Napapapikit pa ako sa sarap! Jusko, ngayon lang talaga ako nakatikim ng ganitong ulam! Paano kasi puro adobong manok kami, minsan baboy at minsa

