Black Rose Between Us: Yengulio
Yengulio pov...
"Woy! Mag tratrabaho ka?" Tanong ng tropa ko habang umaakbay sa balikat ko
"Mag punas ka muna ng pawis mo kadiri ka" sabi ko sakanya habang pinupunasan yung pawis na dumikit sa akin
"Parang sya hindi" tawa nya sabay kiskis ng balat nya sa balat ko. "Tama na Jack!" Sabi ko habang tinutulak sya palayo. Tumigil sya pero yung tawa nya hindi nawala
"Gago ang ganda ni Mae" sabi nya habang tinitingnan yung kakase namin na naka cheerleading dance. Kulang nalang wag na mag panty sa sobrang iksi ng short
Pero bawi naman sa pwet at sexy white legs... Yummy!
Binatukan ako ni Jack para magising ako sa imahinasyon ko
"Gago babae yan wag mong molestiyahin... ang lalaki di namomolestya" parangal nya, eto nanaman tayo kay ikatlong ermitanyong ng Ibong Adarna
"Alam mo brad" sabi ko sabay patong ng kamay ko sa balikat nya
"Ayon si Couch oh namumula na sa galit kasi naman kanina pa natin di pinapansin" sabi ko at ayon...
Hinampas nanaman ni Sir yung mahiwaga nyang patpat... di ko alam pero- di naman yun Magic wand ni Harry Potah- i mean Potter
"Kanina pa ako sigaw ng sigaw 5 minutes of break is done! Tama na ang dada balik sa push up!" Sabi nya at dali dali naman tong tumayo. Itong hinayupak na toh
"Yawa meh ganon iiwanan mo ako?" Tanong ko habang tumatakbo sya pabalik sa field di na pinansin yung tanong ko
"You Mr Max" tawag ng teacher ko dahilan para umayos ako ng upo at tumingin sa kanya "Yes Sir?" Tanong ko
"Why are you here?" Tanong nya habang naka pameywang. Kung di ko lang talaga toh Professor sa Esp naupakan kona toh
Tumingin ako kay Jack na sumasayaw ng 'iTs ReAlLy hURtS' habang natatawa sa amin yung iba naming klasmeyt.
Kahit kelan talaga toh pahamak. Broken ka bOi?... Bumalik ako sa sarili ko ng hampasin uli ni Sir yung kanyang mahiwagang patpat habang yumuko ako bago tumakbo papalayo bitbit yung bag namin ni Jack
"Lintek si Maam Sungit nandito" bulong ko sa sarili ko habang nag tago dun sa pinto ng classroom. Dumudungaw ako ngayon sa bintana tinatanaw si Bb sungit...
Alam nyo ba napaka sungit nyan. Ganito kasi...
Habang nag eexam gusto nya tahimik tas nung pasahan na ng test paper gusto nya social distancing. One meter tas takte may sukat talaga.
Tapos pag exam din bawal tumingin sa katabi o mang hiram ng pambura kasi pag nahuli yarks. Papasa mo agad yung paper mo
And did you know... kapag may activity kami dapat ipasa on time kapag di mo pinasa bagsak kana agad sa activity nayon
Walang wait, wait walang excuse. Pag binigyan ka ng due date tapusin mo!
Ng mawala si Maam dali dali akong tumakbo palabas pero laking gulat ko ng may tumawag ng pangalan ko
"MR YENGULIO!" Sigaw nya. Lintek patay ako nito
~
"Ma nakauwi na ho ako!" Sabi ko at nakita ko si Mama na nag lalakad papunta sa akin daladala yung kaldero
"Ano nanaman ba kasing ginawa mo at nirereklamo ka nanaman ng Maam De la torre niyo!" Sabi nya habang hinahampas yung kaldero sa balikat ko
"Mama let me explain-" sabi ko habang iniilagan yung kaldero pero sino paba mananalo syempre si Mama
"Geh mag explain ka nga" sabinnya habang pinag ekis yung kamay nya sa dibdib...
"Kasi Ma papunta na po akong Volleyball field ng makita ko sya tapos ayon nag tago ako kasi late ako... di ko naman inakalang mahuhuli nya ako" pangangatwiran ko
"Bakit kaba kasi late?" Tanong ni Mama
"Kasi Mama nag kwentuhan pa kami ni Jack" sabi ko
Habang si Mama naman hinampas uli ako ng kaldero
"Alam mo kung ako sayo. Kung mag kwekwento karin lang naman sa akin mona ikwento... lalo na kapag naka hanap kana ng maganda gandang syota!" Sabi nya
"Ito na nga ma aakyat na sige na tama na awat na... you know Ma love kita kahit pwede kang pang sabak sa world war III" pang aasar ko at bago pa ako matamaan ng kaldero kumaripas ako ng takbo sa kwarto ko
~
"So ano kaya pwedeng trabaho ang pwedeng kong mapasukan" sabi ko habang nag scroscroll dun sa social media
"Gagsti pag waiter medyo mahirap" sabi ko nung naalala kong natapon ko kay Ate yung sabaw na ulam habang nag kikilos waiter nung naun
Nag tratrain kasi ako ng sarili ko nun so ayun... sa di inaasahang pang yayari pati allowance ko nawala
Then nag scroll ako uli para makita tong guard- 50K isang buwan na sahod?
Emeged eto na ang ang hinahanap ko... baka makasyota pa ako dito ng katulong.
Mas maganda nayon kesa yung mga klasmeyts kong mag bikini sa klassroom
Kakayanin ko toh
Yengulio Max kaya mo toh
Fighting!
Mag kakasyota ka!
Plus mag kakapera ka pa!