JJ pov...
Tumingin ako sa labas ng bintana mula sa loob ng sasakyan kitang kita ang napaka gandang pag lubog ng araw
"Sir JJ mag handa na po kayo sa mahaba habang sermon ng iyong ama" pang aasar ng driver ko
"Mang Koro wag niyo ho akong takutin alam niyo namang umaabot ng hapunan yung sermon ni daddy" sabi ko at sabay kaming tumawa
"Sir may tanong po ako" sabi nito dahilan para mapatigil kami sa pag tawa
"May ano na po ba kayo?" Tanong nya
"Anong may ano?" Tanong ko
"Ahmm.. Sir yung babae pong mamahalin niyo? May nakikita na po ba kayo?" Tanong nya ngumiti ako at tiningnan sya sa salamin dun sa harap nya para makita ang ngiti sa kanyang labi
"Sa totoo lang wala pa... wala pa sa isip ko iyan" sabi ko
"Naku Sir! Mahirap na po ba mag hanap nyan? Alam niyo po ba si Mrs ko nahirapan din ako... kaya eto nag tatagal kami" pag kwekwento nya
Tumawa ako ng malakas
"Alam mo ba Mang Koro ang rules ni Daddy no dating" sabi ko dahilan para mapatahimik sya
"Syempre ako" sumandal ako sa upuan ko at tumingin sa labas ng bintana "susuwayin ko tulad ng palagi kong ginagawa" habang nakadungaw isang lalaking naka bisikleta ang pumukaw sa aking tingin
Biglang bumusina si Mang Koro dahilan para magulat sya at matumba sa daan...
"Tigil!" Sabi ko at tinigil nga yung sasakyan
Bumaba ako ng sasakyan at pinag masdan yung lalaki "Potangina ano bang ginawa ko?" Rinig kong bulong nyang mura
Pag katapos tumingin sya sa akin nag katinginan kaming dalawa bago ako ngumisi
"Hoy Tanga!" Tawag ko dahilan para mag bago yung mukha nya
"Yawa ka wampepteng pakyo for you!" Rinig kong sabi nya bago kinuha yung bisikleta
Lalagpasan na sana nya ako pero ako itong humarang sa kanya
"Oh ano aangal ka?" Tanong ko habang nakakuno yung kilay ko
Rinig ko syang tumawa ng kaunti bago ako nirampahan ng bulok na bisikleta. "Di ko kasalanan kung mabangga kita... sorry not sorry" sabi nya bago ko sya hinayaan dumaan kasi walang pakundangan kita naman sa kanya na aarangkadahin nya talaga ako
"Pakyo karen isang libo brad!" Sabi ko habang nakataas yung middle finger ko
"Sir tama na ho yan baka may makakita sa inyo" awat ni Mang Koro
"Eto na eto na uuwi na hutek, Mang Koro nakita niyo ho ba yung mukha o plaka ng bisikleta?" Tanong ko
"Walang plaka yung bisikleta tsaka nakahelmet sya Sir" sabi nya
"Putakte alis na nga tayo!" Sabi ko at kusang pumasok sa loob ng sasakyan ng kusa
"Dad Mom im home!" Sabi ko at binaba yung bag ko dun sa sofa at binigyan ng halik sa pisngi si Mom
"JJ may surpresa kaba sa akin?" Tanong ni Mama habang naka kunot noo at naka pameywang
"Mom what do you mean?" Tanong ko at lumapit sya sa tenga ko
"Kaya kaba nag cutting again para mameet mo yung secrete girlfriend mo?" Bulong nya sa tenga ko at rinig ko yung boses nyang kinikilig
"Mom alam-" bago pa ako makapag salita tinapin nya yung labi ko at kumindat sa akin ng may ngiti
"Lak akong pake sa rules ng Daddy mo basta i wanna meet that girl please darling" sabi ni Mama habang nilalagay yung mga kamay nya sa balikat ko
"Mom wala akong Girlfriend or something!" Sabi ko at inalis yung mga kamay nya
"Ito naman di mo ako matataguan aminin mona di naman ako magagalit tulungan pa nga kitang itago sya eh" sabi nya... and so ayon nahuli kami ni daddy
"Itago ang ano?" Tanong nya habang seryoso ang yung mukha nya
"Oh bat ka nandito?" Sabi ni Mom sa tono palang nya mukha syang galit
"Oh bakit pamamahay kotoh" sabi ni Daddy para tumingin sa kanya si Mom
"Spoiled brat!" Sabi nya bago tumalikod at nag lakad papalayo
"Ikaw?" Tanong sa akin ni Daddy nung una nag taka ako pero marealize ko yung ibig nyang sabihin dahan dahan akong umakyat sa taas sinundan naman nya ako
"JASON JUN ROLDAN!" Sigaw ni Daddy at ayon nagising ako sa katotohanan na nakatulog na pala ako
Madilim narin sa labas
"Naintindihan mo ba ako?" Tanong nya sa akin
"Opo-" bago ko pa completuhin yung dalawang salita hinampas ni daddy yung lamesa
"Do you think im joking?" Tanong nya sa akin
"Always makes me proud and dont fail me cause i trust you" sabi ko at ngumiti sya
Pero yung ngiting yon ay di nag tagal ng isang minuto ng mabago uli ng seryosong mukha
"Alam mo naman pala bat mo ka parin pasaway!?" Tanong nya
"Eh gusto ko po" pangangatwiran ko at bago pa nya ako upakan syempre sakto sa time
"Sir Dinner niyo na po" pag katok ng isa sa mga katulong syempre nag kandarapa na ako tumakbo palabas
"Tangina" rinig kong mura ni daddy sa office nya
Syempre ako tumakbo na sa lamesa kung saan nandun si Mommy nag hahanda ng pag kain habang tinutulungan ng mga katulong
"Yan dyan ka magaling" pang hahampas ni Mommy ng kutsara nya sa malikot kong kamay "eh gutom na ako henge ako!" Sabi ko habang pinapapak yung fried chicken
"Matuto kang maghintay!" Sabi nya at ayon nung bumaba na si Daddy dun na ako nag simulang kumuha uli pero di Daddy naman ng hampas ng kamay ko
"Aray ko nakakasakit na!" Sabi ko habang hinawakan yung kamay ko
"Mag dasal muna Yawang bata ka!" Sita nya
Pag kabukas ko ng pinto nakita ko si Mommy na nakangiti sa akin habang may dala dalang snacks sa kamay nya "Dear pwede ba tayo mag usap?" Tanong nya at tumango naman ako at pinapasok sya
Tiningnan nya yung napaka gulo kong kwarto mga notebook ko na nasa lapag tapos yung mga salawal at sando ko ren nasa kama ko, dali dali ko naman tong pinasok sa basket ng labahan at pinaupo si Mommy
"Ah Mom ano po ba pag uusapan naten?" Tanong ko, she hummed before putting down the snack in my night stand
"Honey wag mo sanang masamain itong hiningi kong pabor sa Daddy mo" sabi nya, tumango ako habang hinawakan naman nya yung kamay ko
"This upcoming summer, i decided na kailangan mo ng bantay, i mean bantay na pwede mo pang maging tropa" sabi nya
"What you mean Mommy? Gagawin mong guard yung Tropapips ko? Mommy alam monamang mayayaman na yon atsaka, alam mo rin na mag sisinungaling kami" pag dadahilan ko
"Dont waste your Money Mom" dagdag ko at huminga sya ng malalim bago sabihing
"Hindi mo tropa magiging guardia mo, i mean kumuha kami ng loyal na kaedad mo" Nagulat ako sa sinabi nya. I know my Mom can lie anytime
Pwedeng matanda yung guardiang yun and Yuck nakakadiri mag mumukha lang talaga akong ewan sa tropa ko baka kutyain pa ako
"No Mommy ayoko mag ka guardia please lang ayo-" bago ko pa matapos yung sinasabi ko
Tumayo si Mommy at tumalikod "Buo na ang desisyon wag kanang komontra pa at baka gusto mong ipadala ka namin sa thailand?" Tanong ni Mom at dali dali naman akong umiling bago nya sinarado ang pinto
Sa dinami dami ng tao bat ako pa?
Why me lord?
Why the hell me?
Pag tatawanan nila ako?
Bukas na ang last day,
Bukas narin ang Over night bakit ako pa?
Bakit ako pa?
Sinumpa niyo ba ako?
Oh sadyang may malas talaga sa tropa namin?
Huhuhubells nakakamatay ng pride Yawa!!
Naawa na ako sa Unan ko pinag susuntok ko wala naman tong kasalanan "sorry na bebe ko" pag susuyo ko bago nag dive in kasama ng unan ko
At tinulog konalang kasama sya itong dala dala kong malaking problema.