March 27, 2021
Last day of school year...
Hansol pov...
"dude nakakatawa ka naman!" pag halakhak ko kay JJ na namimilipit sa galit "alam mo kung ako sayo Hansol tulungan monalang ako makatakas sa guard kong toh!" sabi nya sa akin
"dude wala ka panamang guard kalma" pag awat ko sabay halakhak uli.
"kumpare ba talaga kita o hindi?" tanong nito "syempre oo kaya ng nung nadapa-" bago ko pa natuloy yung sinasabi ko humalakhak na ako ng napaka lakas "HaHaHa, nakakatuwa" sabi nya at iniwanan ako
"pre memorable moment mo kasi yun" sabi ko habang inaalala kung paano sya nadapa habang dumadamoves kay Nyel, crush nya since high school. Pero obvious naman na wala syang balak macrushback
Yes Mayaman sya
Yes Gwapo sya
Yes Crush sya ng kampus
Yes kayang nyang bilhin si Nyel tulad ng payo ko
pero ang lalaking toh iba, may paninindigan sya pag dating sa babae, hindi sya gumagamit ng yabang para lang mapansin
sila na mismo pumapansin sa kanya... binuksan ko yung pinto ng klassroom paramatagpuan yung tropa namin na nag tipon tipon
"Brad!" tawag ko habang kinakaway yung kamay ko "Hansol!" Pag kaway rin nila at pumunta kaming dalawa sa kanila habang binigyan ng 'Bro Hug'
"Gagsti may sabihin ako senyo" sabi ko at umupo dun sa kakakuha kolang na upuan
Tumingin ako kay JJ na sumesenyas na wag ko raw sabihin
"Brad pabayaan mosyang mag salita" sabi ni Neo sya ay....
Handsome man on the go!
Dancer na
Boxer pa
"Hansol kwento mo na" sabi nya
"So eto na nga si JJ mag kakaroon ng Guard ngayong bakasyon" anunsyo ko at lahat sila tumawa
"pre wag kayong tumawa kay JJ baka tawagin nya yung guard nya... Takot ako!" sabi ni David hbang nag kukunwaring takot
"Tumigil na nga kayo guys hindi nakakatuwa" pag tataray ni JJ "guys wag niyo nga awayin si JJ baka abangan tayo ng bantay nyan tapos may baril... BANG!" sabi naman ni Red habang nag kukunwaring nabaril
"WOOO!" pag iingay namin "di na nakakatuwa" rinig kong galit na bulong ni JJ, sa sobrang pikon tumayo sya sa kinauupuan nya at hinampas yung lamesa
"Mga putangina nyo!" pag mumura nya ng malutong "for your motherfucking information kayakong depensahan sarili ko, yung guard nayon, Tsk! i dont need him to my life" sabi nya
"teka lang bat ka ba kasi nag karoon ng guard?" tanong ni David
"kasi daw gusto ni Mom and Dad may bantay daw ako everytime na may meet up tayo, pwede ko pa raw syang itropa, like eww baka matanda na yon para tropahin" komento naman ni JJ
"baka bukas makalawa kainin mo uli yung sinabi mo tulad nung nakilala nyo ko" pag papaalala ni David dahilan para mabulunan itong si Kumpareng Red na kadadating lang pansing galing canteen dahil sa bitbit nyang orange juice
Mukha ring may naalala sa sinabi ni David
"Sorry brad" pag tawa nya habang hawak hawak yung Orange juice at damay damay na kaming tumawa maliban kay David
"Oo naintindihan ko" pag mumurmur nya habang kami dito mamatay matay kakatawa
"Brad wag kang magagalit ah" sabi ni Neo habang humahalak hak parin kami sa tawa yung iba sa amin halos lumuhod at mahiga na sa sahig
"ano ba kasi yun?" Tanong ni David
"Si JJ" sabay sabay ng sabi at hiniyaan naming itong si Red and mag tuloy
"Nag lagay ng pakening Suka as in Suka na galing sa bibig den nilagay sa bag mo before ka nya ma-" pag tawa namin at dali dali namang tumakbo papalayo itong si JJ para matakasan si David
No One Pov...
"Guys Kita tayo sa bahay mamayang 9 pm" sabi ni JJ habang kinakawan tropa nya at palabas na sana sya ng may lalaking yumuko sakanya pag kita ng may pag galang
Nung una nag taka sya dahilan para mag tanong sya, mukha kasing kaedad nya yung lalaki at naka uniporme pa ang suot "Sino ka?" Tanong nya at tumayo ng may konting pag yuko ang lalaki sa kanya
"Ako po Si Yengulio Max ako po yung guardia niyo" anunsyo ng maliit na lalaki dahilan para matawa itong si JJ
"Seryoso sila Mom and Dad? Sa liit mong yan baka hindi mo nga ako mapag tanggol kapag may nang snasnatch ng bag ko eh" pag mamaliit nya habang natatawa parin si lalaking nasa harap nya
"Sr wag niyo naman po akong maliitin" bulong niya and JJ raise his eye brow in confuse
"Bakit naman hindi?" Tanong nya
"Sr JJ black belt po iyan" pag mamalaki ni mang Koro habang napa buntong hininga naman ako. "Sigeh fine, basta wag kang masyadong pang gulo lalo na sa tropa ko... btw mag usap tayo sa sasakyan" he command and made his way to the car
Pinag buksan sya ng kanyang guardia at pinag saraduhan rin sya
Uupo na sana sa harap kaso hindi pumayag si JJ bagkus sa tabi nya ito pinaupo
"Name?" Tanong nya "Yenguli Max po" sabi nya habang nakayuko nakatitig lang sa kamay nya
"Yahhh! Wag kangang mag po baka nga mag kaedad lang ata tayo, tsaka feeling ko tuloy matanda na ako tulad ni dad" complement ni JJ dahilan para muntik ng tumawa itong si Yengulio
Pero napansin nyang nakatitig sakanya yung boss nya, kaya toda speed syang umayos
"Ah eh- Sr 17 year-"
"Oh tingnan mo mas matanda pa ako sayo, kuya JJ nalang tawagin mo sa akin"
"Pero-"
"Walang pero pero di naman kita susumbong pag nandyan sila Mom and Dad dun molang ako tawagin ng ganun, pero pag nandyan friends ko- pwede ba ako makahingi ng favor?" Pag tingin nya sa kay Yengulio habang kinuha ang mga kamay nya
Tumingin si Yengulio sa kamay hanggang sa mukha ni JJ bago tuluyang binigay ang isang bulong na 'opo'
"Pwede mo ba ako tawagin sa pangalan ko pag nandyan tropa ko, sabihin mo cousin lang kita or something... but not my guard please" sabi nito with pleading hands dahilan para huminga ng malalim itong si Yengulio bago tumingin sa driver na nakangiti sa kanila
"Sir naman" he called but JJ pleading hands never faded
"But sir mapapagalitan ako lalo na po pag sa harap nila Madam and Sir" pangangatwiran nito pero hindi iyon sapat para mawala ang pag mamakaawa ni JJ since... Pride nya rin ang nakasalalay rito
"Hindi mo naman ako kailangan tawagin sa pangalan ko kapag wala tropa ko, papayag ako sa Sir, Boss kahit mag senpai, Hyung or Oppa kadyan basta pag sa harap ng tropa wag mokong tawaging ganun" pilit na pag mamakaawa ni JJ
Huminga ng malalim itong si Yengulio bago binigay ang mabigat na Oo mula sa kanyang mga labi
"Talaga?" Tanong ni JJ habang nakatingin kay Yengulio na pilit na umiiwas ng tingin
"Syempre nag bigay na ng Oo baka bawiin pa... salamat brad!" Sabi nya sabay yakap at ito namang si manong Koro may pag ka chismoso at tumitingin sa mirror view nya mula sa dalawang nag yayakapan
"Son welcome home, oh you meet your guard honey how is he?" Tanong ng Nanay nya habang binibigyan ng welcome na yakap itong si JJ
"He is nice Mom" komento nito at nakita nyang yumuko itong si Yengulio "Sabi ko sayo magugustuhan mo sya, Max kuha mo nga ng tubig itong si JJ baka pagod kadadating lang after class" utos ng kanyang ina at sumunod naman itong si Yengulio
"Mom wag mo na syang pagudin btw aalis kayo ni Dad?" Maagarang tanong ni JJ
"Yes nak why mo naman na tanong?" Tanong nitong mommy nyang nacucurious
"Wala lang Mom mukha ka kasing bihis na bihis" palusot nito at tumawa naman ang kanyang Mommy
"Salamat at napansin mo, unlike someone who cant even appreciate small things" pag paparinig nito habang ang Dad naman nya ay pumasok bitbit ang dyaryong binabasa at tila ba walang narinig sa mga parinig ng kanyang Ina
"Mom calm down!" awat nya sa Mommy nya na gustong hambalusin itong manhid nyang ama
"Maam i think kayo po ang may kailangan ng tubig" sabi ni Yengulio habang binibigay ang tubig at dali dali naman itong ininom... "salamat Yeng" bulong ni JJ at binigyan ng ngiti ni Yengulio at kinuha ang basong walang laman ng may ngiti
"Aba nag ka mabutihan na ba in first day?" Tanong nitong Ina JJ habang pinag mamasdan ni JJ itong si Yengulio na lumalakad papalayo
"Ano naman pong masama kung makipag kaibigan ako sa guard ko? Eh kumpare kona nga si mang Koro eh" pag dadahilan ni JJ at hampas ng tsinelas ang natanggap nito sa kanyang Ina
"Dyan, choosy ka nung una tapos gaganyan karen sa huli" sabi ng ina nya bago nag lakad papalayo
"Max!" Rinig na boses ng kanyang Ina at nakita naman nyang lumapit itong si Yengulio... "i want you to look after my son all this time, dont take off your eyes on him until we came back... your not going home yet, you will stay here for 5 days" anunsyo ng Ina nya habang abot langit ang ngiti, ngiting wagi ata tong si JJ
5 days
Walang sermon, walang strikto at syempre... pwede silang mag sama sama 5 days
"Nakakabaliw natoh" bulong nya sa sarili habang iniimagine ang pwedeng gawin habang wala ang parents nya sa bahay
"Pero Ms. Roldan-"
"Yep yep yep... dadagdagan ko sahod mo this month sasabihin ko na rin sa family members mo para di na sila mag worry, pwede ka namang makipag usap sa kanila ang akin lang... wag mong papabayaan itong si JJ at ireport mo lahat ng kalokohan at sasabihin nyang sekreto sayo" pangungumbinsi ni Ms. Roldan habang binigyan ng matamis na ngiti itong si Yengulio
Huminga ng malalim si Yengulio bago tumango...
"Bye Mom and Dad ingat kayo, paki sundan narin ako baby bro or sis" Biro ni JJ habang binatukan sya ng ama nya "ito si Dad di mabiro" bulong nya
"Oh Yengulio Max take care my son, call us for any problem" paalala ni Mr. Roldan habang tinuturo itong di Yengulio na tumango at yumuko sa kanya
Ng mawala na ang magulang nag kakandarapang tumakbo itong si JJ sa telepono para sagutin ang tawag ng kanyang Tropa
"Game wala na sila Mom and Dad takas na!" Sabi nya habang matawatawa at narinig nya yung galit na galit na pag dada ng mga kaibigan nya sa telepono
"Sir-"
"Sabi ko JJ diba?" Madiin nyang sabi habang nilalagay sa kanyang bulsa ang mga kamay nya "ahm JJ" tawag ni Yengulio at ngumisi itong si JJ
"Mag sanay kang tawagin akong JJ instead of Sir or whatever pwede mo ren akong tawaging Jason, dude pre or something" sabi nya
"Ang tanong ko lang po-"
"Alisin moyang po mahahalata ka, kung uutusan kita sabihin mo ok or mag hummed or oo kalang, ituring mo kong tropa mo... dont tell me wala ka nun?" Sabay akbay ni JJ habang nanatiling blanko itong si Yengulio
"Alam mo Yengulio mag panggap kaya tayong cousin, tawagin mokong cousin, para medyo maganda" sabi nya at tumingin itong si Yengulio sa mga mata nito
"Ok" maiksi nyang bulong at masayang nag yes itong si JJ
"Partners in Crime tayo ah, kampe mo ko" sabi ni JJ habang kinakamayan itong si Yengulio na nanatiling blanko sa mga nangyayari
"Cousin nag riring phone mo sagutin mo baka syota mo yan" pag kindat ni JJ habang binitawan si Yengulio at hinayaan na makausap ang taong tumatawag para dito
"Ah yes Jack? Nasa trabaho ako ngayon-"
"DUDE WHAT THE f**k DID YOU JUST ENTER!? SERYOSO KA!? MAG RESIGN KA KAYA! WALANG NAG TRATRABAHO NG 5 DAYS STAYING IN HOUSE BAKA RAPIN KA PA DYAN NAPAKA HINAYUPAK MO PA NAMAN!" sunod sunod na sigaw ni Jack na boses nag aalala at naprapraning
"mukha ba akong babae para rapin?" Tanong ni Yengulio habang tumitingin sa bintana na abot tanaw ang magandang mga bituin at madilim na gabi
"MUKHA KABANG BABAE!? YAWA ANDAMING NAG ISIP NA BABAE KA! SA HUGIS PALANG NG KATAWAN MO PARA KANANG CHEESE STICK" pang aasar ni Jack
"Edi wow... hoy Chaka ano komento ni mama?" Tanong ni Yengulio na boses nag aalala sa kanyang ina
"Chaka karen, sabi nya ayos lang daw buhay mo naman yan kung marape ka daw, edi marape wala kanamang mauuwing supling na pwede nyang yakapin galing dyan sa bituka mo"
"Jack di ako nag bibiro" seryosong sabi ni Yengulio
"Pwes mukha ba akong nag bibiro?"
"Hampaslupa ka talaga" sabi ni Yengulio
"Atleast tanggap eh ikaw cheese stick!" Pang aasar ni Jack at rinig pa netong nandidila pa bago pinatay ang tawag
"Nakaka stress naman tong kausap" komento ni Yengulio habang hawak hawak ang ulo na tila ba problemado sa kaibigan
"Dami dami ko nangang problema dadagdag kapang hampaslupa ka" bulong nya at dalawang kamay sa beywang ang dahilan para mabitawan nya yung cellphone na hawak nya
"Sorry di ko alam na magugulatin kapala" sabi ni JJ at humalakhak
Kinuha ni Yengulio yung nahulog nyang phone at tiningnan kung may basag ito
"Dont worry bilhan kita bago, btw sino yung kausap mo? Mukha maingay... naintriga ba yon sa isang chismisan?" Pag bibiro ni JJ at tumawa itong si Yengulio bago sinagot ang tanong
"Hindi sir- i mean Cousin, sadyang pranka lang talaga itong si Jack tropa ko" sabi nito at narinig nyang nag 'tsk' ang boss nya bago sya dinuro at sinabihan ng
"Mag sanay ka nga ng JJ lang, J-J... Jason Jun The Most handsome Roldan" pag popose nito ng pogi at tumawa si Yengulio ng pilit dahil sa corny nyang boss