" Anong gusto mong bilhin? " tanog rito ni Felipe habang naglalakad sila sa loob ng building o mall.
" Bilhin? "
" Oo, ganon ang mundo ng mga tao kapag may gusto ka kailangan mong bilhin "
" Kung ganon kailangan kitang bilhin? " ganon naman ang gulat ni Felipe sa sinabi nito saka ito nilingon.
" Paano kita mabibili? "
" Tumahimik ka na nga di mo alam sinasabi mo " ani Felipe saka ito naglakad ng mabilis at hindi mapakali sa sinabi ng Bakunawa dahil alam niyang hindi naman nito alam ang pinagsasabi niya.
" Ang ganda niya " dinig niyang bulongan nang mga tao sa paligid.
" Grabe ang buhok niya " sabi pa ng mga sales lady saka nito tiningnan ang direksyon ng mga mata nila at sa Bakunawa ito.
" Ang dumi nga niya kaya paano naging maganda yan " talikod ng babae pagkatapos ma-insecure sa Bakunawa kaya napagmasdan naman ito ni Felipe at hindi naman ito madumi maliban sa damit nitong may kalumaan pagkwan bumaba ang tingin nito sa paa ng Bakunawa at ganon na lang ang gulat nito saka naupo at tiningnan ang paa niya pagkwan tumingala siya rito.
" Nasaan ang tsinelas mo? "
" Tsinelas? " nagtataka pa niyang tanong.
" Kung ganon wala? "
" Ito ang totoong ako kaya nong maalala ko ang totoo kong anyo at tigilang kopyahin ang mga taong nasa paligid ko e kung ano lang mayron ako, yon lang mayron ako at wala naman akong tsinelas o ganyan sa sinasabi mo " mahaba nitong paliwanag.
" Sakay na " hawak pa nito sa likod niya at tiningnan lang ito ng Bakunawa dahil hindi naman niya ito alam.
" Nag-iinarte ka ba? " pagtayo nito saka binuhat ang Bakunawa kaya ganon na lang ang gulat niya pero hindi naman ito gumalaw at hinayaan lang si Felipe sa pagkakabuhat rito habang nakatingin lang siya rito.
" Kaya naman pala tinatawag ka nilang dogyot eh! Dapat nagsabi ka saakin " ani Felipe ng hindi ito tinitingnan " Pero base sa tingin ko kanina wala ka namang sugat " sabi pa niya.
" Hindi naman ako nasusugatan basta basta o kung sakali man kaya ko din itong paghilomin agad dahil hindi naman ako tao "
" Nakakaproud nga naman yan " sarcastic nitong sabi " Sana all " tingin niya pa rito.
" Sana a-all? "
" Oo, expression yon kapag nagustohan mo ang isang tao o bagay " tumango naman ito.
" Sana all " mahina nitong sabi kaya gumuhit na lang ang maliit na ngiti sa mga labi ni Felipe pagkatapos ritong ma-cute-an.
" Sige na pumili ka na nang babagay sayo " paglapag niya rito ng makarating sila sa mga footware.
" Kahit alin rito? " hawak pa niya sa mga sandals dahil dito ito dinala ni Felipe pagkwan tumingin ito sa paa ni Felipe at nakaslippers ito ng may kulay na black and dark blue kaya marahan nitong binitawan ang mga sandals at tumingin sa paligid.
" Kung ganon ito ang sinasabing tsinelas "
" Oo, pero yang mga hawak mo sandals yan "
" Ibig sabihin hindi lahat ng isinusuot sa paa ay matatawag na tsinelas? " tumango naman siya rito " Akala ko ugali at pag-iisip niyo lang ang nakakalito pati pala mga tawag niyo sa bagay " nagrereklamo nitong sabi kaya natawa na lang si Felipe.
" Pumili kana nga diyan at baka dumating pa si Elias mauubos oras natin " napatingin naman siya rito ng maglakad ito at nagtungo sa mga panlalake.
" Ito ang gusto ko para pareho tayo " kuha nito sa kapares ng kay Felipe kaya naman marahan niya itong kinuha at binalik.
" Hindi ba't ang sabi ko dapat mong maisip na iba ang lalake at babae kaya naman yong mga bagay na gamit ng lalake hindi puweding pareho sa babae " paliwanag niya rito.
" Pero bakit kung iyon ang gusto ko? "
" Hindi ako magpapaliwanag basta sumunod ka na lang " hawak niya rito saka binalik sa mga pambabae " Ngayon dalawa na ang natutunan mo paano makihalubilo sa mga tao " sabi pa niya pero nakasimangot ang Bakunawa.
" Pumili kana "
" Wala naman akong gusto diyan kaya hindi ako makakapili " sabi pa niya.
" Hindi mo rin naman gusto yong kanina dahil ang totoo gusto mo lang akong gayahin " hindi naman ito umimik pa.
" Kung ganon ako na lang ang pipili para sayo di hamak na mas may sense of fashion din ako " sabi pa niya saka hinanapan ang Bakunawa.
" O.. ito! baka matapon mo kung tsinelas o sandal ang bibilhin ko sayo dahil sa tingin ko first time mo pa lang gumamit nang sa paa kaya naman mas okay ang doll shoes " pag-iisip nito.
" Ayan isukat mo na " ani Felipe kaya lang tiningnan niya lang ito dahil doll shoes nga ito naiiba sa kay Felipe.
" Akala mo naman si Cinderella ka para magpasuot pa " asar nitong sabi saka lumuhod sa paanan ng Bakunawa.
" Ang dumi ng paa mo ha " at hindi na niya rito pinasuot para isukat dahil marurumihan ito kaya sinukat niya lang ang haba ng paa nang Bakunawa. At pagkatapos niya itong mabayaran binuhat niya itong muli at dinala sa comfort room. ng mga lalake dahil wala naman din kasing masyadong tao rito.
" Ilan sa tingin mo ang tao sa loob?" tanong niya rito.
" Dalawa " ani Bakunawa.
" Anong ginagawa nila? "
" Katulad sa ginagawa mo "
" Kung ganon matagal pa sila " ani Felipe " Maglaho ka na lang kung sakali mang sa labas sila o sa salamin para hindi ka nila makita kailangan mahugasan muna ang paa mo " ani Felipe saka ito pinasok at napatalikod ito ng may umiihi pala.
" Bakla ka ba? " tanong pa ng lalake pagkatapos magzipper at lumabas kaya ganon na lang ang asar niya sa Bakunawa dahil buhat buhat nga niya ito at yon ang dahilan bakit siya tumalikod para itago sa Bakunawa na siya namang inisip ng lalake na bakla siya.
" Ang sabi mo naliligo " ani Felipe saka nito narinig ang pagflash pa ng lalake sa loob ng toilet mismo saka ito lumabas din.
" Ang sabi ko katulad sa ginagawa mo at hindi naliligo " agad naman niya itong pinaupo sa may harap ng salamin.
" Sandali! umihi at tuma* yong dalawa rito kanina at sinasabi mo bang iyon ang ginagawa ko? " inosente naman itong tumango.
" Kung ganon hindi lang sa pagligo ko ang nakita mo kundi pati ang mga yon? hindi nito magawang bigkasin " SOBRA KA NA!!!! "
" Kapag sumisigaw ka nararamdaman kong dumidilim ang awra mo kaya nagagalit ka " kumalma naman ito sa sinabi ng Bakunaawa.
" Tama, wala siyang alam kaya okay lang yon " paghinga pa niya ng malalim " Kung ganon nakita mo na lahat ng nasa loob ng damit ko? " tumango naman ito.
" Kahit naman may damit ka kung gugustohin ko.. magagawa ko dahil makapangyarihan din ang mata ko kaya ko ngang patagosin sa pader sa suot mo pa ba? "
" Haist! di bale na nga " may asar nitong sabi " Pakiramdam ko sirang sira na ang dignidad ko sa babaeng ito pero hindi ko naman masasabi kung m******s siya... sandali ano kayang reaksyon niya? nalakihan ba siya? maliit? ano kaya ? " mga titig niya rito.