7

1893 Words
Alora’s POV:  “Ate Alora! Ate Alora!” Yugyog sa’kin nila Hunter at Hail.  ‘Di ko kayang magising, late na ko nakauwi kagabi, alas-dos? Alas-tres? Pagod pa ko! “Ohh, ano ba!” Humarap ako sa pader at ginamit ang unan ko pang-takip sa mukha.  “Ate, si ate Franchesca na sa baba ngayon, may pupuntahan daw po kayo,” Yugyog parin ni Hunter sa’kin. ‘Di ako kumibo ng ilang saglit dahil bumabalik na ulit ako sa tulog. “Ate!” Sigaw ni Hunter.  “Ano?!” Sigaw ko pabalik kahit nakatalikod pa rin ako sa kanya.  “Si ate Franchesca na sa baba ngayon may pupuntahan daw po kayo! Bilisan mo raw po!” Hinihila na ngayon ni Hunter ‘yong kamay ko pero hindi pa rin ako bumabangon at nakabalik na ulit ako sa tulog.  Tumahimik ‘yong paligid. Mabuti naman.  “Aray!” Sigaw ko at sinipa ‘yong tumalon sa’kin. Nakarinig ako ng dabog sa sahig.  “Jusko Alora! Ang sakit ha!” May kumurot sa’kin at tanggal ng kumot sa katawan ko sabay hila sa’kin.  “Gumising ka na bruha!” Sabi niya at iniwan niya kong nakahiga sa sahig.  Umupo ako at sumandal, naningkit ‘yong mga mata ko at nakita ko si Franny na may kinakalikot sa cabinet ko.  “Franchesca! Ba’t nandito ka?!” Sigaw ko at hinagis ang unan ko sa kanya, hindi naman siya natamaan. Hinila niya ko sa braso para naman makatayo na ko.  “Aalis tayo,” Sabi niya sa’kin at binigay niya sa’kin ‘yong mga damit na nakuha niya sa cabinet, tuwalya sabay tulak sa’kin papunta sa CR at ni-lock niya ko roon.  “Hoy! Franchesca! Ano ba! Saan ba tayo pupunta?!” Sigaw ko mula sa loob, jusko, anong nangyayari rito sa babaeng ito? “Bilisan mo! Maligo ka na at sasabihin ko kung saan tayo pupunta!” Sabi niya sa kabila, umirap na lang ako kahit hindi niya ko nakikita at naligo at nagbihis na lang.  Gusto ko lang sana sa bahay lang ngayon pero hindi, ito naman si Franny may gusto na naman puntahan, jusko! Hindi na ako nakakapag-pahinga sa babaeng ito.  Naligo at nag-bihis na ko at lahat na, nakasuot ako ng simpleng black blouse at ripped jeans, nag-sneakers na rin ako. Mabuti naman at naisipan ni Franny na bigyan ako ng komportableng damit. Kinuha ko na ‘yong sling bag ko at nilagay ‘yong mga dapat ilagay sa bag ko.  Dinala ko na lang ‘yong suklay ko pag-baba ng hagdan at nakita ko na nakabihis rin sila Hunter at Hail. Kumunot ang noo ko sa nakita ko.  “Saan kayo pupunta at nakabihis kayo ng ganyan?” Tanong ko habang sinusuklay ko ‘yong basa kong buhok.  “Ay, nga pala, isasama natin sila.” Sagot ni Franny mula sa likod ko, humarap ako at nakita ko ang suot niya, olive green na tube top at naka-tuck-in sa black na jean skirt. Naka-jean jacket din siya na green at naka-low-cut converse.  “Hindi ako aalis ‘pag hindi mo sabihin kung saan tayo pupunta.” Tinitigan ko siya ng mariin. Naha-high blood ako rito kay Franny ha! Ang aga-aga. “At saka, hindi ba dapat may pupuntahan kayo ni Miles ngayon? Ba’t nandito ka?” Tanong ko ulit, tinignan ko ‘yong orasan na nakasabit sa may sala namin. Alas-diyes na pala ng umaga.  Narinig kong bumuntong hininga si Franny at umupo sa sofa namin. “ ‘Yon na nga. Aalis nga kami kaya nga naman nakaporma ako pero last minute, na-cancel, bad trip.” Sumimangot siya. Halata naman siguro na nag-e-expect siya na mag-kikita sila ni Miles.  Walang kwenta rin pala ‘tong si Miles eh, charot! Naawa naman ako kay Franny at tumabi sa kanya, niyakap ko siya at parang nabigla siya. Alam ko hindi siya sanay sa mga ganitong gestures.  “Sige na nga! Alis na tayo.” Sabi ko na lang para hindi na siya malungkot. Tumayo na ko at sinabihan sila Hunter at Hail na mag-sapatos na.  “Talaga?!” Talon niya mula sa sofa at nakangiti ng abot tenga. Natawa na lang ako, at tumango.  Makita ka lang masaya.  “Tara na, para makauwi rin tayo agad.” Sabi ko at nag-si-labasan na kami ng bahay.  Wala ngayon si Papa, umuwi sa probinsya namin para maalagaan si Lola. Kaya ako muna ang mag-babantay ng bahay at ng mga kapatid ko. Kung puwede lang sana sumama edi sumama na kami kaso hindi kami puwedeng mag-absent sa school, kaya naman no choice kami na maiwan muna ng ilang araw. Nakapasok na kami sa mall at hawak-hawak ni Franny si Hunter sa kamay at ako naman karga-karga si Hail.  Dahil Sabado ngayon, madaming tao. “Fran, hawakan mo yan si Hunter ng mabuti, ha! Baka mawala.” Sabi ko kay Franny. Baka mamaya ‘di niya mapansin na nawawala na pala ‘yong kapatid ko.  “Oo, trust me!” Aba! Nag-english pa nga. Tinarayan ko na lang siya. “Oh, anong gagawin muna natin?” Tanong niya naman.  “Kain na muna kaya tayo, alas-dose na tapos nood tayo ng sine,” Aya ko sa kanila. Excited naman sila Hunter at Hail kaya hindi ko na mababalik ang mga sinabi ko. Ito naman si Franny excited rin. Tumango-tango pa.  “Sige ah, sabi mo ‘yan! Wala akong pera ngayon kaya ikaw na muna.” Aba! Ang duga!  “Huh? Akala ko ba ikaw man-lilibre sa’tin?” Tanong ko ng pabiro. Nan-laki ang mga mata niya sa’kin at tinignan rin naman ako nila Hunter at Hail.  “Ano?!” Nagtaranta agad ito si Franny, “Ano? Window shopping lang ba tayo? Jusko! Dapat di na lang tayo umalis kung gano’n.” Arte siyang nagreklamo. Umirap na lang ako. Ang arte ha! “Charot lang, meron akong pera, hindi pupunta sa mall kung wala naman.” Sabi ko at inunahan na lang siya sa paglalakad.  Naisipan namin na kumain sa Mang Inasal, barbeque sa’kin at nila Hunter at Hail at kay Franny naman ay chicken leg lang. Grabe ang takaw ng babaeng ito. Nakailang tawag na siya sa taga bigay ng kanin. Sa bagay, Mang Inasal nga naman, mapapakain ka talaga. Binayaran naman na ni Franny ‘yong sa kanya. At sabi niya na wala siyang pera. Whatever na lang.  “Hail, gusto mo ng halo-halo?” Tanong ko sa kaniya habang humihigop siya ng sabaw. Tumango na lang siya at tinignan ko sila Franny at si Hunter. “Kayo? Gusto niyo?” Tanong ko, tumango naman rin sila at inabutan ako ni Franny ng 500, kumunot noo ko.  “Ako na sagot sa halo-halo natin.” Alok niya sa’kin, napangiti naman ako sa kaniya at tumayo na ko.  Medyo mahaba-haba ‘yong linya, syempre, Mang Inasal, hindi mawawala ang dami ng tao rito. Inabala ko na lang ang sarili ko sa cellphone ko.  “Huy! Alam mo ba! Yeieieeeeieiei!” Tili ng isang babae sa likod ko.  “Ano ba ‘yan! Umayos ka nga,” Reklamo ng kasama niya.  “ ‘Yong boy group na Clover!” Tili niya ulit. Nadirekta ang atensyon ko sa kanila. Alam kong masama ang mag-eavesdrop pero hindi ko mapigilan kaya nag-kunwari na lang ako na nag-ce-cellphone.  “Oh? Anong meron sa kanila? Alam ko na nag-concert sila sa isang school kahapon, sayang nga na hindi tayo nakapunta.” Pagtatampo ng kasama niya.  “Hindi! Hindi ‘yon! May nakita ako! May jowa na raw si Colton Fuentes!” At do’n na ko na muntikang mabagsak ang phone ko.  “Ha?! Hindi nga!” ‘Di makapaniwala ‘yong kasama niya.  Ano raw? Si Colton? May girlfriend? Naramdaman kong bumibilis ‘yong t***k ng puso ko at pinag-papawisan ako.  Hindi, baka fake news lang ‘yan. Oo, fake lang ‘yan. Rumor?  “Oo!” Sabi niya, “Ito, oh!” Pinakita niya ‘yong cellphone sa kasama niya.  “Hala! Hindi nga! Trending sa twitter!” Sabi ng kasama niya.  Dali-dali kong binuksan ‘yong twitter ko at hindi nga sila nagkakamali, trending si Colton. Nararamdaman ko ‘yong luha ko but I won’t jump into conclusions. Mga paparazzis at journalists nga naman kung anong makita nila gagawa na lang agad ng storiya.  Pinidot ko ‘yong hashtags at ramdam kong lumilipad na ang kaluluwa ko. Puro tweets tungkol kay Colton “Hindi nga! May girlfriend na si Colton Fuentes?!”  “Huhuhhuhuhuhu! Taken na si Colton!”  “Hala! Ba ‘yan! Ang swerte ng jowa ni Colton Fuentes! T ^ T”  “Rumors lang ‘yan guys, hindi pa confirmed by the agency or by the boys.”  “Support na lang ako sa kanila, kung saan siya masaya.”  Ginagawa ko talaga ang lahat ko para mag-pigil lang. Hindi, hindi totoo ‘yan, rumors lang daw ‘di ba sabi ng isang tweet? Oo, rumors lang, rumors. Hindi totoo ‘yan. Jusko! Ayaw ko na.  “Um, miss?” May nag-tapik sa balikat ko, tumingin ako sa likod ko.  “P-Po?” Tanong ko na lang.  “Kayo na po mag-o-order, kanina pa po kayo tinatawag.” Sabi sa akin. Humarap na ulit ako at nakita ko na ako na nga ang mag-o-order.  “Ay, sorry po.” Mahina kong sinabi at umurong na. “A-apat pong halo-halo.” Nauutal kong sinabi. Pinunch na ng cashier ang order ko, “For dine-in? Or take out, ma’am?” Tanong niya sa’kin. “O-opo,” mahina kong sabi habang nakatulala.  “Ma’am? Dine-in or take out po?” nakangiti niyang saad.  “Ay! S-sorry, um, dine-in po.” Kabado kong sabi at kinuha ko ang sukli. Buong araw kong iniisip ‘yong narinig ko kahit proven or not, nararamdaman ko ‘yong malakas na kabog sa dibdib ko. Hindi ako mapakali. Nakakainis talaga! Hindi ako papatulugin nito. “Huy! Kanina ka pa nakatulala.” Sabi sa akin bigla ni Franny, nakauwi na pala kami. Sa kakaisip ay hindi ko namalayan nakauwi na pala kami. “A-Ah, pasensya na. Sige ingat!” Ngiti ko pero alam na alam ni Franny na may problema ako. Kahit hindi naman ito gaanong kalaki.  Papasok na sana ako sa gate pero hinawakan niya ang braso ko. “Ayos ka lang? Kanina ka pa ganyan.” Halata naman sa mukha niya na nag-aalala siya sa akin pero sinubukan kong mag-mukhang maayos sa harapan niya.  Baka sabihin niya sa akin na nag-iinarte lang ako dahil sa taong hindi naman ako kilala. Pero masakit naman. “Oo, ayos lang ako, puyat lang ako kaya ‘wag ka na mag-alala. Sige na mag-ingat ka ha!” Ngiti ko at dali-daling pumasok ng gate.  Halata naman na hindi siya nakumbinsi sa act ko pero tumango na lang siya, kumaway, at nag-lakad na paalis.  Gabi na at tulog na sila Hunter at Hail. Ako ay na sa baba at nanonood ng TV pero hindi naman talaga ako nanonood. Gusto ko lang ng konting ingay para hindi ko marinig ang mga boses sa utak ko.  Kalat na ‘yong “rumors” ni Colton. Napabuntong hininga lang ako at sinandal ang ulo ko sa armrest ng sofa at pinikit ang mata sabay patay ng phone ko.  Hindi ko inaasahan na darating ang puntong may darating sa buhay niyang mag-ma-mahal sa kanya at aalagaan siya. Ba’t ngayon ko lang na-realize?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD