6

2137 Words
Alora’s POV:   The music blared through the speakers, the effects on point and here I was standing by the right wing. Niyayakap ko ‘yong clipboard malapit sa dib-dib ko. Kinagat ko ‘yong ibaba kong labi at pinipigilang ngumiti. KINIKILIG TALAGA AKO! Nararamdaman kong bumabagal ang ikot ng mundo at kay Colton lang ako nakatingin, I admired him so much. Bagay na bagay talaga sa kanya ‘yong costume para ngayong gabi. Para akong tangang nakangiti, halos maramdaman ko nang dumudugo ang aking labi dahil sa tigas kong kagat. Colton Fuentes, you’ll be the death of me.  Sumasabay ako sa kanta nila at sumasayaw na rin, ang daming tao sa baba ng stage. Nagsisigawan at tilian. ‘Yong iba ay may dala pang banners na may pangalan sa paborito nilang miyembro. Maririnig rin silang sumasabay sa kanta nila. Naging concert na nga pero may advantage rin naman ang school namin hihi! Ramdam ko ang pawis, ang init dahil siksikan nga naman kahit na sa right wing ako ng stage at malayo ro’n sa crowd pero ‘yong atmosphere ay mainit. Unang concert ko nga pala ito, ganito pala ang feeling.  Suffocating yet exhilarating at wala na akong ibang hihingin. Kabisadong-kabisado ko lahat ng kanta nila pati na rin ang mga dance steps sa iba nilang kanta.  Hindi ko na namalayan na lumilipas na ang oras, masyado nakatuon ang atensyon ko sa kanila, sa kanya.  Hindi ko na namalayan na last song na pala nila, kinabit na nila ‘yong mga mic sa stand nila at tumugtog na ‘yong final song of the night.  Nagsitaasan na rin ng flashlight ang crowd at mukha silang mga bituin sa madilim na langit.  Fly High Midnight… 4 years ago Hatinggabi na, hindi ko alam ang mararamdaman ko. ‘Di ko rin naman alam kung saan naman ako patungo ng ganitong oras. Nilalamig ako, sana naman nagdala ako ng jacket pero dali-dali akong umalis kaya nakalimutan ko na.  Pumasok ako sa Dunkin’ Donuts, tutal, 24 hours naman ‘yon. Nag-ring ‘yong bell nila, senyales na may pumasok at napatingin sa’kin ‘yong nagtratrabaho roon.  Tingala kong tinignan ‘yong menu nila sa taas, “Isa pong hot chocolate, large na po.” Sabi ko, tumango-tango na lang siya at pinunch ‘yong order ko.  “ Hot choco lang po?” Tanong niya, tumango na lang ako. Inabutan ko siya ng 100 bill, buti na lang may dala akong pera. “Upo na lang kayo ma’am, dalhin ko na lang sa inyo.” Sabi niya at ngumiti, tumalikod na lang ako at umupo malapit sa bintana.  Nagbuntong hininga na lang ako, pagod na ko at gusto ko na matulog kaso hindi ako pinapatahimik ng konsensya ko at papaano naman ako makakatulog nito?  Sinandal ko na lang ang ulo ko sa may salamin, di ko na alam ang gagawin ko talaga. “Isa pong large hot chocolate,” Inilapag niya sa harapan ko ang inorder ko, tumingin ako sa order ko at di na nagsalita pa. Umalis na lang siya.  Hindi ko pa mainom ‘yong hot chocolate, masyado siyang mainit.  Hinila ko mula sa bulsa ko ang earphones pati na rin ang phone ko. Sinaksak ko ‘yong earphones at nanood na lang ng videos sa Youtube. Sa kalagitnaan ng pinapanood ko ay nag-ring ang phone ko.  [Anak? San ka nagpunta?] Alalang nagtanong si Papa sa kabilang linya.  “Nandito lang po sa Dunkin Donuts sa tabi, Huwag po kayong magaalala babalik rin po ako agad.” Sabi ko na lang, wala akong gana makipagusap ngayon.  Huminga siya ng malalim, [Hindi, diyan ka lang. Delikado, pupuntahan na lang kita. Tatawagin ko ang tita Jessie mo.] Saad niya.  Ramdam ko pabigat ako, inabala ko pa si Papa.  Tumango na lang ako pero naalala ko na hindi niya pala ako nakikita, “Sige po.” Mahina kong sinabi at binaba na lang ang tawag.  Pinag-patuloy ko na ulit ang pinapanood kong video hanggang sa nag-ad. Hays, Youtube bakit ka ganito? Pero hindi ko inaasahan na isang music video pa ito.  Namangha naman ako sa music video, hindi siya energetic pero may meaning ‘yong kanta. Ang ganda ng music video.  ~ I’ll miss you till my last... ~  ~ Don’t forget me, even if I’m not here, I’ll be... ~ Nakatulala na lang ako, hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Tagaktak ang luha ko sa pisngi.  Tinignan ko ‘yong title, Fly High Midnight by Clover, I’ll remember this.  Curious ako kung sino sila, kaya naman pinindot ko ‘yong channel name nila. Clover ang bumungad sa’kin nang maidala na ko sa kanilang channel.  Isa-isa kong pinanood ‘yong mga music videos nila at namamangha ako. Ang galing nila, halos kumikinang ang mga mata ko.  Ang ganda rin ng mga kanta nila. Ang gaganda rin ng mga boses nila.  For a moment, I felt at peace and forgot about the world. Saglit kong kinalimutan ang lahat nangyari ngayon lang.  Isang lalaki ang kumuha ng buong atensiyon ko. Sino siya?  Ang gwapo, matangkad, pero mukhang bata pa, siguro kasing edad ko lang pero mas matanda pa, brown ‘yong buhok at mata.  Pinanood ko rin ‘yong mga vlogs nila dahil nag-re-recommend, parang hindi ako nagiiyak kanina lang ah. Pero mabuti nga na hindi na ako umiiyak.  Sinearch ko sila sa google, napangiti naman ako sa mga articles tungkol sa kanila. Nakita ko rin ‘yong mga tungkol sa kanila. Binasa ko iyon at ang interesting nila.  Mukha tuloy akong stalker nito. Ace Caspian, 19 years old Jax Llarena, 18 years old Sebastian Vergara, 18 years old Geddrick Casas, 17 years old Colton Fuentes, 16 years old Colton...Fuentes? Siya ba yo’n? ‘Yong kumuha ng atensiyon ko kompara sa apat? Pinidot ko ‘yong pangalan niyang nakahighlight at ayon, siya nga. He’s mesmerizing.  “Alora! Ayos ka lang?” Sigaw ni Faris na katabi ko lang, nawala ako sa aking isipan.  “H-Huh?” Nauutal kong sinagot siya. Pinasahan naman niya ako ng tissue kaya kumunot ang noo ko.  “Bat ka umiiyak?” Tanong niya sakin, bakas sa mukha niya nagaalala siya para sakin. Kinapa ko ang pisngi ko at hindi nga siya nagkakamali dahil basa nga ito ng luha ko.  Natawa naman ako at kinuha na ‘yong tissue mula sa kamay niya at tumago, “Oo, ayos lang ako, naiyak lang ako sa kanta, may naalala lang.” Rason ko na lang.  Tumango na lang rin siya at hinyaan ako. ‘Di ko napansin na tapos na pala sila sa performance, tinignan ko ‘yong relo ko at laking gulat ko na makita na 12 ng hatinggabi, ang tagal rin ha.  Tumitigil kasi sila kada song, anim na kanta ang kinanta nila at tumitigil sila para makapag-interact sa mga fans nila. Mga Q and A o kaya storytelling gano’n.  “Wow! It has been a pleasure performing for you all!” Sabi ni Sebastian Vergara, nagsitilian at sigawan ‘yong mga tao. Ngiting-ngiti naman ‘yong grupo.  “We would like to give our gratitude to the Principal of this school, Principal Cuevas thank you for having us!” Palakpak naman ni Geddrick Casas, nagpalak-pakan naman ang mga tao ang iba nag-che-cheer pa.  “We would also like to thank you for coming and for the students who have helped set up this whole thing.” Si Colton naman ngayon ang nagsalita at naramdaman kong nanghihina ang mga tuhod ko.  Totoo ba iyon? Siya ‘yong nagsalita, hindi ba?  Ramdam kong mahihimatay ako, ang OA ko masyado pero sino naman hindi ganito ang reaction kung ‘yong taong patay na patay ka ay na sa harapan mo lang pero ba’t parang ang layo parin?  Nagclap naman ang mga tao, ‘yong iba ay umiiyak pa, kumakaway ang mga tao at isa-isa sa grupo ay pumunta na sa backstage para makabalik na do’n sa kwarto.  Dinaanan nila ako, pagod na pagod ang mga itsura at pawis na pawis pero ang babango parin at gwapo.  Sinundan ko sila pabalik, nakapalibot na ang mga fans nila sa kanila nang makita nila ‘yong grupo, hinayaan naman nila na makipag-interact sila, makipag-picture at autograph. Ilang oras ang lumipas ay inilayo na nila ang crowd at pinabalik na sila.  “Good job everyone!” Sabi ni Warren, pumalakpak naman ‘yong mga taong kasama ko at ako, pumalakpak naman rin ‘yong grupo. “Thank you Alora and everyone for making everything go smoothly, I assume that you’re all tired now.” Ngiti niya samin.  Nahiya naman ako, “Para sa grades toh kuya!” Sigaw ng isang Senior namin. Natawa naman ako.  “Para sa grades nga naman,” Inulit ko ang sabi at ngumiti. Masaya ako dahil naging successful ‘yong event ngayon. Nagsi-ayos na silang lahat at pinatawag na rin nila ang driver.  Halos umalis na lahat ng tao at naguwian na sila pero may mga natira pa, may maglilinis naman nitong lahat bukas, ‘yong iba ay nakikitambay pero mostly ay ‘yong mga taga-dito sa school namin. Nagrambulan pa nga sila nang makita sila Colton, nakikuha pa nang autograph ang picture pa.  Pinanood ko na lang sila sa distansya, parang tangang nakangiti o kaya parang proud na nanay.  “Bulaga!” Sorpresa ni Franny mula sa likod ko, napasigaw naman ako pero tinakpan ko agad ‘yong bibig ko para hindi makakuha ng atensyon nila. “Gaga.” Hila ko ng mahina sa buhok niya. Natawa naman ang halimaw. “Oh? Ano? Kamusta kayo ni Miles?” Tanong ko agad sa kaniya.  “Hm,” Nagkunwari siyang nagiisip hanggang sa naging abot tenga niya ang ngiti. “Inaya niya ko magsine bukas!” Tumili pa nga, pero good for her ha! At least ngayon si Miles naman ang aabala niya. “Sama ka bukas.” Tinaas baba niya ang mga kilay niya.  Tinignan ko naman siya na parang tanga, “Ano ka! Hoy! Hindi, ayaw ko magpapahinga ako bukas, magiging third wheel lang ako niyan.” Sabi ko at naglakad na patungo sa gate. “Dali na! Bukas! Please!” Hila niya sa braso ko upang tumigil ako sa paglalakad.  “Kaya mo na yan, malaki ka na.” Sabi ko at hinila ko ‘yong braso ko mula sa hawak niya.  “Hmp!” Tampo niya sakin, “Sige na nga! Pangit mo ka-bonding, pero kung nagbago ang isip mo ay puwedeng-puwede ka.” Sabi niya at nagpatuloy na kami sa paglalakad.  Nakalimutan ko! HALA!  Takbo akong bumaba sa ramp papuntang front gate, s**t! Pasakay na sila ng van!  “Hoy! Alora! Ano bayan! Teka!” Sigaw ni Franny sa likod ko.  “Wait lang!” Sigaw ko kay Warren nang isasara na niya ‘yong pinto ng van nila. Napatigil naman ako sa pagtakbo at hingal na hingal. Kumunot naman ang noo niya at si Franny rin na hinihingal at bakas sa mukha niya ang pagtataka.  “Pasensya na…” Sabi ko habang hinihingal pa, grabe ang hirap tumakbo. “Pa-autograph naman po ako sa kanila.” Makaawa kong sinabi at nakatingin kay Warren.  Natawa naman siya at binuksan ang pintuan ng grupo. Tumingin naman sila sa’kin. “Mukhang may humabol pang isa.” Namula ang pisngi ko. “Pa-autograph po,” Sabi ko at hinila ‘yong notebook ko sa bag, isang notebook ayos na ‘yon. Nginitian naman ako ng iba at pinasa-pasa nila ‘yong notebook ko, “Ay at pa-pic na rin po!” Sabi ko at nagayos naman sila sa likod ko habang inalok ko si Franny na kuhanan niya kami, tinarayan niya naman ako.  “Okay na po ba?” Tanong ni Sebastian sa’kin. Malaking ngiti ko siyang tinanguan at pinasalamatan.  “Alora hindi ba?” Tanong sa akin ni Geddrick. “Ah opo!” Sagot ko naman pabalik.  “Well you did a good job, Goodnight and thank you.” Kinindatan niya ako.  KININDATAN AKO NI GEDDRICK VERGARA! PUWEDE NA KO MAMATAY NANG MASAYA! Nagpaalam naman na silang lahat, except kay Colton, mukhang tulog na agad pagkatapos magpa-picture.  Sinarado na ni Warren ‘yong pinto nila at humarap siya sakin, “Thank you Alora, you did a good job along with the others, stay safe and goodnight.” Ngiti niya sakin at sumakay na siya sa harapan.  “Goodnight…” Sabi ko at parang dazed pa ko.  “Gaga! Akala ko naman kung anong meron, magpapa-autograph at pic ka lang pala!” Binatukan niya ako at nauna na siyang maglakad.  Hindi ko na ‘yon pinansin at naglakad na rin nang mabagal, tinitigan ko ‘yong picture ko na kasama ng grupo at ginawang wallpaper iyon.  “Hoy teka!” Sabi ko at humabol kay Franny. Ang saya ng araw na ito. It was the best moment in my life and I would want to do it over again. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD