5

2229 Words
Alora’s POV Siya nga, sila nga ‘iyon! Are my eyes deceiving me? s**t! Anong gagawin ko?! Dapat bang masaya ako? O dapat bang kabahan ako? Natatae ako! Nararamdaman kong humihiwalay na ang kaluluwa ko mula sa katawan ko! Dumating na rin ang araw ng foundation day, nagkakagulo ang buong school, puro tilian at sigawan. Kahit mga taga ibang school ay narito rin. Jusko! akala ko ba para sa school lang namin ito? Mukhang magpapa-concert ang school namin.  Sa’n kaya nila nakuha ‘yong budget para rito? Higit sa lahat, paano nila na contact yung grupo? “Pakasalan mo ko, Ged!” Sigaw ng isang fanboy na nasa crowd.  “SEBASTIAN! SEB!” Sigaw ng isang babae. ‘Nyeta! Ang daming tao, jusko!  “Finn! Call backup!” Sigaw ko sa walkie talkie dahil sumosobra na sila. “Ito na! Ito na!” Sigaw niya pabalik sa kabilang linya at dumating ang mga extrang guards para tulungan ang grupo na dumaan sa crowd. Ang ibang members ay nagpapa-picture at ‘yung iba nagpapa-autograph pa. Nilalayo ng mga bodyguards ‘yung crowd sa kanila. Safe distance.  Sana ol! Mamaya na lang ako, hihihihi! Pina-sunod ko ang mga bodyguards nila sakin at pumunta sa isang secluded area rito sa school. Nakahinga naman ako nang maluwag nang makapasok na kami.  Narealize ko na ako ang mag-aasikaso sa kanila.  s**t! IT’S MY TIME TO SHINE! “U-Um, Hi! Yes, sorry for the inconvenience earlier,” Ngiti ko, nautal pa ‘ko ng konti. Konti lang naman. Sumulyap ako kay Colton na nasa likuran at nakitang sinusuri niya ang silid para sa kanila. Naaamoy ko ang pabango niya mula rito sa kinatatayuan ko. Ang bango bango naman! Ang saya siguro niyang amuyin buong na araw. Char! Namula naman ang mga pisngi ko at pinigilan ang kilig! Tiling-tili na ko pero ‘wag muna ngayon! Kailangang magpaka-dalagang Pilipina muna tayo. ‘Di ko alam ang nararamdaman ko, saya ba? Kilig? Kaba? Mahuhulog panty ko rito, jusko!  “Okay lang, Miss-” Pinigil ng lalaki ang sasabihin niya, nakaputing dress shirt siya at naka-slacks na black at black na formal shoes. Matangkad, light brown ang buhok at brown na mata, maputi rin. “Um, Miss? what’s your name pala?” Tanong niya sakin.   ‘Di ko namalayan na nakatitig na ako kay Colton, “ Ye-yeah, sorry! Ako nga pala si Alora Lim, you can call me Lora, I’m one of the stage managers here.” Ngiti ko at niyakap ang clipboard na hawak-hawak.  “Nice to meet you, Alora. I’m Warren, I’m the manager of Clover.” Ngiti niya sakin, ‘di ko mapigilan ang ngiti ko. Shutamels! Lowkey kinikilig! “Anyways, this way na lang po tayo.” Sinenyasan ko na sundan nila ako at nagtungo kami sa isang air conditioned na kwarto.  Biglang tumunog ‘yung walkie talkie na hawak-hawak ko sa kamay. “Alora! Nasaan ka?” Tanong ni Matthew sa akin.  Nag-si-tinginan sila sakin. Tumingin naman ako sa kanila, nag-excuse, at tumalikod na. Shuta! Hindi ko kaya ‘yung titig nila, ‘yung titig niya.  “Nandito sa isang faculty room, ‘yung sa pinaka dulo ng ground floor,” Sabi ko sa kanya nang mahina, “bakit? May problema ba?” Naguusap na ulit sila, nagbi-biruan, nagta-tawanan at nagchi-chikahan.  “Ah, wala nama,” Sabi niya mula sa kabilang linya. “may mga minor difficulties lang.” Lumiit ang boses niya, napakunot naman ako ng noo ko.  “Minor? Pa’nong minor difficulties?!” Taranta kong sinagot si Matthew. Kailangang maging perfect ‘to.  For you.  “Wala naayos naman na namin, by the way, hinahanap na kasi ni Principal Cuevas ‘yung grupo.” Sabi niya sa kabilang linya.  “Ah, ganon ba? Sabihin mo kasama ko na sila. Sa ground floor ‘yung kwarto sa pinakadulo no’n.” Saad ko sa kanya.  “Sige, sige. Ay! Punta ka na rin dito pagdating ni Sir, ha? Para maayos na ‘yung stage.” Sinabi niya, bago pa ko makasagot ng oo, pinatay na niya ang walkie talkie niya.  Minasahe ko na lang ‘yung sentido ko at huminga nang malalim sabay tingin sa mga papel na nakakabit sa clipboard.  Bawal ang ma-stress, magkaka-wrinkles tayo at tatanda tayo ng maaga. At, isa pa, nandito sila Colton, kailangan presentable ako sa harap niya. Hehehehehe! “Okay lang ba ang lahat, Alora?” tanong bigla ni Warren, halata naman sa mukha niya na nagaalala siya.  “Ah, oo, ayos lang ang lahat, ‘wag ka’ng mag-alala. Gutom ba kayo? o nauuhaw? Pwede ako magpadala rito ng mga pagkain kung sakali.” Tanong ko sa kanilang lahat.  “It’s fine you don’t have to,” Ace Caspian, ‘yung pinakamatanda, matangkad, blonde ang buhok, syempre nagpakulay, ‘di ba? “We’re alright.” Mahinhin niya ko nginitian. Nginitian ko rin siya ng nahihiya at umiwas na nang tingin. Totoo ba ito? Nginitian ako ni Ace! OMG!  Kung iisipin man, swerte na rin ako sa posisyon  ko ngayon. Not much people would be with them backstage.  ‘Di ko alam ang sasabihin ko, s**t! Ayaw kong mapahiya sa harap nila. “A-Ah, sigurado ba kayo?” Tanong ko ulit sa kanila.  “Very much sure!” Ngiting sinagot naman ni Jax Llarena, pink ang buhok niya, moreno at singkit, ‘yung second eldest sa grupo.  ‘Di talaga ako makapaniwala na nandito sila, nandito siya sa harap ko! Pinipigilan ko na lang talaga ang sarili ko na kiligin dahil, syempre, kinakailangan kong magmukhang professional sa harap niya.  Baka naman, charot! Para naman magmukha akong mature tingnan, ‘no? At, para hindi nila isipin na may masama akong intensyon dahil sa posisyon ko.  “Sige, magpapadala pa rin ako sakaling magutom o mauhaw kayo.” I felt like I was in a daze. Para akong lasing kung magsalita.  Ilang sandali ay may kumatok na sa pintuan at ang bumungad ay si Principal Cuevas. “Ah! Inaanak ko!” Nagulat ako sa sinabi ng Principal ko.  Inaanak?! Sino?!  Nakita kong tumayo si Warren at niyakap niya ang Principal namin. Nagpabalik-balik ang tingin ko kay Warren at kay Principal Cuevas.  Si--inaanak--ni Principal Cuevas ang manager ng Clover?!  ‘Di ko alam ang gagawin ko, napatulala na lang ako bigla at natauhan na lang nang magsalita si Principal Cuevas.  “Ah! Miss Lim, nandito ka pala.” Bati niya sakin, nginitian ko na lang siya pabalik.  “Opo, hehe, tumutulong po ako sa event ngayon.” Hiya kong sinabi, mukhang nagulat naman siya nang marinig niya iyon.  “Oh, that’s good to hear.” Ngiti niya sakin pabalik.  “I needed the extra credits po, hehe,” Rason ko na lang, “excuse me, I’ll ask someone to bring some food and beverages, I’ll be back.” In-excuse ko ang sarili ko para makalabas, na-awkward-an ako ro’n sa loob.  Nang maisara ko na ang pinto, I silently screamed and jumped. Kinikilig ako! s**t! Nakita ko sila! Nakita ko siya! Nakita nila ako! Nakita niya ako!  Nag-e-error ako! Mukhang akong bulate ngayon. Todo ang ngiti ko, abot tenga. Ramdam kong nasa cloud-9 ako. ANG GWAPO NILA SA PERSONAL! AKO LANG BA O ANG INIT DITO?!  “Huy! Tumingin-tingin ka nga sa dinadaanan mo!” Pinagalitan ako ni Franny at itinabi niya ko bago pa ko mabunggo ng ibang tao. “Hoy! Earth to Alora!” Nag-wave siya ng kamay niya sa harapan ng mukha ko.  “A-Ano?” Nautal kong sagot, sumimangot naman siya.    Naisipan kong mag-ikot muna at sumama naman si Franny pagkatapos kong ipahatid ang pagkain at inumin at chineck ang stage. Grabe ang kilig ko! ‘Di ko maipaliwanag! Ang daming tao rito ngayon, ganito naman talaga tuwing foundation day, ginagawa nilang charity event yung foundation namin. Kaya nagiging open house siya tuwing foundation day.  “Lutang ka na naman, kanina ka pa, ha!” Inirapan niya ako.  “Pasensya na! Hayaan mo na akong maging masaya,” Mahina kong hinampas ang braso niya at inakbayan ko siya, “we only live once nga naman.” Ngiti ko sabay higop ko sa straw ng shake ko.  Mamayang gabi pa magpe-perform sila Colton kaya naman nagpapalipas muna kami ng oras. Alas-kwatro pa lang ng hapon at maya-maya ay lulubog na ang araw.  “Hinahayaan naman kita ah, sinong nagsabing hindi?” Umirap siya, at kumagat ng burger niya.  Madaming booths ang nakapwesto ngayon kumpara last year, bawat classroom, sulok pati na rin sa covered at open court namin.  “Hmp! I don’t claim any negative energy.” Tampo kong sabi sa kanya, at siniko niya naman ako bilang ganti.  “Dami mong alam!” At nauna na siyang maglakad, natawa naman ako at hinabol ko siya.  “Taray mo naman!” Ngisi ko, “wala ka bang balak ayain si Miles? ‘Di ba crush mo siya?” Pagbabago ko ng usapan.  “Huh?! Okay ka lang ba? Ba’t ko aayain ‘yun. Tsaka, type ko lang naman siya. Ano ka ba!” Depensa niyang sinagot ang tanong ko.  Type lang ‘raw “Uy, defensive!” Tinaasan ko siya ng kilay at ngumisi. “Patungo pa rin ‘yun sa crush, aminin mo na.” Kumuha ako ng fries mula sa kaniya.  “Eh!” Arte niya, “Sige ganito, ayain mo na lang siya mamayang gabi, kung hindi mo nagustuhan ang bonding niyong dalawa, edi hindi na natin pag-uusapan.” Deal ko sa kanya. Napaisip naman siya at kumagat ng fries.  “Sige, sabi mo yan ha!” Inirapan niya ko. Mabuti nga ‘yon, eh! May pinagkakaabalahan na siya.  Lumipas ang oras at mag-a-alas-sais na ng gabi, alas-syete pa naman ang performance nila. Pagpasok ko ro’n sa kwarto nila, nakita kong inaayusan na sila isa-isa.  “Oh, Ate Alora! Nandito ka na pala!” Bati sakin ni Fina, Josefina ang pangalan niya pero ang tawag ng lahat sa kanya ay Fina. Binati ko siya pabalik at pinagmasdan ang mga gawa ng ibang nagme-makeup sa kanila. “I-natural niyo lang ‘yung makeup, ha? ‘Wag niyo masyadong kapalan.” Paalala ko sa kanila. Tumango-tango naman sila.  Pinagmasdan ko rin ‘yung susuotin nila, ‘di ko mapigilang ngumiti at kiligin. Na-i-imagine ko na si Colton! Ugh! So hot!  Umupo muna ako sa sofa habang naghihintay na tawagin ako ng mga ibang stage managers para ipalabas na ‘yong grupo. Naramdaman kong umupo sa tabi ko si Warren.  “You seem like you know your way being a stage manager.” Compliment niya sakin, nahiya naman ako at naramdaman kong umiinit yung pisngi ko.  “Hehe,” Kamot ko sa batok ko at nahihiya pa, “it’s actually my first time po.” Hiya kong sinabi, naramdaman ko namang umiinit ang mga pisngi ko. Mukhang nagulat si Warren, “Really? Mukhang expert ka na rito ah? It’s unbelievable.” Gulat na gulat yarn?  “Heh, I do my best, para lang naman sa extra credits.” Tumango naman si Warren.  Patuloy niya pa rin akong kinakausap, tungkol sa hobbies ko at kung ano-ano pa. Mukhang nagkakasundo kami.  Umupo sa isang upuan si Colton at abala sa pag-ce-cellphone, sinusubukan kong hindi lumingon pero hindi ko mapigilan. Ang gwapo niya, dai!  Biglang napatingin sakin si Colton at tinaas ang isang kilay. Naramdaman kong uminit ang aking mga pisngi at lumingon agad ako kay Warren na patuloy pa rin sa pagkwe-kwento. Ba’t kasi lumingon ka pa, tanga! Huli ka tuloy. Ilang oras ay natapos na sila at nagbibihis na, syempre may CR dito! Alangan namang magpalit sila sa harapan ko, ‘di ba? I mean, hindi naman ako nagrereklamo, ehe, chareng! “Um, guys, 20 minutes na lang po before call time, paki-bilisan po, thank you!” Sigaw ko sa kuwarto. Unang lumabas ng CR si Colton at dali-daling inayos nila Fina ang suot niya at binigyan siya ng in-ear monitor. Bagay na bagay sakaniya yung cotume niya, shuta! Ayaw ko na! Napapatitig ako sa kanya, shuta naman! Feeling ko maiiyak ako dahil sa kanya. I feel so close yet so far still. At, legit na ‘to.  Lumingon sa akin si Colton.  TUMINGIN SA AKIN SI COLTON! s**t! MAHIHIMATAY NA AKO! Hala! Palapit na siya!  “Your nose is bleeding.” Halata sa boses niya na ‘di niya ine-expect at pinasahan niya ko ng tissue para maipunas ko sa ilong ko na dumudugo.  Natauhan ako at ang mga tao sa kuwarto ay lumilingon sa direksyon namin. Kinapa ko ang ilong ko, basa siya at may dugo sa kamay ko.  Mahina akong napamura at dali-daling kinuha ang tissue mula sa kamay niya. “Thank you,” Mahina kong siyang pinasalamatan. Syempre! nahihiya ako! INABUTAN NIYA KO NG TISSUE! I-UUWI KO NA ‘TO SA BAHAY! DI BALE NA MAY DUGO! I-DI-DISPLAY KO TO’H SA KWARTO KO! “Okay ka lang ba Alora?” Tanong ni Fina na agad na lumapit sakin, mukhang concerned din ‘yung mga myembro at si Warren sa akin. Naramdaman ko sa buong silid ‘yung tensyon.  “Hindi, hindi, ayos lang ako, tuloy niyo lang ‘yung ginagawa niyo.” Sabi ko at lumayo sa kanila ng onti para maasikaso ko ang ilong kong dumudugo. Lumapit rin si Warren sa’kin upang tulungan niya ako.  “Alora! Show time na! Stand by in 10!” Tumunog ang walkie talkie na nakalapag sa lamesa. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko, excited sa papanoorin ko ngayon. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD