Alora’s POV
Hell weeks, I guess everyone has been there before. Nagkakagulo ang buong school para lang makapag-review para sa end of term.
Dalawang terms na lang at matatapos na ako sa high school. Kaya tinodo at sineryoso ko na ito. Sumabay pa ang foundation day namin kaya marami akong inaasikaso.
“Pagod na ako.” Bulong ni Franny at minasahe ang sentido niya. Malapit-lapit na ang exam week, nasa cafe kami ngayon na pinagtatrabahuhan ko, rito kami nakatambay para mag-aral. Hindi ko rin sinunod ang sinabi ni Papa na umalis na ako sa trabaho.
Medyo may galit pa rin sa 'kin si Papa, medyo lang naman pero sobrang bigat na sa loob ko 'yon.
Ang dina-dahilan ko na lang tuwing uuwi ako ng gabi ay pumupunta ako sa bahay ni Franny para mag-aral doon.
“By the way, may meeting mamaya, ha? Pag-uusapan na natin 'yong sa foundation day.” Paalala niya sa 'kin at bumalik sa pag-aaral. Tumango na lang ako, habang tinu-tuloy ko ang pag-aaral.
The stress is real! Pero babawi ako this examination.
Pumasok kami sa isang classroom, pinag ha-half day lang kami recently dahil nga kina-kailangan ng maraming oras para makapag-review. Malaking bagay sa amin ang examination weeks, dito kasi nila bina-base ang mga final grades at malaking porsyento ang nabibigay nito. Madalang lang ngayon ang nakaka-perfect sa examination, kahit top 1 ay hindi pa nakaka-perfect. Mahirap ang binibigay nilang questions.
Tabi kaming umupo ni Franny habang naghihintay. Mukhang marami-rami ang tutulong sa pag-o-organize ng foundation day this year. Tama nga ang sabi ni Franny, bobonggahan nga nila.
Ilang sandali pa ay may pumasok na matangkad na lalaki: maputi, malinis tingnan, singkit ang mata at naka salamin. “Okay, hello! Sorry for taking up your time here right now, I hope you don’t mind.” Ngiti niya, nagpakita ang mag-kabilaang dimples niya.
“Ang cute niya, dai!” Bulong ni Franny at mahinang hinampas ang braso ko. Halos makikita mo ang mga mata niya kumikinang.
“Crush mo?” Tinaasan ko siya ng kilay at ngumisi.
“Gaga, hindi, type lang naman, ehe!” Hinila pa niya ang buhok ko nang mahina. Natawa na lang ako at siniko niya ko pabalik.
“Sabi mo ‘yan, ha.” Ngisi ko ulit, inirapan niya na lang ako.
“Okay, good afternoon everyone. Sa mga hindi pa nakakakilala sa akin, ako nga pala si Miles Mejia, the President of the student council. I would just like to say thank you for volunteering to help with the preparation of the foundation day.” Ngiti niya ulit at inayos ang salamin niya sabay tingin sa papel na hawak-hawak niya.
Miles Mejia, kung alam mo lang kung gaano karami ang nagkakandarapa sa 'yo rito sa kwartong 'to ngayon.
“So ngayon, meron na tayong theme para sa foundation day, which is a carnival theme. I also have the booths of different clubs in our school at sila na bahala sa paggawa no'n.” Paliwanag niya.
Tumango-tango na lang ako para mag mukhang nakikinig pero sa totoo lang, naiinip at naiinis na ako sa mga mahihinang tili ng mga babaeng students dito.
Tangina? 'Di ba nila alam na parang paniki na sila? Ito namang si Franny, grabe makatitig kay Miles.
“Anyways, I have a list and I will announce your names along with the role we have set you up for during the foundation day.” Nagsimula na siyang magtawag ng pangalan at nasa iba’t-ibang kategorya kami nilagay.
Si Franny ang magha-handle ng mga booths at magco-coordinate ng mga decor around sa campus, 'yong iba sa mga decor, pagkain, sa booths rin at 'yong iba ay event coordinators na rin para maayos ang lahat.
“Now we’re onto our stage managements,” huminto siya para hanapin ang papel para roon, “We have Alora Lim, Elias Franco.” Hindi ko na siya narinig. Ako? Stage management?
Patuloy pa rin ang meeting hanggang sa umabot ng ala-una ng hapon, nag-sitayuan na ang mga tao at ako naman ay nag-unat ng katawan. Magdamag ako nakaupo at ngalay na ang puwet ko.
“Sosyal, ha! Stage management ka pala!” Biro ni Franny nang makalabas na kami ng silid.
“Stage management? Eh, hindi ko nga alam kung paano 'yon? hindi ko nga ma-manage nang maayos ang buhay ko, 'yong stage pa kaya?” Umirap ako at bumaba na kami ng hagdan.
“Ano ka ba? ang over mo, ha! Aayusin mo lang ‘yong stage set up, props, 'yong schedule, performers,” Tinaas baba niya ang dalawa niyang kilay at ngumiti, “ ‘di ba mahilig ka sa mga gano'n? 'yong performers?” Pag-bibiro niya.
“Whatever,” inirapan ko na lang siya, “mabuti sana kung sila Colton ang nasa stage na 'yon, kaso hindi naman, 'di ba?” Ngumuso na lang ako.
“Hindi mo alam 'yon, malay mo lang.” Kindat niya sakin sabay akbay sa balikat ko patungo sa main gate.
“'Wag mo nga ako paasahin.” Irap ko ulit sa kanya, napipikon.
“Ay! Ba't parang pinaasa ka na kung magsalita ka? Saka, ba’t ka kasi umaasa? Bawal 'yon, fangirl.” Siya naman ngayon ang nag-tataray.
Hindi ko naman kasalanan na gano'n ako, 'di ba? Hindi ko naman kasalanan na mabilis akong umasa. Ano na tawag sa sarili ko kung gano'n? Asado? Ano ako siopao? Sorna, tao langs.
Ni-libre ako ni Franny ng kwek-kwek bago kami dumiretso sa school nila Hunter at Hail. Ako na ang susundo sa kanila dahil half day nga lang naman kami, alas tres pa ang labas nila kaya naisipan naming tumambay muna sa Mcdo ng sandali para makakain ng lunch at makapag-review nang kaunti pa.
“Ano raw?” Kamot ko sa ulo ko habang pinapaliwanag ni Franny ang konsepto ng Math.
Tinitigan na lang niya ako na para bang nagsasawa na siya.
Awts, sawa na siya sa 'kin. Sorry, ha? Ganito lang ako, eh. Char!
“Huy, naka ilang paliwanag ko na sa ’yo rito!” Siya na ngayon ang nagkakamot ng ulo niya, “Hala ka, ayaw ko na, bahala ka na riyan, kumukulot ang buhok ko sayo.” Sabi niya at nag-simula nang mag-ayos ng kaniyang gamit.
“Sorry na po! Bobo lang talaga ako!” Pag-iinarte ko at nag-ayos na rin ng gamit ko, tinignan ko ang orasan sa phone ko, sakto! Malapit nang mag alas tres.
“Hindi ka bobo, walang bobo sa mundo, matalino ka, hindi mo lang alam 'yon. Top 3 ka naman dati pero ano na? Inuuna mo kasi ang mga hindi dapat unahin,” natrigger ako sa sinabi niya pero sa bagay, may punto naman siya. “puro ka kasi Colton! Colton dito, Colton doon! Ay, jusmiyo! Puro na lang Colton! ‘Yon na lang ata ang bukambibig mo eh!” Inis niyang sabi at ininom ang natitirang coke float sa baso.
Tinaas ko ang aking kilay at pinanood siyang uminom. “Selos yarn?” pabiro kong sabi at ngumisi.
Nabilaukan naman siya sa iniinom niya at natawa ako.
“Yuck! Asa! As if!” Ubo niya, parang siyang nangangasim sa itsura niya ngayon.
Halos maluha na ko sa kakatawa, “Akala ko naman selos ka dahil kay Colton. Anyways, tara na, sunduin na natin sila Hunter.” Tumayo na ko, sinuot ang bag ko, at nag-ligpit ng pinag-kainan namin.
Tumayo na rin siya at kinuha ang natirang fries sa lamesa, tinitigan ko siya, “Bakit? 'Di maganda ang magsayang ng pagkain.” Rason niya. Inilingan ko na lang siya at tumalikod na.
Bumili muna ako ng Mcdo para kay nila Hail at Hunter para may merienda naman sila pagkalabas.
“Ate!” Sigaw nila Hunter at Hail at sabay nila akong niyakap. Niyakap ko sila pabalik.
“Aba! Ako wala?” Biglang nagsalita si Franny, panira amp!
“Ate Franchesca!” Tawa nilang dalawa at dali-daling pinakawalan ako at yumakap naman kay Franny.
“Yes, yes, 'tis I!” Biro niya sa dalawa at niyakap niya pabalik ang mga kapatid ko.
"Naglaro na naman kayo, ha! Magpalit kayo agad pag-uwi natin." Saway ko sa kanilang dalawa. “Tara na, uwi na tayo.” Sabi ko at humawak sa kamay ni Hunter at karga naman ni Franny si Hail.
Buong biyahe namin pauwi, ang daming kwento ni Hunter sa mga pinaggagawa niya sa school. Si Hail tahimik lang 'yon.
Nang makauwi na kami, tumambay muna si Franny sa bahay namin. Sabi niya mananatili muna raw siya sa bahay para mag-aral kami. Um-oo na lang ako at hinayaang umakyat sila Hunter at Hail para magpalit ng damit. Dali-dali silang bumaba ng hagdan at inabot ko na sa kanila ang binili kong Mcdo.
Tahimik lang silang nanonood ng TV sa sala, habang kami ni Franny ay nasa kitchen table para mag-aral.
Naging busy ako buong week, malapit na ang foundation day, isang araw na lang tapos na ang examination week. Sinusubukan kong ibalanse ang lahat ng gawain, personal life, pati na rin ang school life. Sinabi ko na rin kay Papa na hindi ako aalis sa tinatrabahuhan ko dahil kailangan ko ng pera at para na rin makatulong, para sa aming lahat naman ito.
Again, ayaw niya ang ideya na 'yon pero ang sabi na lang niya ay malaki na ko para gumawa ng mga desisyon para sa sarili ko at alam ko naman ang tama sa mali.
Kinakabahan ako sa releasing ng grades. Kaya abala ako sa stage managing para hindi ko na muna maalala kung ano ang magiging grade ko ngayong term.
“Alora! Anong gagawin ko rito?” Tanong sakin ni Elias habang hawak-hawak ang mga extrang cords.
“Lagay mo na lang siguro sa stock room, o kaya doon na lang sa backstage muna kasama ng ibang mga extras.” Tumango tango na lang siya at ginawa na ang sinabi ko.
“Alora! Pwede na 'to?!” Tanong ni Bryce mula sa itaas dahil inaayos niya yung mga ilaw para sa lighting effects.
Tumingin ako at inobserbahan kung ayos na iyon. Naningkit ang mata ko para makita ko nang maayos tapos kinaway ko ang kamay ko sa kanan, “Konti pa sa kanan! Ops!” Nag-thumbs up ako. Senyas na okay na ito.
Tiningnan ko 'yong clipboard para matingnan kung ano pa ang kailangang gawin, may tumapik sa balikat ko, humarap ako at nakita na si Faris, siya ang naka assign sa sound system.
“Lora! Samahan mo nga ako, pa-check nung sound system,” Hila niya sa'kin at dumiresto sa right wing, “Okay na ba ito?” Tanong niya sakin.
Ina-adjust niya yung mga sound effects at yung mga light systems na rin. Tumango ako, “Oo, okay na yan.”
Bago ako umalis ay may natandaan akong itatanong sa kanya dahil parte rin naman siya ng student council bilang treasurer. “Nga pala, Faris, may alam ka ba kung sino magpe-perform sa foundation day?” Tanong ko sa kanya, “wala kasi silang binigay na info about sa kanila, eh. Baka sakaling meron kang alam para naman maayos namin lahat.” Pagrarason ko.
Sa totoo lang, curious lang talaga ako.
Nag-isip si Faris ng ilang saglit at tiningnan ang mga papel na nasa tabi niya, “Hmm, parang wala akong details about do'n, mamaya tatanungin ko si Miles tungkol do'n.” Sagot niya. “pero ang rinig ko kasi, famous boy group daw 'yon, 'di ko lang sure, ha? sabi-sabi lang 'yon dito. Kalat kasi, eh.” Nagkibit balikat na lang siya.
Tumango na lang ako at bumuntong hininga dahil pagod na ko. "Sige, salamat." Ngiti ko sa kanya. “Oh, juice. Sa init ngayon dapat lagi kang uminom ng marami, baka mamaya mahimatay ka sa init, jusko.” Pag alok ni Franny sa'kin ng isang basong juice nang makalapit siya sa'kin.
Siningkitan ko siya ng mata at pabalik balik na tinignan ang juice at mukha niya. “Chill, walang lason 'yan.” Irap niya sakin, napangiti naman ako at kinuha na lang ang juice.
“Thanks.” Sabi ko at uminom.
Minsan napaka bipolar nito ni Franny, isang araw mataray at parang walang pake sa'kin tapos sa susunod parang akala mo mawawala ako sa buhay niya.
“Ay! By the way, narinig ko ang magperperform ay yung Clover.” Nabuga ko ang iniinom ko at napa-ubo.
Ano raw?!
“Huy! OA naman nito, kalma ka lang!” Hinimas niya yung likod ko habang umuubo at nagpasa nang tissue sakin.
Suminga ako dahil lumabas sa ilong ko yung juice, kadiri naman!
“A-Ano!?” Gulat ko siyang tinanong.
“Wala! 'wag na! focus ka na sa ginagawa mo.” Tumakbo na lang siya paalis para hindi ko na siya matanong pa.
Magpe-perform ang Clover?! Dito sa school?! Sa stage na hinanda namin?! HOMAYGASH!
What? When? Where? Who? How?
Tumitibok nang malakas ang puso ko habang iniisip ko na magpe-perform sila rito.
Baka mali lang 'yong pagkarinig ko, imposible! Oo, malokong babae 'yon si Franny. Sasabihin na naman niyan sa'kin “Bakit ka umasa?” o kaya “'Yan! Asa ka pa!” Ewan ko ba ro'n, hindi ko na lang iisipin.
Pero anong gagawin ko kung sila nga?