3

2951 Words
Alora's POV: Patakbo akong bumaba ng hagdan, muntik na ring natapilok. Ni hindi pa nga ako tapos magbutones ng blouse ko at hindi pa ko nakasuklay ng buhok.  Nang tingnan ko ang orasan, naisip ko na hindi na ako makaka-abot sa unang klase ko. Nakaalis na rin si Papa sa bahay. Nakakuha ako ng text mula sa kanya na aalis siya nang maaga dahil may tatlong interview siya para sa full-time job na ina-applyan niya. Sana makuha niya kahit isa sa posisyon na in-apply-an niya.  "Hunter! Hail! Ano ba! Ang bagal, halika na! Hindi ko na kayo mahahatid." Pagaayos ko ng lunch box nila pagkatapos kong mag-medyas.  Ikot dito, ikot doon, saan kaya 'yong bag ko?  Naalala ko na, inakyat ko rin pala kagabi.  Umakyat ulit ako at dali-daling kinuha ang bag ko sa kwarto at pinuntahan ko ang mga bata kong kapatid sa kwarto nila. Hirap na hirap na naman sila mag-uniporme.  "Akin na nga!" Lapit ko sa kanila at inayos ang butones ni Hunter at ang blouse ni Hail, tinulungan ko na rin siya magpalda.  Kinder palang si Hail, at si Hunter ay grade 5 na.  Nakita kong pumasok ng gate namin si Tita Morrie, siya 'yung kapitbahay namin na palaging nagbabantay kay Hunter at Hail, siya na rin ang naghahatid-sundo sa kanila dahil ang anak niya'y kaibigan at kaklase rin ni Hunter.  Usually, maaga ang pasok ko. 7:30 ang simula ng klase ko at sila Hunter naman ay 8. "Oh, Alora, anong oras na, ah?" Paalala niya pa sakin habang sinusuot ko ang aking sapatos.  "Nasobrahan sa tulog, tita!" Nginitian ko siya at nag-mano. "Oh, siya, magpakabait kayo, ha! 'Wag puro laro sa school at mag-aral!" sermon ko. Aba! Mula sa'kin? Ako nga yung bagsak. Chareng! Lumuhod ako para mayakap silang dalawa at isa-isa kong hinalikan ang noo nila. Nagpaalam na ako sa kanilang tatlo at pumara ng tricycle. Biglang nag-ring phone ko.  'Di ko na tinignan kung sino yon at madaling sinagot, "Hel-" Naputol ang sasabihin ko nang biglang sumigaw sa kabilang linya ang pamilyar na boses kaya naman agad kong nilayo ang phone ko sa tainga.  [Babae! Saan ka na? Jusko! Late ka na! Nag-assembly na at mag-s-start na 'yong first class!] "Ito na, nasa tricycle na!" Sigaw ko pabalik dahil maingay humarurot ang tricycle na sinasakyan ko.  [Ba’t ngayon ka lang, ha?] “Tsk! Na-late ako ng gising! Pumasok ka na, malapit na ko!” Sabi ko at binaba na lang ang tawag bago pa siya sumagot sa kabilang linya.  "Kuya, pwede po paki bilisan?" sabi ko sa driver. Napabuntong hininga na lang ako nang makita ang orasan sa cellphone ko, 7:50 ang basa.  Napamura nalang ako nang mahina, mukhang hindi maganda ang araw ko ngayon.  “Salamat manong, Ingat.” Sabi ko sa driver nang maabot ko sa kanya ang bayad, alas-otso na nang makarating ako school. Jusko!  Hinila ko mula sa bag ko ang ID ko, Kinabahan pa ko kasi akala ko naiwan ko siya sa bahay. Sayang din ang punta ko rito kung hindi naman ako papapasukin ni Manong Guard.  Tinakbo ko yung classroom ko, nasa fourth floor pa naman ito. Hingal na hingal tuloy ako pagkarating ko.  I hate stairs, so MUCH! Hindi na ako nakadaan sa locker ko kaya may mga kulang akong gamit para sa first class ko. Ano nga ba first class ko? Kumatok ako sa pinto at binuksan iyon. Tahimik ang mga kaklase ko sa room, at mukhang may group work ngayon dahil kumpul-kumpulan ang mga upuan nila, at nag-si-tinginan sila sa'kin.  Alam kong maganda ako, pero tinitingin-tingin niyo? Wala ako sa mood ngayon.  “Miss Lim, you’re late…. Again.” Banggit ni Ma’am Angeli, adviser namin, na tumigil sa pagsusulat sa board.   Shit naman! “Good Morning, miss. Sorry I'm late.” saad ko nang maisara ko na ang pinto. Bumuntong hininga siya “Go to your seat and write an excuse letter on why you're late.” Sabi na lang niya at tumingin sa laptop niya. “To fill you up, we have a group work. You would be in the Group of Ms. Cassandra Tolentino.” Tumingin siya sa grupo ni Cassandra sabay binalik ang tingin sakin.  Tumango ako, "Thank you, miss." at naglakad na patungo sa grupo nila Cassandra. Group work na naman, hindi na talaga nawala. Oh, well... “Okay class, that would be all for today please take your break and I’ll see you next week.” Announce ng teacher namin, at nag-sitayuan na silang lahat.  “Okay! So, Alora, ikaw na ang bahala sa Powerpoint at i-se-send na lang namin sa group chat ang mga na-research namin. Okay ba 'yon?” Tanong ng isa kong kagrupo na si Katrina, Kat for short.  Tumango na lang ako at inayos ang mga gamit ko. “By the way, class, before you leave, please hand in your homework that I gave you yesterday.” Nabigla ako, oh no.  Hinalungkat ko 'yong bag ko, at tama nga ako, wala nga akong gawa. Graded pa naman siya, putek.  Halos lahat sila ay nag-si-pasahan na ng assignment nila.  Bumalik na lang muna ako sa upuan ko at niyakap ang bag ko. Kinakabahan ako.  “Alright is this everyone? I would be calling one by one so that we could make sure that it is complete. Say here if I call your name. Please raise your hand if your name was not mentioned.” Sinimulan niya nang tawagin 'yong mga boys, habang ako ay nag-iisip nang malalim kung anong gagawin kong pang-excuse.  Jusko, Alora! Get a hold of yourself! Grade 12 ka na! Ganito ka pa rin.  Gusto kong sampalin ang sarili ko sa mga pinaggagawa ko.  “Alright, who wasn’t called? Please raise your hand.” Tanong niya at sumandal sa lamesa niya.  Nahihiya kong tinaas ang kamay ko, wala akong choice. Nakita kong tumaas ang kanyang kilay na para bang gulat na gulat sa nakita. Nagsulat siya sa isang papel, Ramdam ko ang tensyon sa buong classroom kahit naka-aircon naman ang silid. Pinapawisan ako sa kaba.  Umupo siya sa lamesa niya at sumandal sa upuan. “Alright, everyone take your break now. Alora? You stay, we need to talk.” Tinuro niya yung upuan sa harap niya. Sinabi na umupo ako roon, kaya 'yon nga ang ginawa ko.  Napalunok ako sa kaba, ramdam ko yung pawis sa kili-kili ko, shutabels! Nang nakaupo na sa harap ng teacher's table, “Alora, I’m not happy with your performances this school year.” sabi niya nang lumabas na ang mga tao sa room.  Napayuko naman ako. “Alora, we can’t tolerate this, especially in a school like this. I wouldn’t want you to be suspended. It's the second semester. You have to do better in order for you to graduate.” Lumaki ang mga mata ko nang mag-angat ako ng tingin. “Su-Suspended?!” Nauutal ako, jusko!  Tumango siya, “That’s right, but that depends if you continue this.” Seryoso niya akong tinignan. “Regarding the homework that was passed a moment ago, I will give you one more chance and that’s it. No more, although there would be a huge deduction on this.” Dugtong niya.  Tumango ako nang mabilis, “Thank you ma’am, thank you so much.” Sabi ko, at tumango naman siya.  “Oh, by the way, expect your father would hear about this, okay? You may now go.” Tumayo naman na siya at inayos ang mga papel sa lamesa at pinatay ang kanyang laptop.  Tumayo ako nang mabagal, iniisip na makakakuha na naman si Papa ng tawag mula sa kanila. Krujanginer, ayoko na mag-aral!!  Lumabas na ko agad pero nahila ako sa braso, “Narinig ko 'yon.” sabi sa'kin ni Franny at niyakap ako bigla.  Napakagat ako sa aking labi ko para pigilin ang luha ko. “Heh, nandiyan ka pala..” Sinubukan kong kumawala sa yakap at hinayaan niya naman ako.  “Sinasabi ko sayo, Alora! Umayos-ayos ka nga! 'Wag mo nga i-prioritize ang mga lalaking yon.” Pinitik niya ang noo ko, kaya hinimas ko naman.  “Aray! Tsk! Ano ba!” Inis kong sabi. Alam naman ni Franny na namatay si Mama. Nang mawala kasi ang Mama, hindi ko na maayos ang mga grades ko. From top 3, to no honors. Pati ang Papa ko apektado sa pagkamatay niya dahil nawalan siya ng trabaho… Na naging sanhi ng pagkakaroon namin ng problema sa pera. At ngayon, naglalasing siya kung kailan niya gusto. Ayaw kong sabihin kay Franny kasi ayaw ko nang abalahin pa siya. May family problems din kasi si Franny kaya ayaw ko dumagdag at tsaka kaya ko na ito, kaya nga ako nagpa-part time hindi ba?  Akala niya nagpa-part time lang ako dahil para makatulong at makapag-ipon para sa college, well, half true, I guess. Ako na nga ang nagbabayad ng tuition ko kung kaya ko. Pinipilit pa rin ni Papa na siya na at kaya niya na ang lahat. Kaya palihim ko na lang binabayaran para kanila Hunter at Hail na lang ang iintindihin niya.  Mahal ang tuition kaya dapat pagbutihin ko ito.  “Magbabagong buhay na ko Fran, 'wag kang mag-alala.” Naka-ngiti kong sabi sa kanya nang makarating kami sa locker namin.  “'Yan ka na naman, puro ka ebas eh, di mo naman ginagawa.” Umirap siya habang binulsa ang wallet niya at inayos ang loob ng locker niya.  “Naghahanap ako kung paano ko 'yon gagawin, naghahanap rin ako ng paraan para magawa ko 'yon, 'wag mo kasi ako unahan.” Pinalo ko ang braso niya nang mahina at sinara na ang locker ko, naramdaman kong kumulo ang tiyan ko. Hindi pa pala ako kumakain ng breakfast kanina.  “Ewan ko sa'yo, fangirl.” Inirapan niya ako sabay hila na naman sa braso ko, “Halika na nga! Gutom na ko!”  Natawa na lang ako.  Iniisip ko na kukuha sana ako ng tutor, kaso magkano na naman 'yon. Pwede naman ako magpaturo kay Franny, baka ilibre niya pa ko. Siguro, pero pag iisipan ko pa muna.  Mabilis ang takbo ng oras at nakauwi na ko sa bahay ng ganoong oras din, alas-diyes ulit. Wala namang pinagbago, pero nagtaka ako nang makita ko pa ang mga ilaw mula sa loob ng bahay, hindi pa ata natutulog si Papa?  Binuksan ko ang pinto nang dahan-dahan at bumungad si Papa, “Oh, Pa, ba't gising ka pa po?” Bati ko sa kanya.  Puro bote ng alak ang nasa lamesa, umiinom pa siya ng isang bote. Kinagat ko nalang ang labi ko at tinanggal ang sapatos ko.  “Kumain na po ba-” Naputol ako sa sinasabi ko nang magsalita sya.  “Ano iyong tawag na nakuha ko mula sa school mo? Bagsak ka raw? Tama ba ang pagkakaintindi ko sa kanila?” Sunod-sunod niyang tanong, padabog niya pa pinatong ang bote ng alak sa lamesa kaya may nahulog na ibang bote sa sahig at nabasag.  Nagulat ako at kinabahan na baka mamaya magising 'ang mga kapatid ko. “Ah, 'yon ba? Wala lang 'yon, Pa! Kinausap ko na sila, para sa tuition lang 'yon!” Pagpapalusot ko, ayaw ko aminin sa kanya na bumabagsak ako.  Kaya ko 'to, maaayos ko pa ito… “Alora, wag kang magsinungaling sa'kin.” Halata naman sa boses niya na lasing na siya.  “Pa, ayos lang ang lahat.. 'Wag ka na mag-alala. Ang ibig nilang sabihin ay-” Pinutol niya ulit ang sasabihin ko.  “Alora, ano ba!” Sigaw niya. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Kinakabahan na ko agad. “Hindi ako tanga, Alora, alam ko ang narinig ko mula sa eskwelahan mo! Ano ba pinag-gagagawa mo, ha?! Hindi kita pinapaaral para lang bumagsak ka! Ano na mangyayari sayo?!” Sigaw pa niya. Kinakabahan ako dahil baka magising ang mga kapatid ko.  Wala na akong takas dito sa usapang ito, “Pa, pasensya na, aayusin ko lahat, pangako ko sa'yo yan, 'wag mo na ako alalahanin dah-” Inunahan niya na naman ako.  “Anak kita, Alora! Pakiramdam ko ay wala akong kwentang ama! Kaya ayaw kita ipagpart-time dahil kailangan mo mag-focus sa pag-aaral! Tingnan mo napala mo riyan sa trabaho mo na 'yan! Kahit simpleng assignment hindi mo mapasa!” Sigaw niya pa.  Pinipigilan kong hindi pumatak ang luha ko, huminga ako ng malalim, “P-Pa,” Nanginig ang boses ko.  “Anak, alam kong mahirap ang pagkawala ng Mama mo, hirap na hirap din ako at mas lalo na rin ang mga kapatid mo! Maaga kayo nawalang ng ina! Alora!” nagsimula na siyang lumuha. Yumuko na lang ako, ayaw kong umiyak, hindi ngayon.  “Pagbubutihin ko, P-Pa.. 'Wag na kayo mag-alala, gagawin ko ang lahat para lang maayos 'to…” Bulong ko pero tama lang na marinig niya.  Totoo ba itong sinasabi ko?  “Anak, kahit 'wag mo na 'to gawin para sa'kin o sa kapatid mo. Isipin mo na lang na para rin 'to sa kinabukasan mo..” Nahihilo siyang naglakad paakyat at padabog na sinara ang pinto nila sa kwarto.  Huminga ako nang malalim at nagsimulang maglinis, kinuha ko ang walis at dustpan. Pinulot ko muna ang mga malalaking tibo at dahan-dahan kong winalis ang mga bubog sa sahig para 'di ko sila matapakan.  'Di ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko, dali-dali kong pinunasan ang luha ko.  Nang matapos ako sa paglilinis ay umakyat at tiningnan ang kwarto ng mga kapatid ko pero nagulat ako nang makita ko sila Hunter at Hail na nakaupo sa kama.  “Gising pa kayo?” Singot ko.  “Ate, ayos lang po ba kayo?” nag-aalalang tanong ni Hunter, si Hail ay nakatitig sa akin ngayon at ang laki ng mga mata. Napangiti naman ako sa kanila. Umupo ako gitna nilang dalawa at niyakap ko.  “Ayos lang si Ate, magiging ayos rin si Ate, magiging ayos din tayo.” Mahina kong sabi at hinalikan ang ibabaw ng kanilang ulo. Naramdaman ko na naman ang luha ko at pinunasan ko ulit 'yon nang mabilis para hindi nila makita.  Ayaw kong umiiyak sa harapan nila dahil ako yung nakatatanda, hindi nila ako pwedeng makitang umiyak dahil kailangan kong maging malakas sa harap nila.  “Halika na matulog na tayo at gabi na.” Tinapik ko sila at tumayo na.  Sinamahan ko sila sa kwarto nila hanggang sa makatulog sila. Pinagmamasdan ko sila, ayaw ko na maranasan nila ang nararanasan ko ngayon.  Magiging ayos din ako…  “Anong sumapi sayo?” Pabulong na tanong bigla ni Franny at nakatingin nang seryoso sa harap ko, nasa library kasi kami ngayon. Naisipan kong mag-aral ngayon sa library.  “Huh?” Naguguluhan ako sa tanong niya.  Lumapit siya sa'kin, “Ang tanong ko ay ano ang sumapi sayo at naisipan mong mag-aral ng ganito kaaga?” Ulit niya. Nakakunot ang noo niya.  Ako naman ang kunot ang noo, “Sabi mo na mag-aral ako tapos ngayon nagtataka ka kung ano sumapi sa'kin? Ang gulo mo rin, eh.” bulong ko pabalik at binatukan ko siya nang mahina at sumandal sa upuan ko.  “Pasensya na, hindi lang ako sanay.” Pagde-depensa niya habang nakatitig sa'kin na gulat na gulat.  “Sabi ko nga naman sa'yo 'di ba na magbabagong buhay na ko, at sabi mo wala akong ginagawa, puro ebas lang pero ngayon, ngayon namang may ginagawa na ko parang ayaw mo pa rin.” Sabi ko at bumalik na sa pag-aaral.  “'Di ko alam kung magiging masaya ako dahil pina-prioritize mo na ito o maguiguilty dahil sa lagay mo ngayon.” Ipinatong niya ang baba niya sa palad.  “Alam mo tulungan mo na lang kaya ako mag-aral.” Umirap ako at natawa naman siya nang mahina at nag-cellphone na lang.  Aba! Seryoso kaya ako ro'n! “Huy! Alam mo ba?” Bigla-bigla siyang tumayo at tumakbo sa tabi ko, hawak-hawak ang phone niya.  “Hindi, hindi ko alam.” Sabi ko at patuloy na sumasagot sa libro, mga assignment ko na hindi ko pa nagawa at ginagawa ko na rin 'yong assignment ko na sinasabi ni Ma’am Angeli.  Ngumuso si Franny, “Yung Foundation day kasi!” Inaalog niya yung braso ko.  Inis kong tinanggal ang hawak niya sa braso, “Taray mo, gaga.” bulong niya, pero napa-iling na lang ako.  “Anong meron sa Foundation day natin?” nakatuon na ang atensyon ko sa kanya.  Palagi silang nag-e-event after ng examination week para maging relaxed muna ang mga estudyante nila bago sila mamatay kaka-aral para sa end of term.  “Sabi ng mga estudyante, may kinuha silang performers para sa foundation day!” Kinikilig 'yong gaga at pinalo palo ako sa braso.  “Oh, tapos? Hindi ba laging may ganon kada end of term natin?” Tanong ko naman, wala akong interest kung sino man ang mag-pe-perform. Unless, nandoon sila Colton… hehe.  Asa pa Alora!  “Sa bagay, pero ang narinig ko isang grupo raw sila! Famous! Pero hanggang doon lang ang alam ko, wala pa naman silang sinasabing iba.” Lumayo na siya at agad naman nag-type sa phone niya.  Huh? Grupo? E, parang walang budget ang school namin para doon..   “Ay, by the way! Kami mag-aayos ng foundation day, gusto mo tumulong? May extra credit! Pwede mong ipambawi sa mga iba mong subjects.” Tumingin naman agad ako sa kanya at parang lumiwanag ang mga mata ko.  “Oo! Sige! Sabihin mo kung ano man 'yan, makakatulong ako!” Masaya kong sabi sa kanya. Tumango naman siya at kinindatan ako, “Yown, kailangan na namin ng maraming tulong dahil bobonggahan daw nila this year.” At nag-type naman siya ulit phone niya.  At 'yon na nga, tutulong ako sa pag-aayos ng foundation day at para makabawi sa mga subjects ko.  Magiging okay din ang lahat, tiwala lang…   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD