Kinaumagahan ay wala na sa tabi ko si Jarred at lumabas ako sa kwarto. Naabutan ko si Abi na naglilinis ng sala. “Umalis na si Jarred, di ka na niya ginising pa” saad niya. Bumuntong ako ng hininga. “May gagawin ka ba mamaya?” tanong niya. “Wala naman tatambay lang ako sa kwarto mamaya” sagot ni Abi. “Siya nga pala nagluto ako ng almusal kumain ka na” tumango ako at kumain na ako. Pagkatapos kong kumain ay bumalik ako sa kwarto at nilagay ang mga gamit ko sa isang duffel bag. Gusto ko man magdala ng maleta pero baka may makakita sa akin at marinig pa ni Abi yun. Nilagay ko muna sa ilalim ng kama ko at muli kong kinuha ang phone ko at binuksan ang laptop para matrace kung sino ang nasa likod ng anonymous user na yun na nagsesend at nagbabanta sa akin. Di ko pa rin matrace hanggang ngay

